Trigger Warning: Mention of suicide
Nagpaunlak ng panayam ang negosyanteng si Katrina Ponce Enrile kay Korina Sanchez para sa talk show nitong Korina Interviews na napapanood sa NET 25.
Dito ikinuwento ni Katrina ang kanyang growing-up years at kung paano lumaki sa tahanan sa pamumuno ng ama na isang controversial political figure.
Ang tatay ni Katrina ay si Juan Ponce Enrile, o JPE, na sa loob ng maraming taon ay iba't iba ang naging papel sa gobyerno sa pamamahala ng maraming presidente.
Ang kanyang inang si Cristina Castañer Enrile ay dating ambassador ng Holy See.
Tinawag ni Katrina na "very not normal" ang kanyang childhood.
"I was five," sagot ni Katrina nang tanungin kung ilang taon siya nang magkaroon ng ideyang parehong prominanteng personalidad ang kanyang mga magulang.
Pagbabalik-tanaw ni Katrina, "I think Dad was already getting involved with the campaign of then-Senate President Ferdinand Marcos Sr. Then he was going to run for the presidency against Diosdado Macapagal."
Binalikan din ni Katrina ang kanyang short-lived showbiz career, kasama rito ang isang insidenteng naging dahilan para tuluyan niyang bitawan ang pangarap maging artista.
Tinawagan daw siya ng isang direktor at inalok kung gusto niyang mag-artista.
"Sabi ko, 'I don't know how to act'," sagot ni Katrina sa direktor.
Nagulat daw siya sa sunod na sinabi nito.
"Hindi, kasi okay ka maging bold actress."
Sa sobrang gulat ay tanging "Okay, bye" ang naisagot ni Katrina sa kausap.
"At that time, sabi ko, 'This is it. Ayoko na!'"
LOVING ALFIE ANIDO
Hindi man natuloy sa pagiging artista ay may mga naging kaibigan si Katrina sa mundo ng showbiz.
Isa nga rito ang matinee idol na si Alfie Anido.
Kabilang si Alfie sa binansagang Regal Babies, o young stars na inaalagaan at pinapasikat ng film studio na Regal Films.
Bukod kay Alfie ay kabilang din dito sina Dina Bonnevie, Maricel Soriano, Snooky Serna, William Martinez, Albert Martinez, at Gabby Concepcion.
Recovering from a broken heart daw si Alfie nang makilala ni Katrina.
"I think, he was really affected by yung split-up nila ni Dina. Noong nag-umpisa na siya, na siguro, ready na siyang to start his life all over again, di ba?
"Naging barkada namin muna. We all went out everywhere," kuwento ni Katrina.
Read: Dina Bonnevie discloses why her father disapproved of the late Alfie Anido
Kalaunan ay nagkamabutihan sina Katrina at Alfie, hanggang sa naging magkasintahan.
"During the course of our being together, I was able to make him stop all his bisyos, and he was able to go back to doing more movies and all that," pagmamalaki ni Katrina.
"So, marami na siya ginagawa mga movies noon. Actually, [yung] iba nga, hindi niya natapos."
MYSTERIOUS DEATH
Ngunit sa kasamaang-palad ay pumanaw si Alfie sa araw mismo ng kanyang birthday noong December 30, 1981.
Twenty-two years old lang si Alfie nang mamatay ito.
May tama ng bala galing sa baril si Alfie, at ayon sa mga balitang lumabas ay nagpakamatay ito.
Samantala, sumulpot ang haka-hakang pinatay ang aktor at hindi nag-suicide.
Diumano, may kinalaman sa biglaang pagpanaw ng aktor si Katrina at ang pamilya nito.
Sabi sa tsismis ay sinaktan at hiniwalayan ni Alfie si Katrina kaya pinuntahan ng kapatid ni Katrina na si Jack Enrile ang aktor sa tahanan nito sa June Street, Bel-Air Village, Makati City, at binaril bilang paghihiganti.
Read: Jack Enrile's side of the story on Alfie Anido's death in December 1981
KATRINA'S VERSION OF THE STORY
Itinanggi ni Katrina ang akusasyon at idiniing walang foul play sa pagkamatay ng kasintahan.
Ayon kay Katrina, magkasama sila ni Alfie nung araw na yun dahil kaarawan ng aktor.
"Sabi niya [Alfie], 'Kat, let me naman enjoy.' Kasi strict ako, e, with his diet," saad ni Katrina.
"He was thin when naging kami na. He was so thin. Pero I was really making sure that he was eating right.
"You know, I would even bring him food in the shoots. You know, just to make sure na talaga kumakain siya.
"In other words, inalagaan ko siya."
Sa Antipolo nag-celebrate si Alfie ng kanyang kaarawan nang araw na yun.
"We all went, the whole barkada, and of course, he invited a lot of people," sabi ni Katrina.
Nakiusap daw si Alfie kay Katrina na payagan itong mag-enjoy at huwag maging istrikta dahil birthday niya naman.
"I'm gonna drink and do, you know, whatever," banggit daw ni Alfie.
Sabi ni Katrina, "I don't know what that 'whatever' was. But, I pretty much guessed na, you know, there were other things, right?"
Nag-swimming pa raw si Alfie at nakisaya sa mga naunang bisita na dumating.
Maya-maya pa ay nagpasya muna itong matulog para magpahinga.
Lahad ni Katrina, "Anyway, long story short, hindi siya nagising. Yung mga kaibigan niya, nagsidatingan.
"So, kami-kami, we had to entertain his friends, di ba?
"Biglang, all of a sudden, nagising siya. And then, from afar, seloso si Alfie, e. From afar, he screamed. He pointed at me and he went like that [pointing his finger at Katrina].
"Sinabi pa niya, 'Enrile! Enrile! Bakit ang landi-landi mo diyan?'"
Sabi ni Katrina, "I was just hosting his friends, di ba? Siyempre, napahiya naman ako."
Kinausap ni Katrina si Alfie at sinabing uuwi na lang siya.
"No, I'll take you home," sabi raw ni Alfie sa kanya.
Buwelta ni Katrina, "How can you take me home in that state?"
Kasama ang dalawa pa nilang kaibigan ay sumakay sila sa kotse ni Alfie.
Sa loob ay nagsimulang magtalo sina Katrina at Alfie hanggang sa mauwi ito sa pisikalan.
"I said, any guy that's gonna ever hit me again, I'm gonna split up. So, I broke up with him."
Kaugnay sa pulang marka na nakita sa katawan ng aktor ay aminado si Katrina na sa kanya ito galing.
"After he hit me, kinurot ko siya sa tiyan. Ako yun. Ako yung kumurot sa kanya," pag-amin ni Katrina.
"So, anyway, sabi ko, 'Dito ka na lang, I'll go home na.'
"So, I got out of the car and I went to my car."
Ginamit daw ni Alfie ang kanyang kotse para harangan ang sasakyan ni Katrina at hindi ito makaalis.
"So, sabi ko dun sa driver ko, 'Sige na lang, magpapahatid na ako kay Alfie. I'll go to his car.'"
Bagamat nagulat si Katrina sa bilis ng pagmamaneho ni Alfie ay nagpasalamat pa rin ito sa kasintahan sa paghatid sa kanya sa bahay.
"And then, I realized all my friends are in Antipolo. It's, wala pang 10 o'clock [in the evening], 9:30 pa lang ata. Saturday, e," turan ni Katrina.
Nakadama raw si Katrina ng FOMO o fear of missing out kaya nagbalak itong bumalik sa Antipolo para makasama ang mga kaibigan.
Sakto naman dahil tumawag si Alfie at nagsabi ring babalik ito sa Antipolo noong gabing iyon.
"Sa kalagayan mong ganyan, aakyat ka pa [sa Antipolo]? Huwag ka na umakyat. Please lang. Umuwi ka na lang," payo raw ni Katrina kay Alfie.
Matapos ang ilang oras ay tumawag si Alfie kay Katrina at nakiusap na huwag silang maghiwalay.
"Syempre, I still was in that frame of mind na tinamaan mo ako and I want to keep that promise to myself," paliwanag ni Katrina.
Nauwi sa bagsakan ng telepono ang dapat sana'y maayos na pag-uusap ng magkasintahan nang gabing iyon.
"Nung last na binagsakan niya ako ng telepono, ring na lang, ring na lang nang ring yung phone."
Maya-maya ay ang ina raw ni Alfie ang sumagot ng telepono.
Kuwento ni Katrina, "I said, 'Hello, Tita, it's Katrina. Is Alfie there? Can I talk to Alfie?'
"Sabi niya, 'Why, is he here?' 'Yes, Tita, he's there.' 'Oh, I thought he's in [Antipolo]."
Pagpapatuloy ni Katrina, "So, nag-usap pa kami [Alfie's mom]. 'Oh, sige, sige, wait, I'll call him.'
"Parang ayaw niya [Afie] akong kausapin, di ba? Gusto ko yung maayos kaming maghiwalay, di ba?
"Biglang, all of a sudden, I heard screaming."
"I CAN'T TAKE IT ANYMORE"
Narinig pa raw ni Katrina ang kapatid ni Alfie na si Babita na humahangos at sinabing, "Kuya shot himself!"
Agad-agad ay kumaripas daw si Katrina sa bahay ng aktor at agad na nagtungo kung nasaan ang katawan nito.
Kuwento niya, "Yakap ko pa siya. You know, you're in denial because you could see that, you know, parang when I was seeing him, parang he was still breathing, you know?
"And everybody was in the room. My whole duster was full of his blood."
Maya-maya pa ay ipinakita raw ng ama ni Alfie kay Katrina ang suicide note na ginawa ng aktor.
Tandang-tanda pa ni Katrina ang nakasulat sa suicide note: "Dear Dad, I can't take it anymore. Please tell Katrina 'I love you.'"
Kasama ang ama ni Alfie ay nagtungo si Katrina sa punenarya para pumili ng ataul para kay Alfie.
Si Katrina rin ang namili ng damit na isusuot ng kasintahan sa huling pagkakataon.
"I chose the suit that I gave him," sambit ni Katrina.
"HE DIDN'T GIVE ME THAT CHANCE"
Sa puntong ito ay tinanong daw ng ama ni Alfie si Katrina kung puwede niyang makausap si Gregorio "Gringo" Honasan, na noo'y tumatayo bilang head of security ng National Defense.
Ang Defense Minister ng panahong iyon ay ang ama ni Katrina na si Juan Ponce Enrile.
Ayon sa ama ni Alfie ay mayroong isang grupo na nais gumawa ng sarili nilang imbestigasyon sa nangyari maliban sa National Bureau of Investigation (NBI).
Gamit ang radyo ay nakausap ni Katrina si Gringo na agad pumunta para sila ay katagpuin.
Kasama ni Gringo na dumating ang kapatid ni Katrina na si Jack Enrile.
"Tamang-tama, Jack and Greg were eating in a Japanese restaurant and they... isinama ni Greg si Jack.
"So Jack was there and I was hysterical, so Jack was holding me while Greg was talking to the dad. So that's how it happened," sabi ni Katrina.
Muli ay dinepensahan ni Katrina si Jack laban sa mga akusasyong may kinalaman ito sa sinapit ng nasirang matinee idol.
Pinabulaan din niya ang iba pang teorya na naglabasan na patuloy na pinaniniwalaan ng ilan.
"Ang dami, e, kesa raw may pumasok from the roof. Pero everybody was awake at that time, may magkalabog dun maririnig, e.
"Hanggang ngayon, I mean they still want to believe what they want to believe," sambit ni Katrina.
Maliban sa pagkakataong nasolo ni Katrina na makasama ang bangkay ng kasintahan sa punenarya nung December 31, 1981, at sa prayer vigil sa unang araw ng lamay ay hindi na niya muling nakita ang mga labi ng yumaong aktor.
Pinagbawalan na raw kasi siya ng kanyang ama na pumunta sa lamay at libing ni Alfie dahil na rin sa dami ng espekulasyong naglalabasan.
Nakadalaw pa raw si Katrina sa puntod ng aktor sa tulong ng isang fan ni Alfie.
Dumalaw pa ulit si Katrina matapos yun subalit hindi na niya makita ang puntod ng dating kasintahan.
"I think the family found out that I went and they moved the [grave]," sabi ni Katrina.
"They were probably blaming me that, you know, why did I have to break up [with their son].
"But how would I know that he would react that way? Because that was in the heat of the moment.
"I told him, 'Let's just go to sleep, di ba? We'll talk tomorrow.' But then he didn't give me that chance."
Sa huli ay sinabi ni Katrina na malinis ang kanyang konsensiya at wala siyang dapat patunayan sa mga naniniwala sa mga haka-haka kaugnay sa pagkamatay ni Alfie.
"I'm not guilty of anything," diretsong pahayag ni Katrina.
"I know what happened. I could hold my head up high."