PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Calleja: First Filipino Comic at Dubai Opera

Mark the date: April 13, 2024.
by Bong Godinez
Published Mar 24, 2024
Alex Calleja
Stand-up comic Alex Calleja will perform in Dubai as part of the Dubai Comedy Festival. He will be joined by fellow comedians Israel Buenaobra, Jeps Gallon, and Mak Navares.
PHOTO/S: Alex Calleja (Instagram)

Excited na may halong kaba.

Ito ang nararamdaman ngayon ng stand-up comedian at writer na si Alex Calleja sa kanyang upcoming show sa prestihiyosong Dubai Opera sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

Gaganapin ito sa April 13, 2024, araw ng Sabado.

Makasaysayan ang gagawing palabas dahil si Alex ang kauna-unahang Pilipinong stand-up comedian na magpe-perform sa nasabing venue.

Taong 2016 nang magbukas ang Dubai Opera, na merong 2,000-seat capacity at matatagpuan sa Downtown Dubai, malapit sa Dubai mall at sa sikat na landmark na Burj Khalifa, ang pinakamataas na building sa buong mundo.

Paboritong venue ang Dubai Opera ng malalaking theater shows, katulad ng The Little Prince, Marry Poppins, The Phantom of the Opera, at Les Miserables.

Kabilang sa mga artists na nag-concert sa venue ay si Placido Domingo, isang Spanish opera singer; Matteo Bocelli, anak ng Italian tenor na Andrea Bocelli; Lea Salonga, world-famous Filipina singer.

Read: Stand-up comedian Pretty Trizsa opens up about drug addiction, living on the streets

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BRINGING PINOY HUMOR TO THE UAE

Ang show na pinamagatang Laughtrip with Alex Calleja & The Comedy Crew ay parte ng pagdiriwang ng Dubai Comedy Festival, kung saan iba't ibang stand-up comedians from all over the world ang magpe-perform sa Dubai sa magkakaibang petsa.

Read: Comedienne Jeleen Cubillas optimistic about future of stand-up comedy in the Philippines

"Originally, English siya, pero marami kasing OFW na nanonood sa amin online na Tagalog ang piyesa namin, so gusto naming iparinig nang live, para na rin makatulong sa mga naho-homesick nating kababayan na nakaka-miss makarinig ng Tagalog," paliwang ni Alex sa media tungkol sa show.

Humarap si Alex kasama ang grupo niyang kinabibilangan ng iba pang stand-up comedians sa isang press conference na ginanap kamakailan sa Meats & Deli sa The Grove by Rockwell, Pasig City.

Aminado naman si Alex na mixed feelings ang nararamdaman niya lalo pa't hindi basta-basta ang show considering na malaking venue ang pagdarausan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Comedian-writer Alex Calleja, may open letter para sa bashers ng ABS-CBN

"More on excited, pero may kaba palagi," pahayag ni Alex nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Alam mo matakot ka pag walang kaba, e. Kasi nawawala yung gigil mo sa pagpe-perform pag walang kaba. So konting kaba pero excited dahil pangalawang beses ko sa Dubai and Tagalog kasi ngayon [ang spiels] kaya excited ako."

Hindi na bago kay Alex ang mag-perform overseas.

Sa katunayan, lilipad si Alex at ang kanyang mga kasama sa Singapore para magtanghal nitong Lunes (March 25) at Martes (March 26). Sold-out na ang tickets sa dalawang nabanggit na show dates.

Paano ba naghahanda si Alex kapag meron siyang international show katulad nitong paparating niyang Dubai performance?

"Pag Pinoy crowd, may baon tayong Pinoy topics, tapos pag yung sa Dubai mag-a-add tayo ng pang-Dubai na medyo makaka-relate yung mga Pinoy. Nagtatanung-tanong tayo dun, so yun yung preparation ko," sagot ni Alex.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama rin sa preparasyon ni Alex ang alamin ang kultura ng isang bansa para maiwasang makapagbitiw ng jokes na maaaring offensive o insulting sa mga naninirahan doon.

PINOY VERSUS FOREIGN AUDIENCES

Isang advantage ni Alex bilang stand-up comedian ay ang kakayahan niyang mag-deliver ng jokes sa English at Tagalog, dahilan kaya siya naiimbitahan.

Sa obserbasyon ni Alex ay mas madaling patawanin ang foreigners kumpara sa mga Pinoy.

"Mas madaling magpatawa sa ibang bansa kahit hindi ka magaling mag-English," turan ni Alex.

"Sa Pinoy mahihiya ka pag hindi ka magaling mag-English kasi inii-scrutinize nila yung grammar mo.

"Sa ibang bansa kahit, aminado ko hindi ako masyadong magaling mag-English, pero natatawa sila."

Samantala, makakasama ni Alex sa Dubai ang iba pang stand-up comedians na sina Israel Buenaobra, Jeps Gallon, at Mark Navares.

Kasama ang tatlo sa grupo na binuo ni Alex at tinawag niyang The Comedy Crew.

Si Alex ang nagsisilbing mentor ng mga komedyante na miyembro ng grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stand-up comic Alex Calleja will perform in Dubai as part of the Dubai Comedy Festival. He will be joined by fellow comedians Israel Buenaobra, Jeps Gallon, and Mak Navares.
PHOTO/S: Alex Calleja (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results