Sa kabila ng pagiging malayo ng isla, may mga gurong hindi nagpatinag para gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin: ang makapagturo sa mga bata.
Bukod pa rito ang namumuong tensiyon sa pagitan ng Philippine Coast Guard at military force ng ibang bansa, tulad ng China, dahil sa isyu ng West Philippine Sea.
Ganyan ang dedikasyon ng mga gurong piniling madestino sa Kalayaan Island Group, na 277 kilometers ang layo sa Puerto Princesa, Palawan.
Kaya naman biyayang maituturing ng mga taga-Pag-asa Integrated School sa Kalayaan, Palawan, na kumpleto na ang mga guro nila mula kindergarten hanggang junior high school.
FROM TWO TEACHERS, THERE ARE NOW TEN
Mula sa dating dalawang guro, kumpleto na ang sampung guro sa naturang eskwelahan, ulat ng ABS-CBN News Online.
May 83 students, mula kinder hanggang Grade 10, ang Pag-asa Integrated School, na may dalawang classrooms lamang.
Ang hamon lang sa mga bagong guro: Kailangang bumiyahe sila ng limang araw sa dagat bago makarating sa isla.
Ang isla ay naa-access sa pamamagitan ng government airplane at government vesels.

The island of Kalayaan, Palawan, can be reached via government airplane and vessels.
Read: 12-year-old kid traps leopard inside office
Ang mga gurong ito ay mula sila sa mainland sa Palawan, at nagboluntaryong madestino sa Kalayaan.
Bagamat may mga balakid, sulit naman daw ang sakripisyong mapalayo sa pamilya kapag nakikitang natututo ang mga bata.
Ayon kay Eunice Grace Cabitac, Grade 1 teacher, “Malayo kami sa pamilya, pero masaya kami nakikita namin yung mga estudyante na natututo sila.
“Habang nandito kami, hopefully, magagamit kami sa kanilang pag aaral na [maibahagi] namin yung aming kakayanan.”
Read: Meet Lady Anne Duya, scholar and first female Aeta to pass Criminologists Licensure Exam
APPEAL FOR HELP
Patuloy na dini-develop ang maliit na komunidad sa Kalayaan.
At isa sa mga hamon na kinakaharap ng school ay limitado ang facilities nito.
Kaya may pakiusap ang isa sa mga guro na si Teacher Diosco Comedia:
"Panawagan ko po sa ahensiya ng gobyerno at pribado [sektor], kung meron man kayong extra, gaya ng laptop, of course, printer na gamit ng mga guro.
"Kailangan po namin ng aklat sa pagtuturo sa mga bata. Kasi po, medyo limited lang po.
"Ang meron lang po Grade 3, 4 and 5, 6. Sa mga mababa po, kulang po ang kanilang aklat. 'Pag meron po kayo, pwede niyong ibigay."
Nananawagan din ng mga guro na sana magkaroon sila ng bahay na matutuluyan.
Sa kasalukuyan, nanunuluyan sila sa isang bahay na gawa sa kawayan at magkahiwalay ang kuwarto ng mga babae at mga lalaki.
