One year in the making ang planong 30th anniversary sa showbiz ng actress-entrepreneur na si Ara Mina.
May 2023 pa dapat ang kanyang show pero dahil sa maraming ginagawa ay nausog ito ngayong May 2024.
Read: Ara Mina: The star who had 4 screen names conquers acting, singing, even baking
Maiksing kuwento ni Ara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Viber messaging ngayong araw, April 1, 2024, "Well, mas nagkaroon ng time asikasuhin at buuin ang concert."
Sa Instagram kahapon, March 31, 2024, ipinasilip ni Ara ang teaser ng kanyang concert.
May titulo itong All of Me.
Gaganapin ito sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts, Pasay City, sa May 7, 2024.
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Ara, "Maraming mga surprise guests then makikita nila ako kakanta nang live with the band."
At dahil 30th anniversary niya sa showbiz, marami raw big production numbers.
Aniya, "Yes, yes, meron production numbers na nakasama ko sa movies and TV."
Nagsimula si Ara sa showbiz sa murang edad na 14. Siya ay 44 anyos na ngayon.
Sa panayam ng PEP.ph kay Ara noong February 2023, nausisa namin siya kung ano ang sikreto niya kung bakit siya nagtagal sa showbiz industry.
Saad ni Ara, “I guess, sinamahan ko ng prayers, non-stop, na parang kumbaga, ‘I-guide Mo ako, thank You for all the blessings, sa mga projects na binibigay Niyo.’
“At lahat ng projects na ginagawa ko, ginagawa ko yung best ko tsaka nakikisama ako nang maayos sa mga katrabaho ko, sa mga directors, sa mga producers.
“I see to it na hindi ako pa-diva kasi kahit gaano ka kasikat, kung may attitude ka, hindi ka nila kukunin, e.
“Magsasawa silang kukunin, ‘Ay, may attitude yan, huwag mo nang kunin, sasakit ulo mo.’ So, I see to it na grounded pa rin ako.”
Read: Ara Mina recalls being called “ham actress”; to celebrate 30th anniversary in showbiz
MAGANDANG ARAW
Samantala, excited na rin si Ara dahil third season na ng kanyang TV show na Magandang ARAw sa Net25 sa April 6, Sabado, 3 to 4 p.m.
Dspecial guest niya rito ang award-winning broadcaster na si Korina Sanchez.

Kinunan ang episode sa Anilao, Batangas, kung saan nag-diving sila.

Read: Ara Mina feels “very surreal” watching herself host dream lifestyle show
Bukod sa kanyang cake business na Hazelberry Cafe, abala rin si Ara sa ilang TV shows, at sa business nila ng asawang si Dave Almarinez na A Force Ventures.
Read: Ara Mina and Dave Almarinez launch holding company to help start-up entrepreneurs
