PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marissa Delgado: No Regrets on 1968 Playboy Nude Pose

Marissa Delgado on posing for Playboy: "I was given a choice."
by Bernie V. Franco
Published Feb 14, 2024
Marissa Delgado Playboy Magazine
Veteran actress Marissa Delgado, 73, recounts the time when she was approached by a photographer to pose for Playboy magazine. “Basta sinabi ko hanggang saan lang ako puwede, yung ganon.” (Inset) Marissa's photo that appeared in 'Playboy.'
PHOTO/S: YouTube (Snooky Serna) / Playboy Magazine

Ibinahagi ng beteranang aktres na si Marissa Delgado, 73, kung paano siya napapayag noong mag-pose sa Playboy Magazine U.S. edition noong 1968.

Ang Playboy ay isang kilalang international men’s and lifestyle magazine.

Nauna pa si Marissa kay Tetchie Agbayani, na naging cover ng kilalang mapangahas na magazine noong 1982 sa German edition nito.

Read: Tetchie Agbayani, na-trauma raw nang mag-pose sa Playboy

Si Marissa ay multi-awarded actress, nakatrabaho ang maraming batikan at mahuhusay na artista, pati na rin ang mga kilala at magagaling na direktor tulad nina Ishmael Bernal, Elwood Perez, at Lino Brocka.

Kuwento ni Marissa, hinanap siya noon ng photographer ng Playboy para kumbinsihing mag-pictorial para sa magazine.

Pumayag siya pero siya ang magdedesisyon kung hanggang saan lang ang puwede niyang ipakita.

“Hindi kagaya ngayon, kasi I was given a choice.

“Basta sinabi ko hanggang saan lang ako puwede, yung ganon,” paglalahad ni Marissa sa YouTube vlog ni Snooky Serna nitong February 10, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa gitna raw ng shooting noon si Marissa nang dumating ang isang kilalang writer kasama ang Playboy photographer.

"Pinuntahan nila ako sa shooting sa Marikina… kinausap nila ako.

“Basta sabi ko hindi ako puwede ng frontal. Siguro side [view], tsaka likod ko puwede.”

Pero sa araw raw mismo ng pictorial, nakaramdam ng agam-agam si Marissa kung tama ang naging desisyon niyang pumayag mag-pose sa magazine.

“Nung una, wala lang, parang ganon, okay lang… nung pagkatapos na, heto na, ‘Naku, tama ba ginawa ko?’

"Nagagalit na nga sa akin ang photographer, e… Kasi talagang meron akong kunwari tuwalya na nakaganon. Ay! Talagang ipit na ipit ko dito,” sabay muwestra ni Marissa kung paano niya inipit ang tuwalya para takpan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan nang mag-pictorial sa may talahiban.

Sabi niya, “Kung personal naman talagang hanggang dun lang ang kaya ko ipakita."

Pero kung babalikan daw niya ang nakaraan, hindi niya pinagsisisihan ang pagpayag mag-pose sa Playboy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And ngayon, ha, pinag-uusapan na ito at this age, hindi ako nagsisisi. Wala akong regret.

“Pati mga anak ko naman naiintindihan nila,” saad ni Marissa.

Read: Love Springs From Deliveries: "Beauty queen" falls in love with delivery rider

Marissa Delgado

HER TOP THREE YOUNGER ACTORS

Inusisa rin si Marissa na pangalanan ang tatlong younger actors na kinabibiliban niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una niyang binanggit si Coco Martin.

“Okay siya,” sabi ni Marissa.

Pangalawa niyang pinangalanan si Marian Rivera, na makakatrabaho ni Marissa sa upcoming Kapuso primetime series na My Guardian Alien.

Huli niyang binanggit si Max Collins.

“She’s very good. Shes very, very good. Kabait-bait.

"Akala mo naman sinong matangos na ilong ito, pero napaka-sweet at mabait siya.”

Read: Love on Tinder: Mae and Joseph find each other after a heartbreak

MARISSA AND HER BUSINESS

Sa interview, nabanggit din ni Marissa na may recruitment agency siyang tumutulong sa mga Pilipinong nais magtrabaho abroad.

Sabi ni Marissa, “We’ve been in the business for 36 years.

“Marami kaming naga-guide na Overseas Filipino Workers kasi may training talaga kami.

“Kailangan dumaan sila sa training. Hindi pupuwedeng wala silang training. Kung ayaw [nilang] mag-training, hindi [sila] puwede dito.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Marissa Delgado, 73, recounts the time when she was approached by a photographer to pose for Playboy magazine. “Basta sinabi ko hanggang saan lang ako puwede, yung ganon.” (Inset) Marissa's photo that appeared in 'Playboy.'
PHOTO/S: YouTube (Snooky Serna) / Playboy Magazine
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results