PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine, Julia Barretto reunite at Mr. M tribute event

Ani ng netizens: "The world is healing."
by Bong Godinez
Published Mar 17, 2024
Claudine Barretto, Julia Barretto
Claudine Barretto and niece Julia proved that they're on good terms during a party thrown to pay tribute to star builder Johnny Manahan.
PHOTO/S: Screen grab from TikTok

Marami ang natuwa sa video na kumakalat ngayon online kunsaan makikita sina Claudine Barretto at ang pamangkin nitong si Julia Barretto na masayang magkasama.

Kuha ang video sa surprise tribute party para sa star builder na si Johnny Manahan, na mas kilala bilang Mr. M.

Naganap ang okasyon na pinamagatang Night of 100 Stars nung Sabado ng gabi, March 16, 2024.

Read: Bea Alonzo and Julia Barretto share a moment at Johnny Manahan tribute party

Sa videos ay obvious na masaya ang dalawa na makita ang isa't isa.

Sa isang video ay kitang magkayakap ang dalawa habang nakangiti at napapaligiran ng ibang pang celebrities.

PAST RIFT

Bagamat magkamag-anak, hindi ligtas sa kontrobersiya ang relasyon nina Claudine at Julia.

Nung March 10, 2021, pinaghinalaang si Julia ang pinatatamaan ni Claudine sa isang cryptic post nito na Instagram.

“I would rather be known in life as an honest sinner than a lying hypocrite," pahagay ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa palagay ng netizens ay si Julia ang tinutukoy ni Claudine lalo pa't ilang araw pa lang ang nakalipas nang kumpirmahin ni Julia ang relasyon nito sa aktor na si Gerald Anderson.

Kontrobersyal ang simula ng relasyon nina Julia at Gerald sa dahilang pinagbibintangan silang niloko ang kanilang respective partners.

Bago si Gerald ay ang young actor na si Joshua Garcia ang boyfriend ni Julia.

Samantala, si Gerald naman ay in a relationship sa aktres na si Bea Alonzo bago sila maghiwalay nung 2019.

Hindi rin nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang tila pagpanig ni Claudine at kapatid nito na si Gretchen Barretto kay Bea.

Nagpadala pa nga ng bulaklak sina Claudine at Gretchen kay Bea bilang simbolo nang pakikisimpatya sa aktres sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nito kay Gerald.

Nung puntong iyon ay distant ang relasyon nina Claudine at Gretchen sa ina ni Julia na si Marjorie Barretto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lalong lumala ang hidwaan sa pagitan nina Gretchen at Marjorie matapos magkapisikalan ito sa burol ng kanilang ama nung October 16, 2019.

Read:

Gretchen, Marjorie, Claudine's father Miguel Barretto dies at 82

Claudine Barretto briefly recalls family drama at her father’s wake in 2019

Hindi pa doon natapos ang sigalot dahil itinuloy nila ang kanilang bangayan sa social media, bagay na pinagpiyestahan ng publiko.

Read: Inday Barretto, nagtamo ng sugat matapos mahulog sa escalator ng isang mall

REPAIRED RELATIONSHIP

Sa naging panayam ni Boy Abunda kay Claudine nung May 2023 ay sinabi nito na maayos na ang relasyon nilang magkakapatid.

Sinabi rin ng aktres na wala silang tampuhan ng pamangkin na si Julia at nagkita pa nga raw sila nung kaarawan nito nung Marso.

“We’re good. She’s very busy, I’m very busy. I think the last time I saw her was last March before her birthday. Pag may family events pa kami, pag may birthday, kunyari sa birthday ng Kuya Mito ko, we see each other,” kuwento ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Proud daw si Claudine sa narating ni Julia at napanood pa nga raw niya ang pelikula ni Julia at the time.

“I’m very, very proud. I’ve seen Expensive Candy,” sabi ni Claudine.

“I’m proud of whatever she’s achieving now and I would just want her to have more breaks para ma-showcase yung acting niya talaga."

Sa panig naman ni Julia ay hindi nagbago ang paghanga nito kay Claudine bilang aktres.

"My Tita Claudine has really inspired me so much," pagtatapat ni Julia sa panayam ng Philippine Star sa isang article na lumabas nung October 4, 2022.

"I’m a big fan of her work and just the film she’s done in the past, and her versatility as an actress is also something I want to achieve growing up."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto and niece Julia proved that they're on good terms during a party thrown to pay tribute to star builder Johnny Manahan.
PHOTO/S: Screen grab from TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results