Hinangaan ng netizens ang pagrespeto ni Ryan Bang sa girlfriend niyang si Paola Huyong.
Read: Meet Paola Grace Huyong: Ryan Bang’s non-showbiz girlfriend
Nitong nakaraang March 22, 2024, nag-upload si Ryan ng bagong YouTube vlog kung saan ibinahagi niya ang biyahe nila ni Paola patungong Tokyo, Japan.
Nakatakdang manood ng The Eras Tour ni Taylor Swift ang dalawa.
Read: 'Taylor Swift: The Eras Tour' concert film, record-breaking sa takilya
Ito ang pangatlong travel abroad nila: una ay noong ipinakilala ni Ryan si Paola sa mga magulang nito sa South Korea; pangalawa ay noong nagbakasyon ang It's Showtime family sa Hong Kong; at pangatlo itong sa Japan.
Read: ‘It’s Showtime’ hosts bond in Hong Kong amid show's suspension
Pero ang ikinagulat ng nakapanood ng vlog ay hiwalay na kuwarto ang pina-reserve ni Ryan para sa kanila ni Paola.

Sa Hyatt Regency Tokyo sila nag-stay.
Bago sila pumasok sa kani-kanilang kuwarto, nagpaalaman pa ang dalawa at nagsabihang magkita na lamang sila sa breakfast.

Dahil dito, bumuhos ang paghanga ng maraming netizens sa ipinakita ni Ryan.
Ayon sa isang nakapanood ng vlog, "sa 2 rooms palang nakakainlove na si Ryan. She really respect Paola. Ryan deserve to be happy."

Dagdag ng isa pa, "wow napaka gentleman pala ni kuya Ryan,, separate room talaga sila ni paola.. magaling...idol talaga kita boy, Its showtime,,"

Papuri ng isa pa, "wow i didnt expect them to be in two separate rooms! wow! i admired ryan now!"

Dagdag ng isa pa, "Wow Ang gentleman pla tlga n ryan .2rooms ..prng ngaun lmg cla ng travel na cla lng tpos 2rooms"

Marami rin naman ang pumuri kay Paola sa magiging mahinhin at mahiyain.



Read: Ryan Bang spends "best Christmas" with non-showbiz girlfriend and her family
