PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dave Almarinez lalaki sa lalaki conversation with Patrick Meneses

Dave promised Patrick that he will take care of the mayor's son with Ara.
by Arniel C. Serato
Published Jul 2, 2021
In their first sit-down interview as a married couple yesterday, July 1, Ara Mina and Dave Almarinez (left) talked about the actress' ex-boyfriend Patrick Meneses (right) who attended their wedding in Baguio City last June 30.
PHOTO/S: Arniel Serato

Ibinunyag ni PITC Undersecretary Dave Almarinez na bago pa man ang kasal nila ni Ara Mina, nagkaroon sila ng “lalaki sa lalaki” na pag-uusap ni Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Si Patrick ay dating boyfriend ni Ara at ama ng six-year-old daughter ng aktres na si Amanda Gabrielle “Mandy” Meneses.

Ikinasal sina Dave at Ara nitong nakaraang Miyerkules, June 30, sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City.

Sa kauna-unahang sit-down interview sa mag-asawa kahapon, July 1, nagkuwento sina Dave at Ara tungkol sa pagdalo ni Patrick sa kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami kasi ang natuwa na nakita sina Ara at Patrick na civil at maayos ang pakikitungo sa isa’t isa kahit nagkahiwalay sila.

“Si Pat naman, hindi ko naman basta in-invite lang, ipinakilala ko muna sila,” pagtukoy ni Ara kina Patrick at Dave.

Ayon naman kay Dave, nag-usap talaga sila ni Patrick alang-alang kay Mandy. Tiniyak daw niya sa alkalde na aalagaan niya si Mandy na parang anak na rin nito.

“Pero long before I made a proposal, parang nagkaano... nagkakarinigan na kami.

“Siyempre, lalaki sa lalaki, di ba, parang ganun. Respect to each other siyempre.

“It’s very important na maipagkakatiwala si Mandy, na maalagaan yung anak nila, just like the same sa anak ko,” pahayag ni Dave.

May dalawang anak din si Dave sa mga dating nakarelasyon.

Sa kanyang panig, masaya si Ara na dumalo si Patrick sa kasalan nil ani Dave.

Aniya, “We’re happy naman na um-attend siya sa wedding namin and he’s happy for us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2015 naghiwalay sina Ara at Patrick.

Nakilala niya si Dave may halos tatlong taon na ang nakararaan.

Marami mang intriga ang pinagdaanan nina Ara at Dave, maligaya sila at napagtagumpayan nila ito at nauwi sa dambana ng pag-iisang dibdib.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In their first sit-down interview as a married couple yesterday, July 1, Ara Mina and Dave Almarinez (left) talked about the actress' ex-boyfriend Patrick Meneses (right) who attended their wedding in Baguio City last June 30.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results