PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Where is former actress Josephine Manuel?

Josephine Manuel's sister is looking for the whereabouts of the former actress.
by Jojo Gabinete
Published Mar 15, 2024
josephine manuel former actress
Josephine Manuel is a former sexy star who was a favorite leading lady of action stars. Among her past movies include Boatman and Kapag Buhay Ang Inutang.

Ang matulungan siyang matukoy ang kinaroroonan ng kanyang kapatid na si Josephine Manuel ang panawagan ni Vilma Catama ng Norzagaray, Bulacan.

Ayon kay Vilma, dalawang taon na ang nakalilipas buhat nang huli silang magkita.

Ipinagdarasal at umaasa si Vilma na nasa mabuting kalagayan ang kanyang nakatatanda at nag-iisang kapatid.

Read: 12 Filipino celebrities who quit showbiz and moved abroad

Si Josephine Manuel ay sexy actress na namayagpag ang showbiz career mula 1978 hanggang 1986.

josephine manuel

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jospehine Manuel in the '80s

Naging leading lady siya noon ng mga sikat na action star gaya nina Lito Lapid, Rudy Fernandez, Dante Varona, at Anthony Alonzo.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Josephine na makatrabaho sina Fernando Poe Jr. at Vilma Santos at mga pelikula kung saan above the title ang billing ng kanyang pangalan.

Pero hindi nagtagal ang showbiz career ni Josephine dahil dumanas ito ng depresyon, naghirap, naranasang mamasukan bilang labandera at kasambahay, hanggang manirahan siya sa kalye.

Read: Remember these child stars from 10 years ago? Here’s where they are now

Lahad ni Vilma sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), “Last time ko po siyang nakita, nasa along EDSA Cubao siya.

josephine manuel edsa

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

The last photo of Josephine Manuel taken by her sister

"Pinuntahan ko siya, niyaya kong umuwi. Ayaw po niya dahil wala raw pera sa Bulacan.

“Kinuha siya ng DSWD tapos wala na akong balita tungkol sa kanya.Umalis po siya sa custody ng DSWD.

"Nadala na rin po siya noon sa Boys Town pero lumabas din siya.

“Ayaw po niya na mag-stay sa akin. Umaalis siya, ayaw niya magpapigil.

"Mas gusto niyang mapag-isa at magpagala-gala."

Naniniwala si Vilma na may problema sa pag-iisip si Josephine.

Saad niya, “Medyo natatakot din po ako pag nasa bahay siya dahil nagsasalita siyang mag-isa, may mga apo ako na maliliit.

“Nahihirapan din po kasi ako sa kanya dahil marami siyang demands na hindi ko kaya."

Read: WHERE ARE THEY NOW: Carol Banawa, Nancy Castiglione, and other TV stars we miss

WHO IS JOSEPHINE MANUEL?

Isinilang si Josephine noong Disyembre 15, 1961.

Labimpito ang edad niya nang pumasok siya sa showbiz noong 1978.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakilala si Josephine sa Napoleon Agra, ang pelikulang pinagbidahan ng pumanaw na aktor na si Ramon Revilla Sr.

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Josephine, mula 1978 hanggang 1986, ay Boatman, Totoy Saudi, Kapag Buhay ang Inutang, Ang Pagbabalik ni Leon Guerrero, Ang Galing-Galing Mo Mrs. Jones, Puwede Ba Utol, Akin Siya?, Siga, at The Story of the Dolls.

josephine manuel movies

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Vilma, si Tetchie Agbayani ang isa sa mga naging malapit na kaibigan ng kanyang kapatid. Nagkasama sina Tetchie at Josephine sa international film na The Story of the Dolls (1984).

the story of the dolls

Ang Paraisong Gubat (1986) ang huling pelikula ni Josephine bago ito nawala sa sirkulasyon.

paraisong gubat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 21 stars who left and returned to ABS-CBN

Makalipas ang ilang taon, nabalitaang namamasukan siyang labandera at kasambahay.

“ Ang alam ko po, namasukan siya kay Dulce,” pagtukoy ni Vilma sa veteran singer.

“Marami siyang napasukan pero hindi siya nagtatagal. Umuuwi siya sa amin tapos umaalis din dahil mag-a-apply daw siya sa iba.

“Naranasan niyang ma-detain noon. Hindi po malinaw sa akin ang dahilan. Hindi ko na rin po inalam.

"Yung amo niya ang nagreklamo.”

Ano ang posibleng dahilan ng pinag-ugatan ng depresyon ni Josephine?

“Baka sa mga frustration niya. Marami po kasi siyang gustong gawin at wala rin siyang sariling pamilya,” sagot ni Vilma.

Read: Former stars now happy moms abroad

Ang PBA player na si Arnie Tuadles, na namatay noong Nobyembre 2, 1996, at isang pinsan ni Gabby Concepcion na naninirahan sa Davao ang binanggit ni Vilma na dalawa sa mga nakarelasyon ni Josephine.

“Si Arnie Tuadles at ang pinsan ni Gabby ang mga dating boyfriend ni Josephine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nalimutan ko na po ang name ng pinsan ni Gabby, pero nagkaroon sila ng anak na lalake pero namatay ang sanggol nang ipanganak,” kuwento ni Vilma.

Naisip din ni Vilma na magpadala ng email at humingi ng tulong kay Senator Lito Lapid, na nakapareha ni Josephine sa mga pelikulang Ang Pagbabalik ni Leon Guerrero (1980), Macho Gigolo (1981), at Tatlong Baraha (1981).

Aniya, “Nag-email po ako dati sa office ni Senator Lito Lapid. Nag-request po ako na sana mabigyan si Josephine ng matitirhan.

“May pabahay project po kasi si Senator Lito noong mag-e-eleksyon pero hindi po sila nag-reply.”

JOSEPHINE MANUEL'S LATEST PHOTOS

Nagpadala at ipinagkatiwala ni Vilma sa PEP.ph ang mga larawan ni Josephine para malaman ng mga tao ang hitsura ngayon ng dating sexy actress.

Nagbabakasakali siyang makatulong ang mga litrato sa paghahanap sa kapatid na higit na masayang manirahan sa kalsada pero gusto pa rin niyang mailigtas mula sa kapahamakan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

josephine manuel

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Josephine Manuel is a former sexy star who was a favorite leading lady of action stars. Among her past movies include Boatman and Kapag Buhay Ang Inutang.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results