Umani ng negatibong reaksiyon mula sa netizens ang balitang tatanggalin na ang mga upuan sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ito ay sa kabila ng rasong binanggit ng Manila International Airport Authority (MIAA) na dapat mabawasan ang congestion sa area dahil sa unwanted bystanders at potential scammers.
Magsisimulang ipatupad ito pagkatapos ng Semana Santa.
Read: Passenger in business class shocked by "vegan meal": a single banana
REMOVAL OF CHAIRS AT THE NAIA TERMINAL 3 ARRIVAL AREA
Sa anunsiyo naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista nitong Lunes, March 25, 2024, sinabi niyang babawasan ang mga upuan sa naturang terminal.
Aniya, “Sa arrival, babawasan ang mga silya doon sa Terminal 3. Maraming nakaupo lang naka-standby, iba dyan naghihintay na magkaroon ng scam,” ani Bautista sa ulat ng ABS-CBN News Online.
Pakiusap din niya sa mga sumasalubong sa mga pasahero: “Kung puwede huwag masyadong marami sumusundo.
“Normally isang tao susunduin, pero 10 family members sumusundo, minsan one o two sasakyan dala nila. Hintayin na lang sa bahay.”
Halos ganito rin ang sinabi ni MIAA General Manager Eric Ines sa ulat ng The Philippine Star.
“We can no longer distinguish between legitimate welcomers and strangers who just want to make themselves comfortable. They sleep on the gang chairs in the lobby."
Ang suhestiyon niya ay ilipat ang gang chairs sa labas ng airport entrance.
Sundot pa niya, hindi pagbabawalan ang mga tao na pumasok sa lobby kundi “just securing the area from bad elements of the society.”
Read: Passenger nearly removed from flight for not wearing a bra
NETIZENS criticize THE MOVE to remove the chairs
Sa comments section, kapansin-pansing mas marami ang negative reactions.
Katuwiran ng isang netizen, may mga outgoing passengers na dumarating nang maaga sa airport para hindi mahuli sa kanilang flight at naghihintay ng oras sa mga upuan.
Giit niya, ang delayed flights at traffic ang kadalasang problema.

Sinang-ayunan ito ng dalawa pang netizens na nakaka-relate sa maagang pagdating ng mga galing pa sa probinsiya para hindi ma-late.
Sabi ng isa (published as is): “so ang tendency, nakakaidlip tlga kmi habang naghihintay ng oras..so pls! be considerate naman kung tlgang totoong tatanggalin yan totally”

Komento ng isa pang netizen (published as is): “Normal lang makatulog kasi ung hinihintay biglang delay pala ang flights eh asa airport na ang susundo o malapit na sa airport..Galing p s malayong probinsya…”

May ilan namang sumang-ayon na ang iba ay tumatambay lang dahil mas maluwag ang seguridad sa arrival lobby.

Habang ang iba ay nilinaw na magkaiba ang arrival area at ang departure area.
Pero may nagsabing may mga pasahero ring naghihintay sa arrival area kahit dapat ay nasa departure area sila.

Suma tutal, karamihan sa kanila ay nagsabing "delayed flight" ang problema kaya naiipon ang mga mga nag-aantay sa arrival area.
Ang hamon ng isang netizen, tanggalin na ang mga upuan para sa lapag na lang umupo o matulog ang mga naghihintay. O kaya raw ay maghintay sila nang nakatayo ng ilang oras.

May concerned din sa mga senior citizens.
Published as is: “What's wrong with that. If pagod Yung mga pasahero especially Yung may connecting flights that will take a long waiting time and those who were stranded because of the delays of some flights.
“And then the senior citizens. That is the least you can provide them. Tapos Ngayon tatanggalin nyo pa????”


Nito lamang nakaraang buwan, naging viral ang NAIA dahil sa reklamo ng mga pasaherong nakagat ng mga surot sa airport.
Kinumpirma ito ng NAIA authorities, at nag-post ng apology kaugnay ng issue.
Bahagi ng pahayag nila: “Directive was also given for the conduct of comprehensive facility inspections and enhanced sanitation measures.
“The MIAA apologizes to the victims and assures them that a speedy resolution to this can be expected."
Agad tinanggal ang mga upuan na sinasabing may surot.
Kasunod nito, nag-viral ulit ang Terminal 3 ng airport dahil sa mga nakitang malalaking daga.
Ang mabilis na aksiyon ng pamunuan: nag-set ng mga mouse traps sa terminal.
Read: Surot at NAIA? MIAA confirms receiving complaints; apologizes
