Makapigil-hininga ang enounter ng 12 anyos na batang lalaki sa India matapos pumasok sa opisinang kinaroroonan niya ang isang leopard.
Nakunan ng CCTV ang insidente, at nakakabilib ang pagiging alerto ng bata sa gitna ng panganib.
Mabilis itong nag-isip at umaksiyon.
Ipinost ang video sa X (formerly known as Twitter) ni @AskAnshul.
Sa simula, makikita ang bata na nasa tabi ng pinto at naglalaro gamit ang kanyang gadget.
Sa isang iglap, biglang pumasok ang isang leopard sa nakabukas na pinto, at dire-diretsong pumasok sa isa pang pinto na katapat mismo ng main office door.
Halatang hindi napansin ng wild animal ang batang nakaupo sa gilid ng pinto.
Nang pumasok ang leopard sa second entrance, mabilis na tumayo ang bata, lumabas, at isinara ang main office door. Kaya na-trap ang hayop sa loob.
Read: Aso shock na shock nang ginising ng rhino; lumipad pati kaluluwa sa takot!



(Photo 1: A leopard enters an office while boy is playing with his gadget)
(Photo 2: Leopard did not notice the boy and immediately enters another door inside the office)
(Photo 3: The boy gets up from the chair, goes outside and closes door behind him, trapping the wild animal inside)
Read: Snake bites man in Bohol; man bites back and kills snake
Makikita rin sa time stamp ng video ang date na March 5, 2024.
Parte ng caption ng uploader: “A 12-year-old boy, locked a leopard inside an office cabin until assistance arrived in Malegaon & the leopard was rescued.
"[Name of the kid] immediately informed his father, who is a security guard, that he trapped a leopard inside the office.”
Umani ng papuri ang bata mula sa netizens.
Sabi ng isa, bukod sa presence of mind, nakakabilib na nanatiling kalmado ang bata nang makita ang leopard.
“Strong and smart kid,” sabi ng isa pa.
Sumang-ayon naman ang isa pa na pinuri ang katapangan ng bata.
It pays to teach kids well at a young age.
