PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Bautista: Open to Love & Family

Mark Bautista admits he was a victim of sexual abuse by a relative.
by Jojo Gabinete
Published Feb 9, 2024
mark bautista on marriage
Mark Bautista on being a victim of sexual abuse by a relative: “Nung namatay yung papa ko, nandoon siya. Bumisita sila, yung family niya. I think, napatawad ko na siya. Whatever happens, I’m okay, a-accept ko lahat."
PHOTO/S: Karen Davila YouTube

Sa edad na 40, hindi pa nararanasan ni Mark Bautista makipagrelasyon sa babae. Pero bukas siya sa posibilidad na magkaroon ng girlfriend.

Ito ang ipinagtapat ng singer sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa YouTube channel ng ABS-CBN broadcaster na lumabas kahapon, Pebrero 8, 2024.

Read: Mark Bautista reveals he's prepared to lose some friends after coming out

Enero 2018 nang aminin ni Mark na bisexual siya sa pamamagitan ng librong kanyang isinulat, ang Beyond the Mark, na naging kontrobersiyal dahil sa mga rebelasyon niya.

Read: Mark Bautista, umaming bisexual: "I love both sexes."

Makalipas ang anim na taon, muling napag-usapan ang pag-amin ni Mark tungkol sa kanyang sexual orientation dahil sa ideya ng pakikipagrelasyon niya sa babae.

"Isinulat ko, hindi pa exact na I’m gay. Sinabi ko sa book na I was bisexual kasi open-ended yung libro,” sabi ni Mark.

“Open pa rin ako to fall in love with a girl kasi gusto ko talagang magka-family. Gusto ko magkaanak and all that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m still open to it na kung may babae na tatanggapin ako and all that, I think I’m still open.

"Kung mapa-fall ako or ma-in love ako sa isang babae, wala akong problema."

Sa isang bahagi ng pag-uusap nila ni Karen, binanggit ni Mark ang mga saloobin kaya pumapasok sa isip niya na magkaroon ng sariling pamilya.

Katuwiran niya, “Tatanda ako, sinong maiiwan… saan ko ibibigay yung pinaghirapan ko?

"Sino ang mag-aalaga sa akin, basically? Naisip ko rin na dapat siguro may kasama ako or may anak or something."

VICTIM OF SEXUAL ABUSE

Ibinahagi rin ni Mark na biktima siya ng pang-aabuso ng isang kamag-anak noong menor de edad pa siya. Inisip niyang maaaring may kinalaman ito sa kanyang pagkatao.

Lahad ng singer, "Nung time na yon, may point sa buhay ko na kinukuwestiyon ko, 'Kung hindi nangyari sa akin yon, sino kaya ang Mark ngayon? Baka ibang tao siya.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May naisip pa ako na, ‘I’m sorry Mark na bata, na nangyari sa yo yun. You were so helpless, hindi mo rin naman alam. Sorry kung may nag-grab sa yo na something sa childhood mo.'”

Sa burol ng pumanaw na ama ni Mark noong Enero 2020, muli silang nagkita ng taong nang-abuso sa kanya.

Pagtatapat ni Mark, “Nung namatay yung papa ko, nandoon siya. Bumisita sila, yung family niya.

"I think, napatawad ko na siya. Whatever happens, I’m okay, a-accept ko lahat.

"Kung anuman ang mangyari, kung hindi na ako tatanggapin sa showbiz o wala nang show, ready ako."

Nagpapasalamat si Mark sa pagkakaroon ng mga mapagmahal na magulang na buong pusong tinanggap ang kanyang pagkatao, kahit ikinagulat ng mga ito ang nilalaman ng librong isinulat niya.

“Nagulat sila kasi dun lang nila nalaman nung pagkadating ko and nung sinabi ko na magre-release ako ng ganoon [libro].

“Si Mama naman, I think may mother’s instinct na nilapitan niya ako sa bed, tumabi siya sa akin. Sabi niya, 'It’s okay. Whatever happens, I still love you. Anak pa rin kita.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Si Papa naman, walang problema.

"Dun naman talaga ako masuwerte sa parents ko, never silang nagtanong, never silang nag-question.

"Never silang nag-judge. Madali sa kanilang tanggapin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Bautista on being a victim of sexual abuse by a relative: “Nung namatay yung papa ko, nandoon siya. Bumisita sila, yung family niya. I think, napatawad ko na siya. Whatever happens, I’m okay, a-accept ko lahat."
PHOTO/S: Karen Davila YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results