PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TAPE still operational despite closure of Tahanang Pinakamasaya

Is TAPE negotiating with another network for Tahanang Pinakamasaya?
by Gorgy Rula
Published Mar 18, 2024
tahanang pinakamasaya hosts and execs
TAPE Inc. executives, led by Jon Jalosos (with eyeglasses, in stripes), and legal counsel Atty. Maggie Abraham-Garduque (standing, second from left) with the hosts of Tahanang Pinakamasaya.
PHOTO/S: TAPE Inc. Facebook

Tuloy pa rin ang komunikasyon at ang pagkikita ng mga host at staff ng Tahanang Pinakamasaya at ilang miyembro ng pamilya Jalosjos, ang may-ari ng TAPE, Inc. at producer ng nagsara nang noontime show.

Read: Tahanang Pinakamasaya officially goes off the air

Ayon sa isa sa mga host ng programa na si Paolo Contis, hindi na iyon mababago dahil sa magandang relasyong nabuo nila sa loob ng halos siyam na buwang pagsasama nila sa dating noontime show.

“Yes, madalas pa din kami magkita-kita… hindi na mawawala yun. Including the staff and sila Ms. Marjorie [Jalosjos] and Kuya Jon [Jalosjos], madalas pa din naming makita.

“Never naputol ang communication,” sabi ni Paolo sa text message na ipinadala niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Opisyal na nagwakas ang broadcast ng Tahanang Pinakasamaya noong March 7, 2024.

Bukod kay Paolo, ang iba pang hosts ng Tahanang Pinakasamaya ay sina Isko Moreno, Betong Sumaya, Buboy Villar, Glaiza de Castro, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Chariz Solomon, Winwyn Marquez, Dasuri Choi, Kokoy de Santos, Kimpoy Feliciano, Yasser Marta, Michael Sager, Alexa Miro, at Arra San Agustin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jon and Bullet Jalosjos say they have "no diabolical reason" for joining TAPE board

Tahanang Pinakamasaya bids viewers goodbye

Tahanang Pinakamasaya hosts

Ganito rin ang sinabi ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque nang nakapanayam ng PEP.ph noong Biyernes, March 15, 2024.

Aniya, “Natuwa ako sa samahan ng mga hosts. Parang nagkaroon ng mga kuya sina Cassy — sina Paolo, sina Yorme.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Talagang ano yan e, once in a while, nagkikita pa rin tong mga to. Kaya nga nakakatuwa na may nabuong ganyan.

“Nag-uusap pa nga kami ni Paolo. In fact, nung birthday niya, binati ko siya...

“Kahit sa mga hosts, natutuwa ako doon sa walang nagbago dun sa relationship.

“Sabi ko nga, the relationship of the hosts, the staff, and even the owners of TAPE, Inc. went beyond the show.

“So, yun din yung maganda dun na nakabuo ng talagang pamilya at tahanan dun sa ano…

"Wala na dun sa APT [Studios] yung tahanan nila ngayon, malay mo meron sa susunod na magkaroon ng another tahanan, di ba?

“So, I’m not dispelling that possibility again. Kung saan yun, sa ngayon wala pang concrete na masasabi at kung ano pa po yung future projects.

“I will undertake that. As soon as magka meron, we will definitely inform the public. Kasi madami din ang nagmi-message sa akin na na-miss talaga nila yung show,” saad ni Atty. Maggie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IS TAPE NEGOTIATING WITH OTHER NETWORKS?

Nilinaw ng PEP.ph kay Atty. Maggie ang usap-usapang nakikipag-negotiate daw ang TAPE, Inc. sa ibang TV network para ipagpatuloy ang programang Tahanang Pinakamasaya.

Read: GMA Network issues statement on TAPE Inc.'s Tahanang Pinakamasaya closure

“Sa ngayon po, wala,” sabi ni Atty. Maggie.

“Kasi for the meantime, gusto munang ayusin ng TAPE yung mga employees…yung sa production.

"Pero yung sa admin, tuloy pa rin. Kasi lahat naman ng mga employees sa corporation, andun pa rin.

“So, ang inaayos yung mga employees sa production ng noontime show.

“Yung mga directors, writers, yung mga nandun sa show. Yun yung mga nawalan ng trabaho.

“Inaayos lahat yan. The corporation wants to make it sure na hindi naman masyadong mahirapan din yung mga employees na yun na nawalan ng trabaho.

“Maybe, after matapos lahat yun, that’s the time that they will look into another project o kung may ma-offer silang project na puwede nilang i-produce ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But for the meantime, wala pa po talaga.”

Inuuna raw muna nila ang mahigit 200 empleyado na mawawalan ng trabaho. Mayroon daw makukuhang separation fee ang mga ito sanhi ng pagkasibak ng Tahanang Pinakamasaya.

Read: 130 empleyado nawalan ng trabaho sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya

Ayon kay Atty. Maggie, “At this point, ang ginagawa ngayon ng TAPE is ayusin yung sa mga employees nila. So, iyon po ang pinagkakaabalahan. Kasi may mga employees na nasa APT, yung sa studio.

“Magkaiba po kasi yung mga employees na nandun, yung production ng Eat Bulaga! o Tahanang Pinakamasaya doon sa APT studio.

“So, yung mga nandun na more than 200 employees… so aayusin po yung mga severance fees nila, yung separation fees.

"And yun, may ano sila… as of now, binibigyan pa rin po ng salaries yung iba, para hindi naman medyo ma-financially mahirapan yung mga employees na nawalan ng trabaho due to that supervene event na nawalan ng show, yung Tahanang Pinakamasaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi walang show, wala po talagang trabaho. So, magbibigay po ng separation fees… payments ang TAPE, Inc. to them.”

TAPE IS STILL OPERATIONAL

Pero tuloy pa rin daw ang TAPE at hindi raw totoo yung sinasabi ng iba na nagsara na ito.

Paliwanag ng abogado, “Yung nawala po is the show, yung Tahanang Pinakamasaya. Pero yung TAPE, it’s a corporation, operational pa rin po siya.

"The company has not been dissolved.

“Gusto ko nga pabulaanan yung mga sinasabi dun sa mga news na pati daw po yung office sa TAPE, Inc. ay nagsara na. Hindi po totoo yun.

“In fact, we’re still conducting meetings doon. Dun pa rin yung employees, functional pa rin po ang TAPE, Inc. as a corporation.”

Sa katunayan ay nagre-report pa rin daw siya TAPE office sa Quezon City, kung saan doon sila nagmi-meeting kung merong kailangang pag-usapan.

Ayon kay Atty. Maggie, “Tulad nga ng sinasabi ko, TAPE, Inc. is still there. It’s a production company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, anytime puwede silang mag-produce ng show or teleserye or any other projects.

"So, I’m not dispelling the possibility na magkaroon pa ng ibang projects and TAPE. And hopefully soon makabuo sila ulit ng bagong show.

"So, yun po… nandun pa rin yung TAPE, Inc., yun lang pong show ang nawala.

“I’m sure, malay natin, di ba? They will come up with the good project na worthy to produce. And TAPE, Inc. will be there again to have another show."

Diin pa niya: “TAPE, Inc. is still there. It’s still operational. Existing pa rin po siya.

"Their office is still at Xavierville sa Quecon City. Hindi po nasara, may mga employees pa rin po dun.

“In fact, I’m still attending meetings there, just last week nandun po ako dahil nga po may mga inaayos kami.

“So, nandun pa rin po. Hindi po nagsara ang office ng TAPE, Inc. Hindi po nagsara ang kumpanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, yun po. Tuluy-tuloy pa rin naman po yung TAPE, Inc. and they're just looking for project na puwede nilang ma-produce."

JALOSJOS FAMILY

Nakakausap pa rin daw ni Atty. Maggie ang mga Jalosjos, lalo na ang patriarch na si Romeo Jalosjos.

Alam daw niyang nandiyan pa rin ang hangad ng mga itong makapag-produce ng noontime show.

jalosjos brother maggie garduque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Atty. Garduque (right) with Jon and Bullet Jalosjos

Saad ni Atty. Maggie, “They would… siguro kung merong ma-offer sa kanila na magandang project na puwede nilang ma-venture into. Then, TAPE, Inc. is still willing to venture into another project.

“Alam mo nasa puso kasi yan ng mga Jalosjos. Having a noontime show have become a part of their lives.

“Ano na yan, e, sa pamilya nila, parte na ng pamilya nila yung noontime show.

“Kumbaga, kung nagkaanak siya, 44 years old na yung anak niya… parang may show siya na lagi niyang kasama araw-araw, mula Monday to Saturday na pag-ano niya.

"The productions are there. Kaya nga ang tawag ng show nila is tahanan, di ba? Kasi naging tahanan na yun ng mga employees na nandun na more than 200 employees na naging tahanan nila yung show na yun.

“If gusto, talagang gusto pa nila. But of course, it’s still business, di ba, na dapat pag-isipan. Kailangan mag-invest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Of course, you would be needing a lot to be able to continue as their venture. Kailangan paghandaan nila… kung kailangan ba ng rebranding for their show,” sabi pa ni Atty. Maggie.

ALLEGED HUGE DEBT OF TAPE TO GMA-7

Wala raw masasabi si Atty. Mggie tungkol sa desisyon ng GMA-7 na pagkasibak ng Tahanang Pinakamasaya kahit hindi pa tapos ang kontrata ng TAPE, Inc. sa naturang network, dahil wala naman daw siya sa meeting ng mga Jalosjos sa mga taga-GMA-7.

Sa kabila nito, hiningan na rin namin siya ng paglilinaw kaugnay sa diumano’y malaking pagkakautang ng TAPE, Inc. sa GMA 7.

Read: Tahanang Pinakamasaya, PHP800M ang utang sa GMA-7 na naipon mula sa OG Eat Bulaga!?

“As to the amount, wala akong personal knowledge kung how much talaga yung arrears,” pakli ni Atty. Maggie.

“But as far as I know, there are arrears on… doon sa blocktime fee throughout the years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun po yung hindi ko alam kung magkano yung naging arrears.

“As to the terms of payment, I think during that time na nag-usap, the time na nagkaroon sila ng agreement... merong mga terms of payment na napag-usapan ang dalawang parties kung papano po mabayaran yung mga arrears.

“They make it a point that all obligations under the law and also sa contractual obligations must be complied with. Sisiguraduhin po yan ng TAPE, Inc.,” sambit nito.

Patuloy rin daw ang pagdinig sa apelang isinumite nila kaugnay sa Copyright case na napanalunan ng original Eat Bulaga! hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey sa Marikina Regional Trial Court.

Read: Paolo Contis nagulat sa desisyon ng korte sa mga kaso ng TVJ laban sa TAPE

Ani Atty. Maggie, “There are pending cases before the Intellectual Property Office yung sa trademark case.

"And yung sa copyright case, nadesisyunan ng RTC branch 273 of Marikina and currently now under appeal before the Court of Appeals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, tuloy pa rin po yun.

“I’m the one handling the Court of Appeals case, and there’s another lawyer handling IPO cases.

“I’m looking… sinu-supervise ko pa rin naman po both cases.”

Pagdating sa trademark case nila sa Intellectual Property Office, may nai-file na rin daw ang TAPE, Inc. at ang GMA-7.

Ayon kay Atty. Maggie, “As to the Court of Appeal cases, for comment na po ng TVJ yung Petition for Review that was filed by TAPE, Inc. assailing the decision of Regional Trial Court of Marikina on the copyright case.

“Nag-file din po ng Petition for Review ang GMA Network as regards the decision of the Regional Trial Court Branch 273 of Marikina.

“So, ibig sabihin, as regards the copyright case, yung decision po ng RTC or Regional Trial Court 273 of Marikina, dalawa po ang appeal or Petition for Review na nai-file against that decision.

“Nag-appeal po nang hiwalay ang TAPE, Inc., ganundin po, nag-file ng appeal ang GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, pareho pong in-assail ng TAPE at GMA network ang decision ng RTC Branch 273 of Marikina.”

May magagawa pa ba itong apela nila kahit wala ng programa ang TAPE, Inc. sa GMA 7?

“I think its just be a matter of… para malaman din ang katotohanan and legal wise, malaman kung sino ba talaga ang may-ari ng intellectual property na ito.

"And I think the decisions of the courts would be determinative, kasi magsi-set din ito ng precedent din as to this nouveau controversy, ano?

“I think this would be the first case na merong nag-assail ng ganyang trademark. And I think in the whole showbiz industry, hindi pa nangyayari to na there would be a talent tapos nagkaroon ng claim against the trademark of a show being produced by a producer.

“So, I think this would be a precendent to courts na mapagdesisyunan who would be the owner of the intellectual property with respect sa cases na may ganitong similar facts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, para sa amin, importante din na madesisyunan itong case na to, so that once and for all, malaman kung sino ang may-ari ng intellectual property and maging precedent sa lahat na magiging controversy na ganito.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TAPE Inc. executives, led by Jon Jalosos (with eyeglasses, in stripes), and legal counsel Atty. Maggie Abraham-Garduque (standing, second from left) with the hosts of Tahanang Pinakamasaya.
PHOTO/S: TAPE Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results