Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang singer-actors na sina Sam Concepcion at CJ Navato na sila ang gaganap bilang "Popoy" sa musical adaptation ng pelikulang One More Chance.
Ang One More Chance ang blockbuster movie ng Star Cinema noong 2007 na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz (Popoy) at Bea Alonzo (Basha).
Ngayong nakatakdang dalhin ang kilig at drama sa teatro, sina Sam at CJ ang napili ng PETA (Philippine Educational Theater Association) na gumanap bilang Popoy.
Sina Ana Luna at Nicole Omillo naman ang magsasabuhay sa karakter ni Bea na Basha.
Dagdag pa sa mga nagpanabik sa fans ay ang mga kantang tampok sa much-awaited musical play.
Ang hit songs kasi ng Filipino indie-folk band na Ben&Ben ang napiling gamitin ng PETA sa One More Chance The Musical.
Read: Details you need to know about One More Chance: The Musical
Sa ginanap na press conference ng One More Chance The Musical noong February 29, 2024, sa PETA Phinma Theater sa Quezon City, nahingan ng reaksiyon sina Sam at CJ ukol sa pagganap nila sa isa sa iconic role ni John Lloyd.

Aminado si Sam na malaking pressure para sa kanyang gumanap bilang si Popoy, na kilala ng halos lahat ng henerasyon.
Aniya, "Well, it's a daunting task. We have big shoes to fill, so there's a big pressure that comes with the role.
"But it's a good kind of pressure. Hopefully, it reduces the time loss.
"Pero isa rin sa mga challenges for me, I think, is to stay true to the character and yung materyal.
"But at the same time, adding our own truthfulness to the role without deviating so much doon sa kung paano talaga si Popoy."
Read: John Lloyd Cruz and Bea Alonzo's top 5 highest-grossing films
Nakakaramdaman man siya ng pressure, masaya at excited daw si Sam na bigyan ng bagong timpla ang minahal na karakter noon ni John Lloyd.
Sabi niya, "Excited ako to discover the parts of Popoy that I'm hoping to be able to relate to, communicate with, and be able to relate in my own way.
"But, yeah, we are very challenged and very happy, excited and a bit nervous.
"We are really looking forward sa kung ano ang magagawa namin with the story of One More Chance and music of Ben&Ben."
SUNTOK SA BUWAN
Isang karangalan naman para kay CJ Navato na gumanap bilang Popoy.
Aniya, isa ito sa matagal na niyang pangarap na ngayon ay natupad.
Kilalang dating child star si CJ. Naging miyembro siya ng ABS-CBN kiddie gag show na Goin' Bulilit simula noong 2005.
Read: Throwback Thursday: A look back at "Goin' Bulilit" stars 10 years ago
Sabi ni CJ, "I'm so honored kasi grabe, e, parang si John Lloyd Cruz ito technically tapos biglang CJ Navato.
"Saang libro yon, di ba, like, CJ yung sa Goin' Bulilit?
"Wow, di ba, parang suntok sa buwan, yung tipong bumato ka tapos tumama siya agad.
"Kaya, wow, I'm so amazed lalo na sa team na bumubuo nito. Kasi ang laking project nito, ang laki nun gagawin namin, pero makikita mo talaga na, 'Wow, gagawin namin ito and it's so gonna happen talaga.'
"I'm just so excited. I'm just taking everything day by day kaya thank you, Lord."
BEN&BEN REACTION
Maging ang Ben&Ben, hindi rin naitago ang saya at excitement nang malamang ang mga kanta nila ang gagamitin sa naturang musical.
Ayon sa lead vocalist na sina Miguel at Paolo Benjamin, masugid silang tagahanga nina John Lloyd at Bea kaya malapit sa puso nila ang pelikulang One More Chance.
Sabi ni Miguel, "Sobrang na touch kami. I think it's safe to speak for all of us, medyo napa-throwback kami to the time na we were writing the songs together.
"It’s overwhelming to see what PETA is doing is fresh. Ang galing talaga nila, wala ako masabi."
Dagdag naman ni Paolo, "When this project came to us, parang we questioned why us and do we deserve it, especially because we are relatively still young in terms of our body of work."
Samantala, sa ginanap na presscon ikinagalak ding inanunsiyo ng produksiyon, sa pangunguna ni PETA’s Artistic Director Maribel Legarda, na sold out na ang tickets sa orihinal nilang schedule na April 12 hanggang June 16, at dahil sa public demand ay in-extend nito hanggang June 30.
Ibig sabihin, mapapanood na ang One More Chance The Musical simula April 12 hangang June 30, sa PETA-Phima Theater sa New Manila, Quezon City.
