Mainit na pinag-uusapan sa X (dating Twitter) ang ikinukunektang sightings ng dating basketbolistang si Marc Pingris at Kapuso actress na si Kim Rodriguez.
Si Marc Pingris ang asawa ng aktres na si Danica Sotto.
Read: Danica Sotto and Marc Pingris exchange I dos for the second time
Parehong may kuha sa harap ng Sydney Opera House sa Sydney, Australia sina Marc at Kim.
Kahapon, March 27, 2024, kani-kanyang bigay ng opinyon ang netizens sa X ukol sa halos magkaparehong background ng larawan.
Sabi ng isa, "Just in: Marc Pingris and Kim Rodriguez spotted in the same places. Are these edited photos or merely a coincidence?"
Ayon naman sa isa, "Just in: Marc Pingris allegedly cheated on Danica Sotto with Kim Rodriguez. In a deleted Instagram story, both were caught sharing stories with the same background. Coincidence? Netizens think otherwise. They were also spotted taking photos with fans back in August 2023."
Saad ng isa, matagal na daw issue ang infidelity ni Marc.
Aniya, "kinda surprised it's only now that marc pingris' infidelity issue is brought up despite doing it for a long time now"
Pati ang Instagram post ni Kim ay pinutakti ng mga marites na nais malaman ang kanyang reaksyon sa isyu.
Pero wala siyang sinagot sa kanyang post noong March 25, 2024, kung saan sinabi niya sa caption, "Sydney's dynamic duo: Opera House and Harbour Bridge making waves in the cityscape."
View this post on Instagram
DANICA SOTTO'S FRIEND DEFENDS MARC PINGRIS
Sa Facebook kagabi din, kinontra ng kaibigan ni Danica na si Pebbles Duque ang cheating allegation.
Saad ni Pebbles sa una niyang pagdepensa kay Marc, "Ay nako. He wont do that. Maraming priorities si Marc. They have a beautiful family."

Kasunod niyang ipinakita ang post ni Marc sa Facebook na nagsasabing ang petsa ng larawan niyang nasa Sydney ay noon pang February 16.
Samantalang nitong Marso lamang ang kay Kim.
Saad niya, "Re Marc Pingris:
"That photo was taken before pa Feb 16.
"My besfriend Danica and him have a very beautiful family.
"Holy week na, dasal na lang po tayo para naman mabawasan yung mga kasalanan natin.
"#char"

Tumugon naman si Danica sa kanyang post.
Mukhang hindi ito apektado sa ibinabatong cheating allegations sa asawa.
Sabi niya, "kalma miga! we love you"
Tugon ng kaibigan, "buti ka pa, kalma! [laughing emoji]"

Sa matagal na pagsasama ng dalawa bilang mag-asawa, wala pang isyung awayan sa pagitan nila.
Itinuturing pa nga ng iba na ideal couple sina Marc at Danica.
Read: Marc Pingris and Danica Sotto: Answered prayers
Wala pang anumang pahayag si Marc at Kim sa issue.
