PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Rodriguez on Jaclyn Jose: "She was the mother to all of us."

Tom regrets not seeing Jaclyn upon his return to Manila
by Melba R. Llanera
Published Mar 10, 2024
Jaclyn Jose
Tom Rodriguez
Tom Rodriguez fondly remembers good friend, mentor and showbiz colleague Jaclyn Jose: "Sobrang kalog, sobrang mapagmahal, sobrang aalalayan ka talaga, lalo na sa akin. Kaya bilib na bilib ako sa kanya kasi Jaclyn Jose na yun."
PHOTO/S: Credit: @jaclynjose Instagram

Binahagi ni Tom Rodriguez na si Jaclyn Jose pala ang huli niyang nakausap nung nasa America siya pagkaraang lumipad siya sa naturang bansa pagkatapos ng hiwalayan nila ng asawang si Carla Abellana.

Ayon nga sa Kapuso actor, ang namayapang aktres ang kahuli-hulihang tao na nakausap niya noon at naging huling pagkakataon na rin na nakita niya ito at nakasama.

Ayon din kay Tom, pagbalik niya ng bansa ay si Jaclyn din ang unang tao na hinanap niya pero di sila nagkaroon ng pagkakataong magkita at magkausap, hanggang sa sumakabilang-buhay na nga si Jaclyn dahil sa atake sa puso.

READ: “Welcome home!” Tom Rodriguez is back in PH

READ: Tom Rodriguez is back after two-year showbiz hiatus: “I do feel na buo na ako ulit.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa huling araw ng lamay ni Jaclyn noong March 7 sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City.

Kuwento niya, "The last time we talked, nung nasa States ako. After that, I stopped talking to everyone. She even reached out to me nung nagpahinga ako sa States, but I'd like to keep it to myself na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pagbalik ko, she's the first one na pinahanap ko rin. Akala ko magkikita pa kami uli kasi wala pa akong work nung time na yun pagbalik ko rito. Wala pa akong local number. Di ako nabigyan ng pagkakataon [na magkita kami ulit].

"Tita, we all love you. Thank you so much. I know she's in good hands right now."

NEVER A DULL MOMENT WITH JACLYN

Nilarawan ni Tom na masayahing tao at magaan katrabaho si Jaclyn at walang dull moments pag ito ang kasama nila bukod pa sa tumatayo siyang ina para sa kanilang lahat.

Pagmamalaki niya, "Sobrang kalog, sobrang mapagmahal, sobrang aalalayan ka talaga, lalo na sa akin. Kaya bilib na bilib ako sa kanya kasi Jaclyn Jose na yun.

“I'm such a fan. Lagi kong sinasabi, ‘Tita Jane fan mo ako,’ pero siya pa ang todo alalay sa akin.

"Kaming lahat bumuo kami ng grupo, mga bagets ang mga kasama namin dun, siya yung pasimuno namin lagi. Siya yung puno't dulo, parang barkada vibes talaga. She was the mother to all of us kaya nakaka-miss.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wala siyang nakatrabaho na di niya na-touch sa ganung paraan. Lahat kami ganun ang trato sa kanya.

TOM SHARES ADVICE FROM JACLYN

Tinanong din namin si Tom kung ano ba ang payo na binigay sa kanya ng namayapang multi-awarded actress na sinasabuhay niya sa ngayon.

Ani Tom, "Na magpatuloy lang, mahalin mo ang trabaho mo. Kung ano ang mangyari, go lang, push mo lang."

Ayon nga sa Kapuso actor, di siya makapaniwala sa biglaang pagkamatay ni Jaclyn lalo't malakas ito at walang iniindang sakit o mabigat na karamdaman nung huling nagkasama sila sa set ng The World Between Us ng GMA-7.

Sambit pa niya, "Very unreal kasi Tita Jane is so full of life, nakakagulat. Of all people, di bagay sa kanya yung nangyari sa kanya."

"Yung typical na iniinda ng a lot of her age pero she's very vibrant. From what I remember, nagkita kami sa LA, talagang napakasigla. That's the last time I saw her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
Read More Stories About
Tom Rodriguez, Jaclyn Jose
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez fondly remembers good friend, mentor and showbiz colleague Jaclyn Jose: "Sobrang kalog, sobrang mapagmahal, sobrang aalalayan ka talaga, lalo na sa akin. Kaya bilib na bilib ako sa kanya kasi Jaclyn Jose na yun."
PHOTO/S: Credit: @jaclynjose Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results