Si Juan Ponce Enrile ang hinirang na chief presidential legal counsel ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na tinatawag ring BBM.
At sa edad na 98, siya ang pinakamatanda sa mga miyembro ng gabinete ng bagong halal na pangulo ng Pilipinas.
Nagpasalamat si Enrile sa lahat ng mga nagpadala sa kanya ng pagbati at nagsabing hindi nagkamali si Marcos sa desisyon nitong piliin siya para sa naturang posisyon.
"To all those who sent me their best wishes, thank you very much. I will try my best to help BBM, his regime, the country and our people. Por la Patria,” ang pasasalamat ng nonagenarian politician.
Mahigit 50 years na sa serbisyo si Enrile, na naging assemblyman, congressman, senator, at senate president.
Sinasabing protege siya ng ama ni BBM, ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Nanilbihan siya bilang acting secretary of finance noong 1966; naging secretary of justice mula December 17, 1968 hanggang February 7, 1970; nagsilbing minister of defense mula January 1972 hanggang February 1986.
Key figure siya sa pagpapabagsak ng rehimeng Marcos. Ang pagbaligtad niya at ng mga military officers ang isa sa trigger sa 1986 EDSA People Power Revolution.
Fast forward to 2022, naging vocal supporter siya ni BBM and, eventually, miyembro ng gabinete na incoming administration.
REACTIONS ON TWITTER
Ang dating senador na si Panfilo "Ping" Lacson ang nagpahayag ng pagkamangha sa appointment kay Enrile.
Naniniwala rin siya na makakapasa ang veteran politician sa Guinness World Records.
Ayon sa kanyang tweet kagabi, June 17, 2022, "Amazing! At 98, Juan Ponce Enrile could be in the Guinness World Records forever for being the oldest government official when he steps down at age 104 in 2028, if he is not there yet at his present age."
Samu't sari ang reaksiyon ng mga followers ni Lacson sa Twitter.
May mga na-amaze din. May mga nag-joke. May mga hindi masaya.


Samantala, may pahayag din si Katrina Ponce Enrile na lubos na ipinagmamalaki ang bagong achievement o tagumpay ng kanyang ama.
"I am so proud of you, Dad. Again, out of retirement at age 98. May the Lord bless you with length of days in perfect health and may your mind continue to sharpen!
"I think you should be in the Guinness World Record for being the oldest government official. Love you, Dad. Wear your hearing aid."

May mga netizens na inihalintulad si Enrile kay Cardo Dalisay, ang hindi-matibag-tibag at hindi-mamatay-matay na karakter ni Coco Martin sa FPJ's Ang Probinsyano.
Sinasabing si Enrile ay immortal dahil sa pagkakaroon niya ng matikas na pangangatawan at matalas na isip kaya ang pagiging kababata ni Dr. Jose Rizal at dating kasintahan ni Tandang Sora o Melchora Aquino ang ilan sa mga biro sa kanya.
Kung ikukumpara kay Cardo, higit na nakalalamang si Enrile dahil totoong tao siya at hindi karakter sa isang television series.