Nawawala ang luggage na naglalaman ng mga importanteng gamit ni Bianca Manalo.
Hindi raw ito sinasadyang naiwan ng kanyang driver sa kalsada.
Dahil dito nag-post ng panawagan ang beauty queen-actress sa social media.
Ipinost niya ito sa Instagram at Facebook nitong February 23, 2024, Biyernes.
Pakiusap ni Bianca, ipaalam sa kanya kung may nakakita sa kanyang maleta.
Idinetalye ni Bianca kung paano naiwan ang kanyang hand-carry luggage sa tabi ng kalsada.
Post niya: “My driver accidentally left my luggage on the side of the road, inside the tunnel of C5 near SM Aura.
“He was cleaning the vomit of my dog. He forgot to put it back inside the car.”
Dagdag pa niya, “If somebody found my maleta, please DM me.
“It has all my belongings for my upcoming events.
“Maroon Rimowa hand carry luggage.”
Read: Sherwin Gatchalian shrugs off “bashers, bitters, mariteses” amid Bianca Manalo-Rob Gomez issue

Ngayong Sabado, nagbigay ng update si Bianca.
“My luggage is still missing,’ maiksi niyang update.

Read:
