Magkasunod na araw na pumanaw ang veteran theater, TV, and movie actor na si Joe Gruta at ang Queen of Prosthetics na si Cecille Baun.
Binawian ng buhay si Joe noong Marso 10, 2024.
Siya ay 79.
Sumakabilang-buhay naman si Cecille noong Marso 11, 2024.
Siya ay 89.
Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60
JOE GRUTA
Isa si Joe sa mga mahuhusay at maaasahang character actor.
Nag-umpisa ang karera niya sa pag-arte noong dekada '70.
Kabilang sa kanyang mga naging proyekto ang acclaimed Filipino movies na Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag (1975) at Himala (1982) kaya nabigyan siya ng karangalang makatrabaho ang mga National Artist for Film na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal.
Ginampanan ni Joe sa telebisyon ang karakter ni Mang Lino sa Sesame! mula 1983 hanggang 1984. Ang Sesame! ang Filipino version ng Sesame Street bago ito binigyan ng pamagat na Batibot.
Napanood din si Joe sa mga drama series na Alyas Robinhood at Victor Magtanggol at sa mga kabanata ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Joe Gruta and Alden Richards in Victor Magtanggol
Ang kabutihan at simpleng pamumuhay ang ilan sa mga katangian ni Joe na hindi malilimutan ng mga artista at production crew na nakatrabaho niya.
Nakatakdang iburol ang cremated remains ni Joe Gruta sa St. Peter Memorial Chapels, Commonwealth Avenue, Quezon City, simula sa Huwebes, Marso 14.
CECILLE BAUN
Si Cecille Baun ay binansagang "Queen of Prosthetics" at "Queen of Gore" dahil sa talento niya sa paggawa ng special make up at prosthetics.

Ginawaran siya ng Lifetime Achievement Award sa QCinema International Film Festival noong Nobyembre 2014 dahil sa kanyang husay at hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Si Cecille ang may likha ng tiyanak at manananggal sa Shake, Rattle & Roll franchise, mga karakter sa Darna movies nina Vilma Santos at Nanette Medved, sa mga pelikula at TV series na may mga madudugo at kakila-kilabot na eksena.

Nakita ang galing ni Baun sa mga international movie, hindi lamang sa mga lokal na panoorin.
Special make-up artist siya sa Apocalypse Now (1979) at Platoon (1986), ang award-winning American movies na kinunan sa Pilipinas ang mga eksena.
Samantala, ang Jose Rizal (1998), Orapronobis (1989), at Oro Plata Mata (1982) ang ilan sa mga premyadong pelikulang nakinabang sa kakayahan niya bilang Queen of Prosthetics ng Pilipinas.
Related Stories:
- Akira Toriyama, Dragon Ball creator, dies at 68
- Award-winning director Tikoy Aguiluz dies
- ABS-CBN executive Deo Endrinal dies
- Katrina Halili's boyfriend Jeremy Guiab dies
- Multi-awarded cinematographer Romy Vitug dies at 86
- Veteran showbiz reporter at film critic Mario Bautista, pumanaw na
- Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77
- Designated Survivor actor Adan Canto dies at 42
- Indian actor Sajid Khan passes away at 71
- Korean actor Lee Sun Gyun found dead inside his parked car