PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis no ill feelings toward GMA-7

Paolo Contis: "I love GMA, and I’m very thankful to GMA."
by Arniel C. Serato
Published Mar 18, 2024
Paolo Contis denies "tampo" against GMA
Paolo Contis: "May kumalat po na may tampo ako sa GMA. Hindi po yun totoo. Pero pagbigyan na po natin yung mga nagkakalat nun. Content po nila yun, para po sa kanila yun. Pero, it’s not true."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Mariing pinabulaanan ni Paolo Contis ang kumakalat na balita na, diumano, may galit siya o tampo siya sa GMA-7 dahil sa desisyon ng management sa kinabibilangan niyang noontime show, ang Tahanang Pinakamasaya.

Hindi na pinalawig pa ng network ang kontrata nito sa TAPE, Inc. na hanggang Disyembre 2024 pa sana ang pag-ere ng noontime show sa Kapuso Network.

Ayon sa mga ulat, malaki na ang pagkakautang ng mga producer ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7.

Read: Tahanang Pinakamasaya, PHP800M ang utang sa GMA-7 na naipon mula sa OG Eat Bulaga!?

Opisyal na nagwakas ang broadcast ng Tahanang Pinakamasaya noong March 7, 2024.

Read: Tahanang Pinakamasaya officially goes off the air

Sa isang Instagram post ng GMA Network, ibinahagi nila ang pahayag ni Paolo tungkol dito.

Una muna ay hiningan nila si Paolo ng birthday wish dahil nagdiwang ang aktor ng kanyang ika-40 kaarawan noong March 14, 2024.

Read: Yen Santos posts “screaming happy 40th birthday” message for “best friend” Paolo Contis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Paolo, "Wala po akong wish.

"Nais ko lang pong magpasalamat sa suporta ng GMA-7 sa akin.

"Again, I wanna thank GMA for always supporting me, for always supporting the show."

Ang show na tinutukoy ni Paolo ay ang Bubble Gang.

Dagdag pa niya, "May kumalat po na may tampo ako sa GMA. Hindi po yun totoo. Pero pagbigyan na po natin yung mga nagkakalat nun.

"Content po nila yun, para po sa kanila yun.”

Giit ng aktor: "Pero, it’s not true. I love GMA, and I’m very thankful to GMA.

"They’ve been supporting me during the time na kahit hindi ako kasupo-suporta. So, walang dahilan para magtampo ako sa GMA."

View this post on Instagram

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Dahil sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya, isa na lang ang natitirang show ni Paolo sa GMA, ang Bubble Gang.

Read: Paolo Contis, itinangging may tampo sa GMA-7 dahil sa Tahanang Pinakamasaya

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis: "May kumalat po na may tampo ako sa GMA. Hindi po yun totoo. Pero pagbigyan na po natin yung mga nagkakalat nun. Content po nila yun, para po sa kanila yun. Pero, it’s not true."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results