Halos isang buwan nang nagpapahinga ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanilang bahay.
Patuloy pa rin siyang nagpi-physical therapy na may kasamang acupuncture para siya ay gumaling.
Paika-ika pa rin daw siya kung maglakad.
Kagabi, February 13, 2024, nagbigay ng update si Sharon sa kanyang followers.
Aniya, “Just thought you might want me to update you. I’ve done two sessions with my Physical Therapist, plus Acupuncture & Cupping (Ventosa yata ang tawag doon?).”
Nanghinayang din siyang hindi nakadalo sa concert ni Pops Fernandez sa Solaire Resort and Casino dahil nahihiya raw siyang makitang naglalakad paika-ika.
Read: Martin Nievera, special guest ni Pops Fernandez sa kanyang Always Loved anniversary concert
Lumabas lang daw siya ng bahay upang pumunta sa lamay ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal at sa isang pagtitipon ng Sotto family.
Read: ABS-CBN executive Deo Endrinal dies
Lahad ni Sharon, “di nga ako nakapunta sa concert ni Pops when nandito na sa condo namin habang nagpi-PT ako si Peachy to do my make-up. Siya at grupo namin nakanood. Nagpakwento na lang ako sa kanila after at hinayang na hinayang ako.
“I still haven’t stopped limping. Ayoko naman po magpakita sa lahat ng umiika-ika pa rin, pwera nung nagbigay respeto po ako kay Deo Edrinal sa kanyang burol.
“The only time aside from that na umalis ako sa bahay ay nung Sunday when I was with my Sotto family from morning til way after dinner kasi sobra ko na sila namiss.”
Isang buwan na ang kanyang karamdaman, pero huwag daw mag-alala ang kanyang mga tagahanga dahil tuluy-tuloy ang gamutan niya.
Masaya rin daw pala mag-social media detox at ang kanyang “love affair with a bed.”
Saad pa niya, “But every single day for longer than a whole month now, I have been in pain.
“Baka po mag-alala kayo, please don’t worry! Basta tuloy lang ang PT lilipas din ito. Chaka introvert ako kaya masaya na akong may love affair ako with a bed, hot water bags at laptop ko (di mabubuhay ng walang WI-FI! At kundi kailangan ayoko talaga sa phone ko!).
“Buti na rin nakakapahpahinga ulit. I hope you’re all okay and I miss you. It feels so good though to have a Social Media Detox. Am glad I grew up nung wala pang ganyan!
“Please take good care and if you can, please include me in your prayers.
“Have a great evening!”
View this post on Instagram
Noong January 27, sinabi ng singer-actress na dinapuan siya ng unidentified virus at may dinaramdam ding bad congestion at uncontrollable cough.
Naka-schedule din siya noong sumailalim sa MRI scan.
Read: Sharon Cuneta awaits MRI scan results: "Gusto ko makipag-break sa katawan kong may aches."
