Tinapos na ng TAPE, Inc. ang pag-ere ng kanilang noontime show na Tahanang Pinakamasaya.
Sa pamamagitan ng isang statement, kinumpirma ng TAPE na hanggang ngayong araw na lamang, March 7, 2024, sa ere ang noontime show.
Tumagal lamang ng walong buwan sa ere ang Tahanang Pinakasamaya.
Pahayag ng TAPE, "It is with heavy heart that we inform our televiewers that our noontime show 'Tahanang Pinakamasaya' on Kapuso network, GMA 7, will no longer be on air effective March 8, 2024.
"TAPE, Inc. extends its profound gratitude to home network GMA 7, for a long and fruitful partnership.
"GMA 7's kind consideration and understanding of the company’s unwanted circumstances have been instrumental in helping the company in this transition.
"Despite our best efforts to save the show, both parties have reached a mutual agreement to finally call off the show.
"To the loyal viewers, esteemed hosts, supportive advertisers, hardworking crew and dedicated employees who have been with us from the beginning-from the longest running noontime show 'Eat Bulaga' to the present 'Tahanang Pinakamasaya' — our sincerest 'Thank you' and optimistic 'See you again!'
"Maraming salamat. God Bless.
"TAPE, Inc. family."
Naghinala ang maraming netizens na may malaking problemang kinahaharap ang noontime show dahil nadiskubre nilang pagkatapos ng live streaming ng Tahanang Pinakamasaya noong Marso 2, Sabado, ay nawala na ito sa Facebook account ng TAPE, Inc.
Read: Tahanang Pinakamasaya, wala na sa Facebook; tuluyan nang sisibakin sa ere?
Dito na nagsulputan ang espekulasyong baka mawala na ito sa ere matapos mapabalitang may utang diumano ang TAPE sa GMA na umabot sa halos PHP800 million.
Read: Tahanang Pinakamasaya, PHP800M ang utang sa GMA-7 na naipon mula sa OG Eat Bulaga!?
Simula noong Lunes, March 4, hanggang ngayong Huwebes, March 7, replays na ang napapanood sa timeslot nito.
Read: Tahanang Pinakamasaya, replay na ang pinapalabas; kapalit na show, ginagawa na ang set?
Wala pang statement ang GMA-7 ukol dito.
