Eksaktong pagpatak ng alas dose ng Martes, March 26, 2024, binati ni Daniel Padilla ang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo para sa ika-28 kaarawan ng aktres.
Read: KathNiel: Movies, accomplishments, and lessons learned so far
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, nagbahagi si Daniel ng isang graphic image na parang umukit ng mukha ni Kathryn.
Ang mga titik na ginamit ay salitang Japanese na ayon sa mapagmatyag na netizens, "Happy birthday to you” ang kahulugan nito.

KATHNIEL PRESENT AT ZANJOE-RIA WEDDING
Nauna rito ay parehong dumalo ang dating magkasintahan sa kasal nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde noong Sabado, March 23.
Ikinasal sina Zanjoe at Ria sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony sa Quezon City Hall.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde are now married
Wala pang posts ang dating magkasintahan, pero may ibang bisita sa reception ang nag-post ng mga larawang kuha sina Daniel at Kathryn.


BRIEF TIMELINE OF KATHNIEL'S RELATIONSHIP
Tinapos nina Kathryn at Daniel ang kanilang relasyon nong 2023 matapos ang labing-isang taon.
Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team
Si Kathryn mismo ang nag-anunsiyo ng hiwalayan nila ni Daniel noong November 30, 2023.
Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla
Pagkatapos nilang mag-break, may mga pagkakataong nakikita pa rin sina Kathryn at Daniel na magkasama sa ilang importanteng events.
Kabilang dito ang ABS-CBN Christmas Special noong December 4, at Asian Artist Awards 2023 noong December 14.
Huling naispatan ng publiko sina Kathryn at Daniel na magkasama nang parehas silang dumalo sa kasal ng malapit nilang kaibigang sina Robi Domingo at Maiqui Pineda sa Bulacan, noong January 6.
Read: Celebrity guests at Robi Domingo and Maiqui Pineda's church wedding in Bulacan
At noong January 10, 2024, napansin ng mapanuring mata ng netizens na in-unfollow ni Kathryn si Daniel sa Instagram.
Pati na ang mga kapwa niya aktres na sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Gillian Vicencio.
Read: Kathryn Bernardo unfollows ex-boyfriend Daniel Padilla on Instagram
