May nakakakilig na Valentine’s Day message si Vice Ganda para sa partner nitong si Ion Perez kahapon, February 14, 2024.
Dahil Araw ng mga Puso, nag-upload si Vice sa Instagram ng mga lumang larawan nila ni Ion.
Nakalagay sa caption niya, “Our love is not just a story. It’s a statement. I love you Noi! Happy Valentines Day!”
View this post on Instagram
Maraming netizens ang natuwa sa mensahe ni Vice.


Binati rin ni Ion si Vice gamit ang wikang Espanyol.
Saad niya, “feliz san valentin mi amor!”
Sa English, ang kahulugan nito ay Happy Valentine's Day my love!”
View this post on Instagram
Nitong pagpasok ng Bagong Taong 2024, nangako si Ion na mamahalin niya hanggang "2090" ang asawang si Vice.
Sa Instagram noong nakaraang January 1, 2024, nag-post si Ion ng ilang videos nila ni Vice na kuha sa travels nila noong 2023.
Caption ni Ion, mahaba-haba raw ang itatagal ng kanilang pagmamahalan ni Vice na maaring tumagal hanggang "2090" o 66 years mula ngayon.
Saad ni Ion, “Until 2090! MuhLOVE [heart emojis]
“Welkam twenty twenty four!”
Komento ni Vice, nalamangan na naman siya ng partner. Goal daw niya ngayong taon ang matutong mag-edit para hindi siya maunahan lagi ni Ion sa pagpu-post.
Ayon kay Vice, “Waaaahhhhhhh napakadaya!!!! Nalamangan mo na naman ako! Ang goal ko this 2024 ay matuting magedit para di ka nakakalamang sa posting! Bwak bwak bwak!!!!
“I love you babe ko! This year will be an amazing one for us, our families, those we love and those who love us! Happy New Year asawa ko!”
Read: Ion Perez promises to love Vice Ganda “until 2090!”
Taong 2018 unang na-link sina Vice at Ion.
Bandang Marso ng nasabing taon, mas lalong uminit ang usap-usapan tungkol sa dalawa.
Noong panahong iyon, kapapasok pa lamang ni Ion sa It's Showtime bilang Kuya Escort sa segment na "Miss Q&A."
Umamin si Vice sa relasyon nila ni Ion noong October 26, 2019, kasabay ng selebrasyon ng ika-sampung anibersaryo ng Kapamilya noontime show.
Read: Vice Ganda finally admits relationship with Ion Perez
October 19, 2021, ikinasal ang dalawa sa Las Vegas.
Read: Vice Ganda reveals Las Vegas wedding with Ion Perez last year
