Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-post na rin ang singer na si JK Labajo sa Instagram ng larawan nila ng napapabalitang girlfriend na si Miss Universe Philippines-Cavite 2024 candidate at singer-songwriter Dia Mate.
Itinaon ni JK ang pag-post ng sweet photo nila ni Dia ngayong Araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2024.
Tanging caption ni JK ay heart emoji.
Makikita sa larawan na nakasuot sila ng motorcycle gear.
Kilalang mahilig si JK sa big bike.
View this post on Instagram
Sa comments section, samu’t saring opinyon ang ibinahagi ng netizens.
May nagsabing "soft launch" ito ng relasyon nina JK at Dia, pero may sumalungat din at sinabing "hard launch" ito.
Sabi ng isang netizen, “SOFT LAUNCH BY JK”
Pagsalungat ng isa, “Anong soft launch [crying emojis] hard launch na hard launch nga eh parang tinamaan ng bato”

Marami naman ang masaya para kay JK.
Ayon sa isang follower, “HAPPY HEARTS DAY, DIA & JK [heart emoji] STAY INLOVE AND HAPPY [smiling emoji”

Mensahe pa ng isa, "pls. lang huwag kayo maghihiwalay , Happy Valentines!"

Sa Instagram Story naman ni Dia ay ni-repost niya ang post ni JK.
Sabi niya sa caption, “Happy Valentine’s day [heart emoji]”

Sa isa pang post, ibinahagi ni Dia ang hugging photo nila ni JK.
Sabi niya, “it’s officially love season! show off your love [heart emoji]”

Unang napansin ng publiko na may bago nang iniirog si JK noong February 5, 2024, ika-23 kaarawan ng singer, dahil sa ibinahagi ni Dia na mensahe para sa singer-songwriter.
Sa kanyang post, makikita ang larawan ni JK na nakasalampak sa sahig ng isang art museum.
Kalakip nito ang sweet birthday greeting niya para sa "Ere" hitmaker.
Aniya, "To my light and happiness, Happy birthday love [red heart emoji].
"May you receive everything you deserve in this lifetime.
"I love you!"
Mabilis naman itong ni-repost ni JK sa kanyang IG Story, kalakip ang pasasalamat kay Dia.
Ani JK (published as is), "love you bb!!! [smiling face wih heart emojis, red heart emoji]."
Read: Instagram official? JK Labajo exchanges "love yous" with Miss Universe PH 2024 candidate
Ang model-beauty queen na si Maureen Wroblewitz ang huling nakarelasyon ni JK.
Noong June 2022, tinuldukan nina JK at Maureen ang kanilang relasyon matapos ang halos dalawang taong pag-iibigan.
Read: Maureen Wroblewitz drops a hint that JK Labajo is her first boyfriend
