PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marc Pingris denies cheating allegation involving Kim Rodriguez

Marc Pingris: "Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin."
by Arniel C. Serato
Published Mar 28, 2024
Marc Pingris denies cheating allegations
Former basketball star Marc Pingris denies cheating allegations and appeals to netizens not to drag his wife and children in the issue: "Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Mariing pinabulaanan ng dating basketbolistang si Marc Pingris ang cheating allegation sa kanya kung saan nadamay pa ang aktres na si Kim Rodriguez.

Si Marc ang asawa ng aktres ding si Danica Sotto.

Read: Danica Sotto and Marc Pingris exchange I dos for the second time

Sa pamamagitan ng social media, ngayong hapon ng Huwebes Santo, March 28, 2024, naglabas si Marc ng kanyang pahayag ukol sa isyu.

Mahigpit niyang pinabulaanan ang mga haka-haka ng netizens tungkol sa kanila ni Kim.

Nagkasama man daw sila sa ilang pagtitipon, hanggang doon lang iyon.

Sabi ni Marc: "Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez.

"Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao. Nakasama ko po si Ms. Kim sa isang basketball event at sa isa pang event noong naging muse siya ng team namin."

Kahit na napaparatangan ng netizens, nagpapasalamat pa rin si Marc sa tila concern ng iba sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala rin daw pinagdaraanang problema ang kanilang pamilya.

Umaapela siyang mabigyan sila ng respeto at hindi na makaladkad pa ang mga anak nila ni Danica sa isyu.

Dagdag niya (published as is): "Salamat din sa nag pa abot ng concern. Ok kami ng pamilya ko. Wag na po tayo magpakalat ng mga balita na hindi totoo.

"Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inulit din niya ang kanyang pakiusap sa Instagram.

View this post on Instagram

A post shared by Marc Pingris (@jeanmarc15)

Matatandaang mainit na pinag-uusapan sa X (dating Twitter) ang ikinukunektang sightings ni Marc at ni Kim.

Parehong may kuha sa harap ng Sydney Opera House sa Sydney, Australia, sina Marc at Kim.

Pero, kalmado lang naman si Danica sa intriga.

Read: Danica Sotto reacts to netizens' cheating allegation involving husband Marc Pingris and Kim Rodriguez

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former basketball star Marc Pingris denies cheating allegations and appeals to netizens not to drag his wife and children in the issue: "Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results