Matapos ang kanilang hard launch bilang magkarelasyon, sumabak kaagad sa kanilang unang Valentine's date sina JK Labajo at Dia Mate noong February 14, 2024.
Read: HARD LAUNCH: JK Labajo posts sweet photo with rumored girlfriend Dia Mate on Valentine’s Day
Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni JK ang kuha niyang picture kay Dia sa isang dinner table.
Sa una ay hindi mapapansin ang kaakibat na caption ni JK dahil sobrang liit ng sulat nito.
Pero mabasa rito ang mga salitang "Ganda ng babaeng to."

Sa panig ni Dia, nagbahagi rin siya ng solo picture ni JK.
Wala siyang caption kundi naka-tag lamang ang account ng boyfriend.

Ipinost din ni Dia ang bigay ni JK na bouquet na gawa sa Lego.

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, ipinost ni JK sa Instagram ang larawan nila ni Dia, singer-songwriter at Miss Universe Philippines-Cavite 2024.
Tanging caption ni JK ay heart emoji.
Makikita sa larawan na nakasuot sila ng motorcycle gear.
Kilalang mahilig si JK sa big bike.
Unang napansin ng publiko na may bago nang iniirog si JK noong February 5, 2024, ika-23 kaarawan ng singer, dahil sa ibinahaging mensahe ni Dia mensahe para sa singer-songwriter.
Sa kanyang post, makikita ang larawan ni JK na nakasalampak sa sahig ng isang art museum.
Kalakip nito ang sweet birthday greeting niya para sa "Ere" hitmaker.
Aniya, "To my light and happiness, Happy birthday love [red heart emoji].
"May you receive everything you deserve in this lifetime.
"I love you!"
Mabilis naman itong ni-repost ni JK sa kanyang IG Story, kalakip ang pasasalamat kay Dia.
Ani JK (published as is), "love you bb!!! [smiling face wih heart emojis, red heart emoji]."
Read: Instagram official? JK Labajo exchanges "love yous" with Miss Universe PH 2024 candidate
Ang model-beauty queen na si Maureen Wroblewitz ang huling nakarelasyon ni JK.
Noong June 2022, tinuldukan nina JK at Maureen ang kanilang relasyon matapos ang halos dalawang taong pag-iibigan.
