PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas addresses bashing after It's Showtime guesting

Ai-Ai delas Alas happy about It’s Showtime transfer to GMA-7.
by Arniel C. Serato
Published Mar 20, 2024
Ai-Ai delas Alas welcomes It's Showtime to GMA-7
Ai-Ai delas Alas happy that It's Showtime is taking over noontime slot of GMA Network: "Anyway, yun po, ang balita ko nga, e, ang Showtime ay lilipat yata sa GMA. So kung totoo po yun, Showtime, welcome sa Kapuso! Yey."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Naglabas ng paliwanag si Ai-Ai delas Alas, sa pamamagitan ng isang video sa Facebook kagabi, March 19, 2024, pagkatapos mabasa ang pamba-bash sa kanyang pagbisita sa It's Showtime noong March 2.

Bumisita sila ni Christopher de Leon sa Kapamilya noontime show, na napapanood din sa GTV, para i-promote ang The Kings and Ai, ang concert nila kasama si Gabby Concepcion na itinanghal sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City, noong Marso 8.

Read: Ai-Ai delas Alas, muling tumuntong sa ABS-CBN pagkatapos ng siyam na taon

Ikinuwento muna ni Ai-Ai kung paano nakarating ang bashing sa kanya.

"Alam niyo ba, kaya ako chichika ngayon kasi yung mga friends ko, na yung dati kong mga fans na ngayon naging barkada ko na, sabi nila sa akin, super sakit na sakit sila.

"Kasi, hindi ko naman din alam na nung nag-guest pala ako sa Showtime, na-bash ako.

"Parang sa akin, ako naman, tuwang-tuwa pa nga ako kasi nakapag-guest ako sa Showtime, yun pala na-bash ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako naman, parang ang dating sa akin, kasi hindi naman po talaga ako nagbabasa na.

"So, yung mga basher ko, walang effect, kasi nga hindi naman ako nagbabasa.

"So, sabi nila, 'Siguro dapat magsalita ka na.' Kasi ang tagal-tagal na, mga after nine years ba or magti-ten years na lumipat ako sa GMA.

"Pero yun pong mga fans ko naman dati na alam nila na nag-start po talaga ako sa GMA, sa Kapuso, mga 1990s yun.

"Then, year 2000 na lumipat po ako sa ABS. And then, after nine years nga po, e, after 14 years, lumipat ulit po ako sa GMA.

"So, ngayon ko lang po sasabihin o yung pong hindi mga nakakaalam, na kaya ako bina-bash kasi wala daw po akong loyalty."

Paglilinaw ni Ai-Ai, "Hindi po totoo yan. Kasi po, kaya wala na po ako sa ABS dati, kasi po hindi ako ni-renew.

"Last na po yun ang kontrata ko. Hindi na po nila ako binigyan ng renewal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, hindi po talaga ako umalis."

Read: Ai-Ai delas Alas on leaving ABS-CBN and returning to GMA: “Iba naman yung gusto kong mangyari sa buhay ko.”

Nangamba raw noon si Ai-Ai para sa kabuhayan ng pamilya niya dahil siya ang tumatayong breadwinner sa kanila.

Aniya, "Kumbaga, nung time na nga po na yun, parang nangarag ako kasi parang feeling ko, 'Naku, Lord, paano na kami ng pamilya ko? Wala kaming trabaho.'

"Wala akong trabaho nun.

"E, ako pa naman yung breadwinner at saka kasi yung nanay ko nun, buhay pa.

"So, talagang tulaley akey."

Buti na lang daw at naibenta ang bahay niya sa Ayala Alabang.

Saad ni Ai-ai, "Until God is so good talaga.

"Nung panahon na wala na nga ako sa ABS dahil hindi ako ni-renew, pumunta yung kapitbahay namin sa amin. Tinitingnan yung bahay namin sa Ayala.

"Kaya ako po, nabenta yung bahay namin sa Ayala kasi parang, e, yun yung paraan ni Lord na, 'O, eto, kahit wala kang trabaho, ayan. May pera kayo ng pamilya niyo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi nabenta ko po yung bahay namin sa Ayala."

IT'S SHOWTIME ON GMA-7

Samantala, masaya si Ai-Ai sa balitang nakarating sa kanyang lilipat na ang It's Showtime sa nabakanteng timeslot ng defunct TAPE noontime show na Tahanang Pinakamasaya.

Read: Tahanang Pinakamasaya officially goes off the air

Malaya na raw siyang makakapag-guest sa It's Showtime.

Read: It's Showtime, kumpirmadong papalit sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7

Saad niya, "Anyway, yun po, ang balita ko nga, e, ang Showtime ay lilipat yata sa GMA.

"So, kung totoo po yun, Showtime, welcome sa Kapuso! Yey."

Read: It's Showtime, matunog ang balitang lilipat sa GMA-7

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas happy that It's Showtime is taking over noontime slot of GMA Network: "Anyway, yun po, ang balita ko nga, e, ang Showtime ay lilipat yata sa GMA. So kung totoo po yun, Showtime, welcome sa Kapuso! Yey."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results