Personal na ipinakilala ni Ryan Bang, 32, ang kanyang girlfriend na si Paola Huyong, 28, sa publiko at media.
Nangyari ito sa opening ng Korean fine dining restaurant ng Korean celebrity, ang Paldo, kahapon, February 12, 2024.
View this post on Instagram
Read: Meet Paola Grace Huyong: Ryan Bang’s non-showbiz girlfriend
Sa ulat ng ABS-CBN News Online ngayong araw, February 13, 2024, ibinahagi ni Ryan na nakilala na niya ang mga magulang ni Paola.
Ayon sa It's Showtime host, "Nung na-meet ko yung family ni Paola, yung parents niya, super proud sila sa trabaho ng daddy, mommy ko.
"Sabi sa akin ng tatay ni Paola, ‘Ryan, simula ngayon ipag-pray namin sila. Kasi ikaw, kasama ka sa family namin, iniisip ko yung daddy, mommy mo, kapatid ko.’
"Talagang tanggap na tanggap ako kung ano ang trabaho ng daddy ko."
Read: Ryan Bang spends "best Christmas" with non-showbiz girlfriend and her family
Sa kabilang banda, nakilala na rin ni Paola ang mga magulang ni Ryan na nasa South Korea.
Real estate broker ang trabaho ng ina ni Ryan, at taxi driver naman ang kanyang ama.
Dahil kay Paola, natupad daw ang pangarap ni Ryan na maging buo muli ang kanilang pamilya. Hiwalay na kasi ang kanyang mga magulang.
Saad niya, “Siyempre nagulat sila, first time nila.
"In Korea, you never introduce to your parents if you really want her. Nagulat yung magulang ko.
"Yun yung best feeling ever. Wini-wish ko yun. At natupad dahil kay Paola.”
Mina-manifest naman ni Ryan na si Paola na ang kanyang pakakasalan balang-araw kahit bago pa lamang ang kanilang relasyon.
Aniya, “Ako, hindi ako magrelasyon, sa ganitong edad ko na 32, ayaw kong magkaroon ng love life kung wala akong plano.
"Hindi ko pipiliin siya, hindi ko ipapakilala sa [It's] Showtime family, lalo na kina Mommy Vice [Ganda], sa mga hosts, kung wala akong plan or future with her.
"May plan talaga ako."
Read: Ryan Bang recounts how he met girlfriend Paola Grace Huyong
Samantala, nagpasalamat din si Ryan kay Paola dahil naengganyo siya nitong seryosohin ang church service tuwing Linggo.
Aniya, “Super sarap sa pakiramdam na welcome ako bilang family sa kanila.
"Talagang super overwhelmed. Ang sarap sa puso.
"Ang sarap maging parte ng pamilya ng Pilipino, e."
