PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pretty Trizsa opens up about battle with drugs, being homeless

Pretty Trizsa on drugs: "Dadalhin ka nun sa pinakamababang estado ng buhay."
by Arniel C. Serato
Published Oct 18, 2022
pretty triza before and after
Stand-up comedian and TV personality Pretty Trizsa opens up about drug addiction: "Lahat ng mga taong nagtitiwala sa 'yo, tatalikod sa 'yo. Lahat ng mga pangarap mo, mawawala. Dahil sa drugs, dahil sa sugal, dahil sa maling barkada, napariwara ako. 'Wag niyong subukang mag-drugs.”
PHOTO/S: GMA Network / YouTube

Umamin ang stand-up comedian na si Pretty Trizsa na sinira ng shabu ang kanyang buhay at karera.

Read: Survivor celebrity castaway Pretty Trizsa develops a crush on nice-guy Akihiro Sato

Tatlong beses daw siyang nagpabalik-balik sa rehabilitation at nitong huli ay naging matagumpay na ang rehab sa kanya.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube na lumabas kagabi, October 17, 2022, inilahad ni Trizsa, 46—Ronaldo Celso sa totoong buhay—ang buong kuwento kung paano nawala ang kanyang career dahil sa droga hanggang sa naging palabuy-laboy siya sa kalsada

“Nagbisyo ako, droga. Tapos after ng droga, naging mas malala pa, sugal. Tapos may depression, anxiety problems,” pag-amin ni Trizsa.

Iba raw ang epekto sa kanya ng droga dahil nagkakaroon siya ng energy pagkatapos ang set niya sa comedy bars.

Dahil sa pagkahumaling niya noon sa shabu, nasira ang pangalan ni Trizsa sa mundo ng comedy bars.

Kuwento pa niya, bumabatak siya ng shabu mag-isa dahil natatakot siyang itsismis sa iba kapag magsasama pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahalata raw niyang naaapektuhan na ang kanyang trabaho noon dahil kung hindi siya nakabatak ay wala siyang energy at hindi nakakatawa.

Dahil dito, natanggal siya sa comedy bars kung saan siya nagsi-set. Alam na rin daw ng mga kasamahan niya noon na tumitira siya ng droga.

Ani Trizsa, “Kasi, parang there is emptiness sa akin na parang wala akong magawa. Kasi kung hindi ako naka-tsutsi [nakatira], nakatanga lang akong ganyan.

"Iisipin ko, 'Wala na pala akong kotse. Wala na pala akong career.'

"Pero pag naka-tsutsi ako, busy yung mind ko.”

HOMELESS TRIZSA

Pagbabahagi pa ni Trizsa, naging palaboy siya ng ilang taon at kung saan-saan natutulog dahil hindi na siya pinapatuloy ng kanyang mga kapatid sa kanilang bahay.

"Kasi itong sila Ate, gusto akong matuto ng leksiyon. Pagkatapos ng pangalawa kong rehab, sinarado yung bahay na tinitirhan ko.”

Kasunod nito ay kinuhaan siya ng mga kapatid ng isang kuwarto na paupahan kung saan bayad na ang dalawang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos nito, dapat siya na ang magtutuloy ng renta ngunit hindi siya nakabayad kaya pinaalis siya ng may-ari.

Kahit daw bumalik pa siya sa bahay nila ay hindi siya pinapapasok ng mga kapatid.

Matapos daw ang ikatlong rehab ni Trizsa ay na-realize niyang para sa kanya ang ginagawa ng mga kapatid.

“Na-realize ko na, 'Ay, hindi pala ganun. Para sa akin pala yun para matuto ako.'”

Nang nagpalabuy-laboy na siya sa kalasada, hindi niya matanggap sa sarili na natutulog siya sa kalye.

Ani Trizsa, “Ang dami kong raket sa iba't ibang lugar, meron kaming perks na mga libreng hotel. Masarap na pagkain tapos makikita mo yung sarili ko na nakahiga sa tarpaulin.”

Pretty Trizsa sleeping on sidewalks

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malaki rin daw ang realizations niya nang nagsimula ang pandemic bandang March 2020.

Lahad niya, “Nung pandemic, naloka ako… lahat daw ng tao dapat nasa loob ng bahay. E, ako? Saan ako pupunta? Wala akong bahay.”

Kahit malapit lang si Trizsa sa kanilang bahay, hindi pa rin daw siya pinapapasok ng mga kapatid dahil nga tinuturuan siya ng leksiyon.

Isang vlogger ang nakakilala sa kanya at nakuhanan siya ng video. Doon na raw siya muling kinausap ng mga kapatid upang ipa-rehab sa ikatlong pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang una raw niyang rehab ay six months at ang ikalawa ay three to four months. Pero hindi naging matagumpay.

Ang ikatlo ay umabot ng two years and three months.

Saad ni Trizsa, “Kasi hindi sapat yung six months, hindi sapat yung one year, parang ganun.

"Kasi depende yun sa tao, e. Kung hindi mo pa na-realize at hindi mo tanggap na ikaw ay ganito... kasi ang haba ng proseso.”

Umabot daw ng sampung taon ang pagkalulong niya sa bawal na gamot.

pretty trizsa interview

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nilapitan daw siyang dating kaibigan pero hindi na rin siya pinapansin ng mga ito.

Ang isa raw na hindi niya makakalimutan ay ang komedyanang si Ethel Booba dahil nang makita siya nito ay tinawag siya at ikinulong sa kotse.

Doon na raw siya sinermunan ni Ethel.

Ngayon, nais ni Trizsa na mag-comeback sa larangan kung saan siya nakilala—ang comedy bars.

Aniya, “Kunyari hindi natuloy ang mga plano na bumalik ulit sa showbiz, hindi ako tanggapin, hindi ako madi-depress. Bagkus, I’ll try harder to brush up with my craft."

Hindi na rin daw siya takot kung ano ang sasabihin ng tao dahil kalalabas lang niya ng rehab.

Saad niya, "Pangako ko na I'll do my best.

“Kasi pag ikaw mismo nag-alinlangan ka... Kasi, parang napag-aralan namin 'yan, kung ikaw mismo hindi ka naniniwala sa sarili mo, sinong maniniwala sa 'yo?"

Payo naman siya sa lahat: “Gusto ko lang sabihin sa kanila na huwag niyo nang i-try na mag-drugs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi talagang dadalhin ka nun sa pinakamababang estado ng buhay.

"Magmumukha kang tae. Para kang talagang... lahat lalayo sa 'yo. Lahat ng pagkakataon na para sa 'yo, mawawala.

"Lahat ng mga taong nagtitiwala sa 'yo, tatalikod sa 'yo. Lahat ng mga pangarap mo, mawawala.

"Dahil sa drugs, dahil sa sugal, dahil sa maling barkada, napariwara ako.

"'Wag niyong subukang mag-drugs.”

WHO IS PRETTY TRIZSA?

Si Pretty Trizsa ay naging bahagi ng Survivor Philippines Celebrity Showdown ng GMA-7 noong 2010.

Pretty Trizsa Survivor Philippines

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Regular din siyang napapanood noon sa comedy bars na Punchline at Laffline sa Quezon City.

Nagsimula siya bilang isang sing-along master noong 1995 sa Campus Diner along Taft Avenue sa tapat ng De La Salle University.

Kuwento niya noon, "Nag-aral pa naman ako ng Medical Technology sa Centro Escolar University tapos nag-take up din ako ng Psychology at Mass Communication sa Trinity College. Ang bagsak ko pala ay sa comedy bar!"

Si Trizsa ay nakilala rin sa panggagaya niya sa TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Pretty Trizsa Mariel Rodriguez picture

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas na-identify noon si Trizsa sa ABS-CBN dahil sa mga nagawa niyang TV shows at ilang pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

Kabilang sa naging shows niya sa Dos ay Wowowee, Varga, at Rosalka. Nagkaroon din siya ng show sa TV5 noon na Sing-Galing.

Sa movies ay nakalabas siya sa mga pelikulang Videoke King with Robin Padilla and Pops Fernandez; at Happy Hearts nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stand-up comedian and TV personality Pretty Trizsa opens up about drug addiction: "Lahat ng mga taong nagtitiwala sa 'yo, tatalikod sa 'yo. Lahat ng mga pangarap mo, mawawala. Dahil sa drugs, dahil sa sugal, dahil sa maling barkada, napariwara ako. 'Wag niyong subukang mag-drugs.”
PHOTO/S: GMA Network / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results