Balik-pelikula si Josh Ivan Morales sa Vivamax movie na Rita, na pinagbibidahan ni Christine Bermas, sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng mula sa panulat ni National Artist Ricky Lee.
Nasa cast din ng Rita sina Victor Relosa at Gold Aceron. Streaming na ito sa Vivamax umpisa Marso 22, Biyernes.
Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media
“At last, after 15 years! Tama ba ako, after 15 years yata!” bulalas ni Josh Ivan sa birthday party ni Sir Ricky Lee nitong Marso 19, 2024, Martes ng gabi, sa Xavierville 1 Clubhouse, Loyola Heights, Quezon City.
“Sobrang nakaka-miss pala yung ganun. Kasi dati, akala ko, last ko na yung Ang Lihim ni Antonio [2008].
“Yun, nagpunta muna ako sa mga teleserye, mga kasama si Direk Jerry, mga ibang directors. OK naman ang karera dun.
“So, ito nga ngayon, na-miss ko nga. Actually, ako po yung nag-pitch ng story na yun, na nilapit namin kay Sir Ricky.
“Nagustuhan ni Sir Ricky. Sobrang pasalamat kay Sir Ricky na nagtiwala siya sa amin, nagustuhan niya. Napaganda pa niya lalo yung kuwento.
“Ayun, sobrang thankful kasi maganda yung results. Siyempre, si Direk Jerry Lopez Sineneng.”
Si Direk Jerry lang ang nakapagpabalik sa kanya sa paggawa ng mapangahas na pelikula.
Natawa si Josh Ivan, “Ha! Ha! Ha! After 15 years. Grabe! Sobra, nakaka-miss pala yung ganun.”

ang LIHIM NI ANTONIO
Mas matindi ang paghuhubad ni Josh Ivan before.
Makailang ulit ang frontal nudity niya sa Ang Lihim ni Antonio na idinirek ni Jay Altarejos. At may mga eksenang erect ang kanyang private part.
Sa Rita, nakaplaster siya sa maseselang eksena.
Read: Ang Lihim ni Antonio showcases the anatomy of desire and longing
Pag-ayon ni Josh Ivan, “Sabagay. Kasi sa amin dati, wala kaming plaster! Ha! Ha! Ha! Speaking of Lihim ni Antonio, andiyan si Direk Jay Altarejos, kakarating lang.
“Binati ko na si Direk Jay, ayun. In-invite niya ako nung 15th anniversary ng Lihim ni Antonio dun sa UP Film Institute yata.
“Hindi ako nakapunta, kasi conflict dun sa shoot namin ng Rita. Kaya ayun, hindi ako nakapunta."

Josh Ivan Morales (left) and Kenjie Garcia in a scene from Ang Lihim Ni Antonio
Pagpapatuloy niya, “Ito [Rita], ang ipinagkaiba lang siguro para sa akin, ha, para sa akin… yung pagbalik ko ng pagpapaseksi dito sa Vivamax, mas ang gagaling ng mga kaeksena ko.
“Sobrang gagaling ng mga bata ngayon. Siguro dahil sa social media, marami na silang available na mga workshop, teacher, coaches.
“Siguro, isa rin yun sa factor na nakikita ko kung bakit ang gagaling na ng mga batang artista ngayon. Si Christine Bermas, napakagaling!”
ON INTIMATE SCENES WITH CHRISTINE BERMAS
Kumusta si Christine sa mga eksena nila kung saan iba’t ibang posisyon sa Kama Sutra ang in-execute nila?
“Si Christine, very professional. Ibang tao siya pagdating sa set. Kung ano ang karakter na hinihingi sa kanya, siya yun,” lahad ni Josh Ivan.
“Although meron pa din naman yung between takes, meron yung mga konting patawa, ganun.
“Siguro kasi, kinakabahan siya. First time niya kay Direk Jerry. Then siguro na-realize niya… nagse-search siya.
“Kasi, mahilig siyang mag-search tungkol sa mga artistang makakatrabaho niya. Siguro nung second day namin, napansin ko, parang medyo ano na siya.
“So tayo naman, pag mga beterano na, napapansin natin yung mga small things na habit ng mga baguhang artista.
“Siguro ganun, kinakabahan siya. Pero nagpa-punch na lang siya ng mga jokes niya, ganun. Pero sobrang galing overall ni Christine Bermas.”
THREESOME
Kung si Kenjie Garcia at isang bading na ekstra ang nakalampungan ni Josh Ivan sa Ang Lihim ni Antonio, sa Rita ay nakaharutan naman niya si Victor “VR” Relosa, at may threesome kapagkuwan sila with Christine Bermas.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
“Si Victor, napakagaling din na aktor. Sobrang galing. Ibang klaseng ano, ibang klaseng umatake din,” saad ni Josh Ivan.
“Meron siyang… meron siya talaga, prepared siya nung dumating siya. Meron siya talagang gustong patunayan din, na ibinigay sa kanyang challenge.
“So na-deliver naman niya nang maayos. Sobrang bilib kami ni Direk. Kasi, first time nga namin na nakita yung ganung sulat ni Sir Ricky Lee, na acting talaga.
“First time naming na-encounter na ganun, na ang haba! Alam mo yung pang-John Lloyd [Cruz] talaga na kalibre dapat ibibigay yung script na ganun.
“Si VR, sobrang galing ni VR. Naitawid niya yung eksena na yun, pati si Christine. Sila yung dalawang magkaeksena dun. Sobrang galing nila dun.”
JOHN IVAN MORALES ON FRONTAL NUDITY
Willing pa ba siyang mag-frontal nudity sa pelikula?
“Kung hindi naman kailangan, di huwag na. Ha! Ha! Ha! Ha! Huwag na siguro!” mabilis na tugon ni Josh Ivan.
Pakiwari ba niya, matanda na siya para magbuyangyang pa ng lawit?
“Nandun na yun, nandun na yun. Hindi naman sa yun lang yung parang hadlang,” pagmamatuwid ni Josh Ivan.
“I mean, malaki na rin yung mga anak ko, e. Yung panganay ko, 20 na. Meron na akong college.
“Yung gitna ko na anak, special siya, magpo-14 years old. Di pa naman niya maintindihan yun.
“Pero itong seven years old ko kasi, marami nang tanong, e. So siguro, kaya… Ha! Ha! Ha! Ha!”
Masasabi ba niyang hindi na siya magpo-frontal nudity?
“Hindi naman sa sinasabi. Kung required, why not, di ba? Kung hindi naman required sa project… kung wala namang requirements na ganun, sana wala.”
Bumabalik-balik pa rin sa social media ang mga litrato niyang walang saplot para sa 2005 calendar. Dalawang dekada na ang lumipas mula nang mag-pictorial siya para roon.
“Parang gusto kong gumawa ulit ng calendar, e. Parang… yun ang isa ko sa ano…”
Keri pa niyang mag-art nude, kahit hindi frontal?
“Oo naman, basta artistic. Hindi na yung frontal siguro. Artistic nudity na pictorial, tatanggap naman ako,” sambit ni Josh Ivan.
“Marami ngang nagme-message sa akin. Nakikipag-collab, ganun. May mga baguhang photographer ngayon na nakikita ko yung works nila, sobrang gagaling nga nila.
“So inaayos namin yung mga collaboration na sinasabi nila. So sana, hopefully matuloy. Ayan.”
Maski na sa isang edisyon ng Climax magazine noong 2008 ay nag-init ang mga sirena at diwata sa mga litrato ni Josh Ivan.

Read: Drei Arias, Juan Calma, Paul Jiggs Venturero: all out in male pageants and frontal nudity in movies
SEX SCENES IN RITA
Napagod ba siya sa sex scenes sa Rita?
“Parang mas nakakapagod. Kasi, sobrang dami naming mga scenes, e. Ha! Ha! Ha! Ha!” pag-amin ni Josh Ivan.
“Nakakangalay pala lalo na kapag hindi siya yung actual sex. Mas nakakapagod siya compared sa actual sex talaga.
“Siyempre, hindi ka mapapagod, masasarapan ka. Siguro, ganun. Yun lang naman ang pinagkaiba niya.”
Mas OK ba ngayon na naka-plaster siya sa maseselang eksena? Sa direct-to-video project nila ni Tracy Torres na Photo Shoot (2008), nag-hello ang kanyang private part habang nakapatong sa kanya si Tracy.
“Sa tingin ko, mas OK na nakaplaster ngayon.”
First time ba niyang magplaster sa pelikula?
Nag-isip sandali si Josh Ivan bago nagwika, “Sa pelikula, parang first time. Pero sa tingin ko, parang mas OK siya.
“Parang… parang andun kasi yung ano. Andun yung parang confidence mo na hindi ka makikitaan, hindi ka mabobosohan ng mga katrabaho mo or what.
“Although walang problema sa akin yun, e. Pero andun pa rin kasi yung feeling na parang may brief ka. So ganun kasi ang iniisip ko, e.
“Mas nakakagalaw ka. Mas naayos mo yung akting mo.”
Ano ang mensahe niya para sa mga nagnanasa at nagpapantasya pa rin sa kanyang katawang lupa?
Natawa na naman si Josh Ivan, “Sobrang thankful. Akala ko, wala na, e. Ha! Ha! Ha! Ha! Kasi, pag nagpo-post ako sa social media ko… bago kasi yung Instagram ko, saka Facebook ko, e.
“So, nandun pa rin pala. Marami pa ring naghihintay sa paggawa ng bagong sexy film ko.”
Masusundan pa ba ang Rita sa Vivamax?
“Hopefully masusundan. Kasi, may mga pini-pitch pa ring bago namang story, e,” pagsisiwalat ni Josh Ivan.
“Basta ang ano ko kasi, mas maganda kasi pag ikaw ang nag-pitch. Kasi, mas malalaro mo ang kuwento.
“Mas mabibigay mo yung todo mong gusto, mapaganda pa yung kuwento.
“So ayun, siguro, parang pakiramdam ko kasi, parang mas OK na sa akin na sa likod na lang ng kamera.
“Yun yung target. Hopefully magpi-pitch, tapos siguro, kahit hindi na sa harap ng kamera. Magwo-work na behind the scene, ganun.”
Sa tinagal-tagal niya sa showbiz, naramdaman ba niyang na-exploit siya?
“Hindi naman. Mas na-exploit pa nga ako sa modeling, e. Ha! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak pa ni Josh Ivan.
“Kasi ano, nung nag-model ako, iba. Iba, e. Hindi ko naman sinasabi na ang modeling world, ganun kaano.
“Pero pagdating sa showbiz, hindi naman. Hindi naman ako na-exploit.”
