Tuluyan nang kinumpirma ni Sarah Lahbati na single na siya ngayon.
Ibig sabihin, totoo ang matagal nang usap-usapang hiwalay na sila ng asawang si Richard Gutierrez.
Naganap ang pag-amin ni Sarah nang makapanayam siya ng TV Patrol reporter na si MJ Felipe ngayong Biyernes, March 1, 2024.
Sa video na ini-upload ng ABS-CBN News, mapapanood ang diretsahang pagsagot ni Sarah sa tanong ni MJ kung siya ay single ngayon.
Ani Sarah, "Uhm, yeah. I mean, there's nothing to hide and I think it's pretty clear to the public that both of us are [single]."
Read: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati love story: A timeline
Noong Martes, February 27, lang nang isapubliko ni Sarah na hindi na sila nag-uusap ni Richard.
Hindi na rin daw sila magkasama sa bahay at maging sa pagpapalaki sa dalawa nilang anak na sina Zion, 10, at Kai, 5.
"It's not easy on any child but I'm here for them and they're better," paniniguro ni Sarah sa isang hiwalay na panayam.
Read: Sarah Lahbati bonds with sons Zion and Kai in lovely Bohol
Hindi man ito ang buhay na pinangarap ni Sarah, titiyakin daw nila ni Richard na mananatili silang mabuting magulang para sa dalawa nilang anak.
Ang kapakanan daw nina Zion at Kai ang una nilang isinasaalang-alang sa lahat ng desisyong gagawin nila.
Ani Sarah, "Well, of course, it's not ideal for the children, let's go back to the kids. But that's life and that'll be fine.
"We're good at parenting and we have, you know, we are there for the kids. That's all I'm gonna say."
Read: Sarah Lahbati admits she's not on speaking terms with husband Richard Gutierrez
SARAH-RICHARD BREAKUP
Nagsimula ang espekulasyong may pinagdaraanan ang relasyon nina Sarah at Richard matapos mapansin ng mapanuring netizens na hindi na sila nagkakasama sa mga lakad nila.
Lalo pa't kilala ang dalawang mapag-post ng kanilang family trips at bonding sa social media.
Read: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati's most memorable trips abroad
Mas tumindi pa ang intriga noong October 26, 2023, nang mag-post si Sarah sa Instagram ng video kasama ng dalawang anak nila ni Richard na sina Zion at Kai.
Wala sa video si Richard.
Nilapatan ni Sarah ang video ng kantang "i am not who i was" ni Charles Peña na may lyrics na "So, if I fly too far / Will I still have a place inside your heart? / And, when you see what I've become / Will you love me for who I am, not who I was?"
Wala rin si Richard sa picture ni Sarah at ng mga anak na nakasuot ng Halloween costumes habang sila ay nasa hardin ng isang bahay noong October 28.
November 2 at November 4, nag-update si Sarah ng bakasyon nila ng mga anak sa Camp Sirums, isang beach resort sa Siruma, Camarines Sur. Kapansin-pansin ding wala si Richard.
Read: Sarah Lahbati gets asked by netizens: "Why no pic with Richard Gutierrez?"
Maging sa big occasions sa showbiz circles ay hindi na rin namamataan sina Sarah at Richard.
Solong rumampa si Sarah sa store opening ng isang Korean eyewear brand noong October 16.
Maging si Richard ay solo ring dumalo sa Opulence Ball na ginanap noong October 30, 2023 sa Marquis Events Place sa BGC.
Noong October 31, nag-post si Richard ng ilang mga litrato na kuha sa birthday celebration ng ina niyang si Annabelle Rama, at dito ay wala si Sarah.
Hanggang noong December 8, nakapanayam ng ABS-CBN si Annabelle at dito tila kinumpirma niyang may pinagdadaanan nga sina Sarah at Richard.
Read: Did Annabelle Rama just confirm Richard Gutierrez-Sarah Lahbati breakup?
Sabi pa ni Annabelle sa isang post sa social media, ayaw niyang maghiwalay ang dalawa dahil mahal niya ang kanyang mga apo.
Pero may pasaring din ang celebrity mom na nagwawaldas ng pera si Sarah habang ang anak niyang si Richard ay kayod nang kayod.
Read: Annabelle Rama, iginiit na wala siyang kinalaman sa hiwalayang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati
Nasundan pa ito noong December 10, nang muling magpasaring si Annabelle laban sa hindi niya pinangalanang “devil woman.”
Read: Who is Annabelle Rama alluding to in “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR” post?
Samantala, sa huling ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong February 29, 2023, usap-usapan na rin ang Instagram post ng mga magulang ni Sarah na sina Esther Lahbati at Abdel Lahbati habang sila ay nasa harap ng gusali ng Department of Justice (DOJ) sa may Taft Avenue, Manila.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tiyak na impormasyon kung may koneksiyon ba ito sa paghihiwalay nina Sarah at Richard.
Read: Sarah Lahbati's parents Esther and Abdel visit DOJ; are they preparing for legal battle?
