Disappointed ang Japanese passenger na si Kris Chari sa inihaing “vegan meal” na ni-request niya.
Dahil naka-business class sa Japan Airlines, nag-expect siya ng mas higit pa sa isang pirasong saging na may kasamang chopsticks.
Ayon sa report Business Insider, dalawang meal services—isang meryenda at isang lunch—ang inihain sa passengers ng nasabing flight na papunta sa Jakarta, Indonesia, noong February 20, 2024.
Ang meryenda para sa mga pasaherong non-vegan ay seared tuna, eggplant salad, cheese with orange salsa, at baguette. Batay ito sa airline menu.
Dahil vegan si Kris, hindi puwede ang tuna sa kanyang plant-based diet.
Inasahan niyang ang ihahapag sa kanya ay sandwich, salad, vegan cheese, at baguette.
"Instead, I was served a single banana," ani kris sa Business Insider.
Read:
- Female suspect caught on CCTV doing yoga before robbing bakery
- 12-year-old kid traps leopard inside office
PASSENGER INSULTED
Nakipag-usap daw siya sa flight attendant at labis daw siyang na-shock nang malaman na ang saging ay “catered meal.”
Aniya, "It's a bit insulting to be served a single banana while others are given a far more substantial and flavorful menu."
Katuwiran ni Kris, dapat ay ikunsidera rin ng mga airlines ngayon ang dumadaming bilang ng mga vegan at vegetarians.
Samantala, kinunan din ng Insider ang panig ng Japan Airlines.
"We apologize for not being able to meet expectations,” anito.
Kinumpirma rin nito na ang alternative option para sa mga special meal sa flight na iyon ay saging.
Nangako naman ang airline na ii-improve nito ang menu para sa “diverse needs of customers requesting special meals."
Sinabi naman ni Kris na ang lunch meal na nakuha niya ay spaghetti.
Ang lunch naman ng non-vegan passengers sa flight na iyon ay cheese omelet, ratatouille, chicken sausage sa “Western menu” at grilled salmon naman sa “Japanese menu,” batay sa website ng airline.
Samantala, ang nakalista sa website ng Japan Airlines under “vegetarian vegan meal” ay salad bowls, baguette, halal sorbet, at rice dish.
