PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos saddened by Christopher de Leon MIFF snub

Vilma prays for long-term revitalization of local movie industry
by Melba R. Llanera
Published Feb 10, 2024
vilma santos christopher de leon pep live
Vilma Santos (left) feels sad for When I Met You In Tokyo co-star Christopher de Leon's non-inclusion among the Best Actor nominees in the recently concluded 1st Manila International Film Festival. She confesses, “I'm feeling so sad because being the King of Drama and my leading man, I feel kahit hindi man siya manalo, I believe na dapat kahit nomination man lang sana ay nabigay sa kanya."
PHOTO/S: PEP.ph

Katakut-takot na pamba-bash ang tinanggap ng Star For All Seasons na si Vilma Santos nang tanghalin itong Best Actress sa nakaraang 2024 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang When I Met You In Tokyo.

READ: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

Kahit na napakarami nang napatunayan ni Vilma pagdating sa husay niya sa pag-arte at naiambag sa industriya ng pelikulang Pilipino, nagawa pa rin ng iba na kuwestyunin ang pagkapanalo ng Star For All Seasons at paratangan na may bentahan daw ng awards na naganap.

Ngayong siya rin ang tinanghal sa katatapos na Manila International Film Festival na ginanap sa Director's Guild of America sa Los Angeles, California nung nakaraang February 1, masasabing vindicated si Vilma dahil ibang grupo ng mga hurado o jurors ang namili sa hanay ng mga nanalo sa MIFF kumpara sa hurado na bumubuo ng MMFF.

READ: MIFF Awards Night: Dingdong Dantes, Piolo Pascual tie for Best Actor; Vilma Santos wins Best Actress

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ate Vi kamakailan, tinanong namin ang Star For All Seasons kung pakiramdam ba niya ay vindicated nga siya sa pagkapanalo niya sa katatapos na award's night?

Lahad niya, "Heaven, heaven kasi at least na-validate kahit paano. Nanalo ako dito sa MMFF, may mga bashing, may isyu na may mga nagbayad.

“Nung nanalo rin ako sa MIFF sa same movie, i felt somehow vindicated.

“I'm really happy, I feel so elated. Maraming, maraming salamat talaga sa MIFF, sa mga jurors sa pagkilala nila sa pagganap ko bilang Azon sa When I Met You in Tokyo. Salamat for recognizing my performance. So happy, heaven."

VILMA SADDENED BY CHRISTOPHER DE LEON MIFF SNUB

Habang ang lahat ay nagulat at nagtaka na hindi na-nominate sa Best Actor category ang kapareha ni Ate Vi sa When I Met You In Tokyo na si Christopher de Leon, ikinalungkot naman ni Ate Vi ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

READ: Pang-iisnab ng MIFF jurors kay Christopher de Leon, inalmahan ng When I Met You In Tokyo producer

Personal pa namang nagpunta ang aktor sa MIFF Awards Night to represent the movie at ito pa nga ang tumanggap ng award ni Vilma nang tanghalin siya bilang Best Actress.

READ: MIFF Day 3 sidelights: Christopher de Leon "sinorpresa" ni Vilma Santos

Sabi nga ni Ate Vi, "I'm very grateful sa MIFF sa pagbigay nila sa akin ng Best Actress award for When I Met You In Tokyo. Maraming salamat from the heart pero at the same time from the heart I am also so sad, because of what we've learned, na ang aking leading man, ang aking hinahangaang leading man at associate director ay di man lang na-nominate.

“I'm feeling so sad because being the King of Drama and my leading man, I feel kahit hindi man siya manalo, I believe na dapat kahit nomination man lang sana ay nabigay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kami naman as an actor, nakakaranas kami na hindi laging panalo, pero at least ma-recognize man lang o ma-nominate is already a recognition sa naiambag namin na arte sa isang pelikula.

“Di ko alam kung ano ang criteria nila, nagulat ako when I learned that he was not given even a nomination. I just felt very, very sad.

“Unang-una, si Yetbo really did an excellent job as Joey sa When I Met You In Tokyo. Sinasabi ko iyan sa kanya kasi talagang ginawa niya no trace of Christopher, talagang Joeyng-Joey.

“Si Boyet, si ‘Joey’ ang nagbigay ng inspirasyon kay Azon para mabigyan siya ng recognition bilang Best Actress. He also did a good job as my associate director. Ang nakuha kong recognition sa movie ay dahil sa gabay niya sa akin.

“Great support as my leading man ang binigay niya sa akin so i can play the role of Azon the best way I can. And he also gave Azon proper guidance and motivation as the associate director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napakalaki ng paghanga at utang na loob ko kay Yetbo bilang my associate director and leading man and playing the role of Joey. Ang sa akin lang, respect lang, kasi siya pa rin ang leading man ng When I Met You In Tokyo.

"I will forever be proud of my Bru, si Joey sa When I Met You In Tokyo."

VILMA EXPLAINS WHY SHE WASN'T ABLE TO ATTEND MIFF AWARDS

Pinaliwanag din ng Star For All Seasons kung bakit hindi siya nakadalo sa MIFF Award's Night.

Detalye niya, "Yun nga, e. Nasabay sa dating ng buong pamilya ko sa L.A., eighteen of then na dumating naman dito sa atin.

“Prior commitment na yun, remember nung nag-shooting ako ng When I Met You In Tokyo, April pa.

“And then the promo, the dubbing, ang dami nating ginawa for When I Met You In Tokyo, and then nung shinowing na, nasama sa MMFF, hanggang Pasko nagamit ko, nagthi-theater tour, talagang all out, ibang klase yung promo na ginawa natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Medyo nag-suffer nga ang family ko so bumawi ako. Dumating sila dito ng holidays, I spent talaga yung New Year with them.

“End of December, January and February na nandito naman sila, nagbayad naman ako, pamilya naman.

“But definitely I will go to Los Angeles. Taga-diyan ang mga kapatid ko, at bilang pasasalamat sa mga taga-L.A. na sumuporta talaga ng sobra, sobra sa When I Met You In Tokyo and sa bumubuo ng MIFF, maraming, maraming salamat.

“I am looking forward to meeting them and seeing them sa L.A. soon.

"I also want to take this opportunity to say that yung award ko definitely kahati ko si Mr. Christopher de Leon, si Bruho, si Bru, si Yetbo."

VILMA PRAYS FOR LONG-TERM REVITALIZATION OF MOVIE INDUSTRY

Sa kanyang acceptance speech sa nakaraang MMFF ay nabanggit ni Vilma na ang pinakalayunin niya sa pagsali sa naturang film festival ay upang muling manumbalik ang interes ng mga manonood ng mga pelikula sa sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon naman ito ng katuparan dahil punung-puno ang mga sinehan noon at extended pa ang ibang mga pelikula hanggang ngayon.

"Heaven pati sa MIFF, ang daming nanoood, nakita ko sa mga pictures, pinadadalhan ako pati yung mga sold-out screenings ng mga pelikula na pinalabas dun ng MIFF kasama na ang When I Met You In Tokyo na sold-out talaga ang mga screenings namin.

“Basta masaya, ang saya, ito ang adbokasiya ko na makuha natin uli ang interes ng mga tao to go back to theaters. I think nangyayari, di nga lang 100%, pero at least nag-uumpisa na.

“This is going to be very, very good for the industry, mas maraming mapo-produce, mas maraming mabibigyan ng trabaho at sisigla pa ang industriya na mapaabot pa natin sa ibang bansa. Lumaki pa nang lumaki, yun ang dream ko talaga.”

May mga pelikulang showing ngayon na hindi na gaanong pinipilahan sa takilya. Marami tuloy ang nagsasabi na mukhang nung nakaraang MMFF lang kumita ang mga pelikula at ngayon ay tila nawalan na muli ng interes ang mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang Star for All Seasons ay nananatiling positibo na babalik ang sigla ng pelikula.

"Yun nga ang pinagdarasal ko, na sana ituloy ng mga artista ang ginagawa nila ang trabaho na they go to theaters, nagpapakita sa mga tao.

“Ang pagtamlay din ay may kinalaman din sa ekonomiya natin, but I feel babalik at babalik din iyan.

“I'm praying na sana magtulungan ang industriya kung ano pa ang puwede nating magawa para buhayin at itaas ang industriya ng pelikulang Pilipino.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos (left) feels sad for When I Met You In Tokyo co-star Christopher de Leon's non-inclusion among the Best Actor nominees in the recently concluded 1st Manila International Film Festival. She confesses, “I'm feeling so sad because being the King of Drama and my leading man, I feel kahit hindi man siya manalo, I believe na dapat kahit nomination man lang sana ay nabigay sa kanya."
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results