PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ervic Vijandre's 3 COVID Battles Amid Pandemic Peak

Is Ervic Vijandre ready to be single forever?
by Jerry Olea
Published Feb 14, 2024
ervic vijandre covid
Ervic Vijandre on possibility of growing old alone: “Well, naisip ko na rin yon. Sabi ko, OK lang din naman ako. Yun nga, sabi ko nga, di ba? Kung dito na lang ako talaga sa public service, na araw-araw yun ang gagawin ko, OK. Pero siyempre, mas masaya na may pamilya kang uuwian. May batang naghihintay sa yo.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Bilang konsehal ng San Juan City, Metro Manila, hindi nahihirapan si Ervic Vijandre na makisalamuha sa kanyang constituents.

Read: James Yap, Ervic Vijandre running for councilor in San Juan City

“Kasi, well, like showbiz, di ba, nasa tao din po ang buhay ng artista?” sambit ni Ervic nang makatsikahan namin sa Chinese New Year (CNY) celebration ng Beautederm noong Pebrero 10, 2024, Sabado sa Angeles City.

“Sa politics naman… well, sa public service — mas nandun ako sa public service kesa sa politics, e — mas nag-e-enjoy ako, yung pagseserbisyo.

“Actually, ang ipinangalan ko sa sarili ko dun sa San Juan is ‘At Your Service.’ Kasi yung Service, nasa gitna ng Service yung pangalan ko, Ervic.”

Madali ba ang trabaho niya bilang konsehal?

“Well, madali na in a way, siyempre andun yung masarap sa sarili mo na may nagpapasalamat sa yo,” tugon ni Ervic.

“Pero siyempre, instrumento lang kami ng aming upisina, ng mga proyekto ng gobyerno para ma-implement sa mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ba ang suweldo niya as a councilor?

“Tama lang. Mas malaki pa rin ang suweldo ng artista.”

CONTRACTING COVID DURING PANDEMIC

Noong lumaganap ang pandemya, nasaksihan kung gaano kaaktibo si Ervic at mga kaibigan niya sa pagtulong sa mga tao.

Tumango si Ervic, “Yes, opo. Yun nga, para akong… well, yun nga, yung sinasabi nga na para akong sumugal ng buhay ko noong pandemya.

“Kasi, ako mismo ang naghahatid ng mga ayuda. Kasi di ba, bawal lumabas? Nagulat po ako, tinawagan ako ng kaibigan ko, na si Mayor nung time na yun.

“Sabi niya, ‘Ervic, tulungan mo akong mag-ano, mag-ikot tayo, mag-distribute tayo ng ayuda.’

“Sabi ko, ‘Talaga ba? E, bawal daw lumabas, ah?’ ‘Hindi! OK lang yan, mag-vitamins lang tayo.’”

Read: Vilma Santos reveals long ordeal with COVID-19

Tatlong beses daw nagka-COVID ang dating basketbolista na nag-artista, at ngayon ay public servant na.

Lahad ni Ervic, “Ako po ang lumalabas, e. Kumbaga, parang sinugal ko po yung… kasi nga, bawal lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako ang lalabas para mag-distribute sa tapat ng bahay ng goods. Ang San Juan po ang pinakamaraming beses na nag-distribute ng ayuda — seventeen times, kung hindi ako nagkakamali.”

Matindi ba ang COVID na tumama sa kanya?

“Ang matindi po, yung nerbiyos ko. Kasi iniisip ko, hindi natin alam ang COVID,” pagtatapat ni Ervic.

“So nung nagka-COVID ako, nag-positive ako, akala ko mamamatay na ako. Nagpa-palpitate ako, nagtago ako.

“Sabi ko, ‘Walang lalapit sa akin! Mamamatay na ako!’ Ganun, nag-panic ako. Nag-panic po ako. Hindi natin alam kung ano yung COVID , e.

“Nasa bahay lang ako. Thankful din ako, malakas ang resistensya ko dahil athlete ako. Pero nawalan ako ng panlasa.

“Yun ang pinakanatakot ako. Sabi ko, nung nag-positive ako… mamamatay na ako. Nagte-text na lang ako.

“Sabi ko, ‘Huwag kayong lalapit sa akin, baka madamay pa kayo.’ E kasi, di ba, namamatay ang mga tao?”

ERVIC AS AN ENDORSER

Paano ba siya naging Beautederm baby? Paano sila nagkakilala ng CEO na si Ms. Rei Anicoche Tan?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May common friend po na nagpakilala. Last year lang, mga October, or September,” tugon ni Ervic.

“Hindi nga po kasi ako active sa pag-aartista. Matagal akong nabakante dahil nung time na nagdi-distribute ako ng mga ayuda, may mga offer sa akin na magteleserye.

“Pero nung time na yun, kina-can yung mga teleserye. So, baka gumawa ako ng teleserye at ipalabas sa campaign period, madi-disqualify ako.

“So, ang nangyari po, nagsakripisyo ako na hindi ako tumatanggap ng mga ano. Buti naman po, nagbunga yung pagsakripisyo ko. Tapos nanalo ako.

“Tapos pinakilala ako ng common friend namin sa kanya na sabi ko, nung kunin akong brand ambassador, ‘Nakakahiya dahil wala naman akong ginagawa ngayon.’

“Sabi ko kasi sa common friend namin, ‘Baka puwede mo akong ipakilala, ihingi mo ako, kahit mabigyan lang ako ng sponsor ng ano… kasi bumibili po talaga ako ng papaine soap.

“Yun po, ang epekto sa akin nun… hindi ako nagpapa-facial, e. Pag may pimple ako, tinitiris ko. Tapos binababaran ko ng papaine soap. The next day, tuyo na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos nagbabalat. Hindi nagmamarka na may butas.”

ERVIC GHOSTED BY EX?

Bakit siya nagka-pimples?

“May time po na nag-break out. Hindi ko alam kung ano yung sabon na dapat kong gamitin,” saad ni Ervic.

Nauna siyang gumamit ng produkto bago napabilang sa mga baby ni Ms. Rei!

“Nung pandemic din, nag-break ang skin ko. Meron akong dine-date nung time na yun, naregaluhan ako ng kit na may toner,” sabi ni Ervic.

Dating beauty queen iyon, pero hindi endorser ng skincare product line, kundi bumibili ng kit.

“Sabi niya, ‘Eto, gamitin mo.’ Ginamit ko, effective. Kaya lang… mahal pala yun, e. Mahal siya,” sabi ni Ervic.

“So siyempre nung mahal siya, sabi ko, yung pinakagusto ko na puwedeng mag-maintain sa akin, yung sabon lang.

“Kasi sabi ko, hindi naman ako parang babae na magto-toner, mag-aano. Well, effective talaga siya. Natigil yung pag-break out nung skin ko.

“So, kailangan ko lang, yun nga, nagpipisa ako, tapos binababaran ko ng papaine. Wala, kuminis talaga and lalo pa akong pumuti.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya kang, nag-break na sila ng dating beauty queen, kaya wala nang nagreregalo sa kanya ng ganun.

Tumango si Ervic, “Oo, e. Actually, maano din yun, e… biglang nagpakasal sa iba!”

Na-ghosting siya?

“Actually, hindi ghosting.”

Sa guwapo niyang iyon, tila hindi kapani-paniwala na mago-ghosting siya.

“Hindi ko alam. Siguro may nakikita sila sa akin na… kasi, may goal ako. Gusto ko talagang… ginive up ko nga yung pag-aartista para sa goal ko na public service,” pagmamatuwid ni Ervic.

“So inisip siguro… kasi minsan, yung mga babae, gusto nila, sila yung uunahin mo. Sila yung ano mo.

“E, kagaya ko, nung nanalo ako, sa speech ko talaga, every barangay na pinupuntahan ko, sabi ko, ‘Wala po akong asawa, wala po akong anak. Pag pinagbigyan niyo po ako, iaalay ko po talaga ang aking sarili!’

“So, nung nanalo po ako, nagka-girlfriend ako. Nung nagka-girlfriend ako, hindi niya maintindihan.

“Sabi niya, ‘Ba’t ka ba labas nang labas?!’ Kasi kunyari may namatayan, makikiramay ako. May birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, ‘Kilala mo ba yung may birthday?!’ ‘Hindi. Social obligation ko yun. Kailangang makisaya, makiramay, ganyan.’ Hindi niya maintindihan.

“Sabi niya, ‘Araw-araw ka nang nasa upisina, tapos ganyan! Wala na tayong time!’

“Nakakatawa man, sabi ko, ‘E sinabi ko kasi, inalay ko ang sarili ko sa kanila. Support mo na lang ako.’

“Ayun, nag-conflict kami, nagseselos. Nag-break.”

PUBLIC SERVICE OVER PERSONAL LIFE

Nanghihinayang ba siya na dahil priority niya ang public service, napabayaan niya ang kanyang personal life?

Read: Ervic Vijandre prioritizes career over love life: “Yun nga lang talaga ang kulang.”

Napabuntong-hininga si Ervic, “Andun na po ako sa na-realize ko na yun. Sabi niyo nga, antagal na, wala pa rin akong asawa, ganyan.

“Siyempre umabot ako dun sa stage na naghahanap talaga ako. Pero andito ako. Sabi ko, kakahanap ko, nasasayang yung oras ko.

“Di ba, parang hindi naman natutuloy, ganyan. So inisip ko, gumawa na lang ako ng isang bagay na feeling ko, tama at makabuluhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Which is yung ginagawa ko ngayon. So, hindi naman kino-close ko yung door dun sa personal na buhay ko.

“Ngayon, hindi ko na ipinipilit.”

May target age ba siya para bumuo ng pamilya?

“Ang dami kong naging target. Dati sabi ko, before 30 sana. Tapos biglang ganyan, hanggang na-move nang na-move,” sambit ni Ervic.

“Sabi nga ng mommy ko, ‘Huwag kang ma-pressure, kasi lalaki ka naman.’ Pero sabi rin ng mommy ko, ‘Gusto kong magkaapo na sa yo.’”

Natatakot ba siyang tumandang binata?

“Well, naisip ko na rin yon. Sabi ko, OK lang din naman ako. Yun nga, sabi ko nga, di ba?” pagngiti ni Ervic.

“Kung dito na lang ako talaga sa public service, na araw-araw yun ang gagawin ko, OK.

“Pero siyempre, mas masaya na may pamilya kang uuwian. May batang naghihintay sa yo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ervic Vijandre on possibility of growing old alone: “Well, naisip ko na rin yon. Sabi ko, OK lang din naman ako. Yun nga, sabi ko nga, di ba? Kung dito na lang ako talaga sa public service, na araw-araw yun ang gagawin ko, OK. Pero siyempre, mas masaya na may pamilya kang uuwian. May batang naghihintay sa yo.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results