Ipinagtanggol ni Beatriz Saw ang malapit na kaibigang si Bea Alonzo sa gitna ng kontrobersiyal na hiwalayan ni Bea at ng fiancé nitong si Dominic Roque.
Sa X (dating Twitter) kahapon, February 7, 2024, nag-post ang isang netizen na “meron something sa character” ni Bea.
Kahit mayaman daw kasi ang isang tao pero kung may nakatago sa ugali nito ay wala talagang magpapakasal dito.
Buong post ng netizen, “Masyado naman mataas ang tingin ng mga tao kay B coz meron syang lupain. Regardless of how rich you are if meron something sa character mo, hindi ka parin pakakasalan ng lalaking mas mayaman sayo.”
Sinagot ito ni Beatriz.
Ginagarantiya raw niyang walang nakatagong kakaiba sa karakter ni Bea.
Ani Beatriz, “Don’t worry, I assure you wala siyang something sa character”

Sina Beatriz, Bea, at Dimples Romana ay naging malapit na magkaibigan mula nang nagkasama sila sa pelikulang One More Chance taong 2007.
Read: Bea Alonzo reunites with One More Chance co-stars Dimples Romana, Beatriz Saw
Pumutok ang balitang hiwalay na sina Bea at Dominic matapos mapansin ng mapanuring mata ng netizens na ilang linggo nang hindi nagpu-post ng larawang magkasama ang engaged couple.
Sa kabila ito ng kakatapos lang nilang masayang bakasyon sa Japan.
Makalipas ang halos isang linggong bulung-bulungan, kinumpirma ni Boy Abunda sa programa niyang Fast Talk With Boy Abunda sa GMA-7 noong February 6, na hindi na matutuloy ang kasal nina Bea at Dominic.
Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
Kasunod nito ay ang kaliwa't kanang batuhan ng akusasyon ng publiko at kung anu-anong haka-haka ng netizens sa tunay na dahilan ng hiwalayan.
Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang magkabilang kampo kung bakit sila naghiwalay.
Pinag-uusapan din ng publiko ang iba't ibang cryptic messages ng mga nakapalibot sa dalawa.
Read: Dominic Roque's brother alludes to wolf in sheep's clothing amid BeaDom breakup
Read: Bea Alonzo's road manager posts cryptic message about "manipulative sad boi"; is it Dominic Roque?
Samantala, ngayong Huwebes, February 8, 2024, binasag na ni Dominic ang kanyang pananahimik.
Kasunod nito ang pakiusap na wala sanang "hate/bashing/negative things" laban kay Bea at sa kanya.
Read: Dominic Roque breaks silence amid breakup with Bea Alonzo
Patuloy pa ring inaabangan ng publiko kung kailan magsasalita ang dalawa at kung maaayos pa ang gusot sa pagitan nila.
