Sa isang panayam noong Setyembre 2022, ipinagtapat ni Heart Evangelista na sumailalim siya sa in-vitro fertilization (IVF) procedure dahil sa kagustuhang magkaroon na sila ng sariling anak ng kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero.
“Isa sa mga pinakamahirap, pinakamasakit, at pinakamapaghamon na panahon,” pagsasalarawan ni Heart sa karanasan niya.
Tatlong beses na turok sa isang araw sa loob ng dalawang linggo ang kanyang pinagdaanan para maani ang “perfect boy at perfect girl” embryos.
Read: Heart Evangelista opens up about "very difficult and painful" IVF journey
Nong Huwebes, Marso 14, 2024, sina Heart at Chiz ang mga bisita ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda
Dito sila unang umamin sa publiko na totoong nagkaroon ng mga pagsubok o rough patches ang kanilang relasyon, pero nalutas dahil nangibabaw ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Read: Heart Evangelista opens up about status of relationship with husband Senator Chiz Escudero
Sa ikalawang kabanata ng panayam sa kanila sa Fast Talk na napanood ngayong Biyernes ng hapon, Marso 15, lumuluhang isiniwalat ni Heart ang nangyari sa "perfect egg" ng dapat magiging anak na babae nila ni Chiz.
Lahad ng aktres, “We were expecting a baby. I wasn’t pregnant but I was expecting my only girl that I had left… eggs.
“So, at that time, I thought it was… gonna make it, that she could. That was a bit hard for me because my God… hirap!
“So I was really preparing for her.
"So I really thought that I was gonna have a baby at the time when I felt, like, with everything we went through, it’s finally gonna happen. But it didn’t.
“But it’s okay. I mean, I am not the type to question.
"It’s just sad because I thought I was gonna be able to share what I do with my last girl.
"It’s a little hard but I’m not questioning anything.”
Read: Heart Evangelista moves on from "extremely painful" experience of losing her baby
Nang tanungin ni Boy Abunda kay Chiz tungkol sa reaksiyon niya, sinabi ng senador na "God’s will" ang nangyari.
Saad pa niya, “If it’s not now, if it’s not this, may mas maganda pang nakaplano. Hintayin lang namin yon.”
Nang marinig ni Heart ang pahayag ni Chiz, nagpaliwanag siya tungkol sa dahilan ng pag-iyak niya.
Saad ng aktres, “Actually, I cry not because I wasn’t given what I want, and I’m a spoiled child.
"I cry because it took so hard for me to produce the egg and so it was hard for me to accept the fact that I gave her name.
“I actually named her Sophia Heart. I was very excited to have her.
"But I’m blessed in so many other ways. How can I complain?
"I am just sad because, of course, I was excited, but I’m not complaining. I’m not the type to complain.”
Noong Pebrero 15, 2024, idinaos ang renewal of vows nina Heart at Chiz sa Balesin Island bilang paggunita at pagdiriwang sa ika-siyam na anibersaryo ng kanilang pagpapakasal.
Read: Details from Heart Evangelista and Chiz Escudero's vow renewal ceremony
Masaya man ang okasyon, may lungkot na naramdaman si Heart dahil nalaman nito ang nangyari sa "perfect egg" na tinutukoy niya, ilang araw bago naganap ang renewal of vows nila ni Chiz.
“We found out right before our wedding, it’s actually very sad.
"Ganoon talaga, you cannot have it all. It will come.
"Malay mo, I was meant to take care a lot of people… charot!” seryoso pero hinaluan ng birong pahayag ni Heart.