Pag-amin na nga lang ba ang kulang?
Ito ang katanungan sa kung anuman ang namagitan sa aktres na si Yassi Pressman at rumored boyfriend na si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
Matagal-tagal na ring nali-link ang dalawa at palagiang nakikitang magkasama, pero hindi pa rin nila inaamin ang totoong estado ng kanilang relasyon.
Read: Yassi Pressman, Governor Luigi Villafuerte still in “getting to know each other more” stage
Sa Instagram kahapon, February 8, 2025, nagbahagi si Yassi ng ilang larawang kuha sa isang local fashion event na ginanap sa National Museum of the Philippines.
Kabilang sa mga larawang ito ay ang sa kanila ni Luigi.
May pahiwatig pa si Yassi na ang pinakahuli sa sampung larawan ay may sorpresa.
Makikita nga rito na ang dulong post ni Yassi ay isang short video na nag-kiss sila sa lips ng rumored boyfriend.
Caption ni Yassi, "a beautiful night of love [emojis] swipe to the end for a kilig surrrpwiiz [emojis]"
View this post on Instagram
Ang huling sighting kina Yassi at Luigi ay noong sinalubong nila ang Bagong Taon sa Hoi An, Vietnam.
Sa Instagram noong January 1, 2024, nagbahagi rin si Yassi ng mga larawan nila ni Luigi na kuha habang namamasyal sila sa Hoi An.
Sa caption, sinabi ni Yassi na hindi maganda ang takbo ng kanyang 2023 pero nakayanan naman niya ito.
Umaasa siyang maganda ang hatid ng 2024 sa kanya.
Aniya (published as is), "last year was such a rollercoaster, but the ride, be it scary sometimes, will always be fun.
"so excited for 2024, to all your highs and lows, stops and go-sss, laughs and cries (hopefully more for joy tho) and for the opportunity for us to breathe more, share more, learn more, give more, live more & love more.
"first day of the year in a place I’ve never been before, here’s to new life discoveries."
Read: Yassi Pressman welcomes 2024 with rumored boyfriend Governor Luigi Villafuerte in Vietnam
