PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator questions lotto winner who won 20 times in a month

"Medyo nakakataas ng kilay."
by Bernie V. Franco
Published Mar 12, 2024
lotto
In January 2024, Senator Raffy Tulfo announces that he will lead an investigation about lotto winners.
PHOTO/S: PCSO

Nanalo sa lotto nang 20 times in one month?

Isa ito sa mga kinukuwestiyon ni Senator Raffy Tulfo tungkol sa listahang ibinigay sa kanya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sabi ng senador, “nakakataas ng kilay” ang mga ganitong insidente, batay sa interview niya sa DZBB ngayong Martes, March 12, 2024.

“'Yung PCSO nagbigay ho sa akin ng listahan...ito nga po yung sinasabi ko, medyo nakakataas ng kilay, mayroon doon na isang tao nanalo ng 20 times in one month. Mayroon dun 10 times in one month,” sabi ni Tulfo sa interview.

Read: College student chooses to travel by plane to school over renting a place near campus

Sundot niya, “Well, siguro baka magkapangalan, pero, still, pare-pareho yung premyo ang pinanalunan. Paulit-ulit in one month. Lalong tumambak ang mga questions.”

Binanggit din ng radio/TV personality na ang bettor ay paulit-ulit na nananalo sa four-digit draw at two-digit draw sa loob ng isang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Tulfo ang nangunguna sa imbestigasyon ng PCSO lotto draws sa Senate Committee on Ways and Means.

Isinumite ng PCSO sa Senado ang mga dokumento ng lotto games, kabilang ang tax records, at pangalan ng jackpot winners.

Nauna nang sinabi ni Tulfo na pangangalagaan nila ang pangalan ng mga winners.

Read: Male amputee receives new pair of arms and hands from female donor

Sa hiwalay na interview, sinabi naman ni PCSO General Manager Mel Robles na pag-aaralan nila ang obserbasyon ni Tulfo.

"I wouldn't know [that]. Ako, personally, hindi ko po tinitingnan iyon,” ani Robles sa interview ng Dobol B TV.

“Pero I'll check, I'll look into that kung meron pong ganon, kasi hindi naman po kami tumitingin na niyan after namin maibigay, e.

"Puwede imbestigahan iyan. Di naman mahirap imbestigahan iyan, e," sundot niya pa.

Mariin ding iginiit ng PCSO head na hindi umano puwedeng i-manipulate ang resulta ng lotto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi noon ni Robles sa senate hearing, “We would like to assure you that you can never, never manipulate it.

“Even I can bet because it’s beyond me. Even if we wanted to, with the system we have, we cannot."

Matatandaang naging kontrobersiyal ang usapin ukol sa mga nanalong bettors matapos mag-viral ang edited photo ng jackpot winners.

Read: PCSO head on controversial photo of lotto winner: “We’re not very good at editing…”

Naglabas ng photo ang PCSO noong December 28, 2023, ng umano’y winner ng isang ginang mula sa Bulacan na nanalo ng PHP43.88 million sa 6/42 draw.

Dahil edited ang photo, nagsuspetsa ang netizens sa identity ng jackpot winner, at nag-domino effect ito para kuwestiyunin pati ng ilang senador, tulad ni Tulfo, ang mga nananalo sa lotto.

Humingi ng paumanhin si Robles noon tungkol sa poorly-edited photo, pero nanindigang totoong tao ang mga lotto winners.

Doon inanunsiyo ni Tulfo na kelangang maimbestigahan ang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In January 2024, Senator Raffy Tulfo announces that he will lead an investigation about lotto winners.
PHOTO/S: PCSO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results