Mananatiling Kapuso ang award-winning broadcaster na si Mel Tiangco.
Ito ay kasunod ng muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA Network ngayong Martes, April 2, 2024.
Read: Mel Tiangco: GMA’s Gem
Labis-labis ang pasasalamat ni Mel sa Kapuso network dahil sa mga oportunidad na ibinibigay nito sa kanya.

Sabi ni Mel sa ulat ng GMA News Online, “Ako man din po ay nagpapasalamat sa inyo dahil sa mga opportunities that had opened to me because of my stay in GMA.”
Read: The twists and turns in the life of Mel Tiangco
Pahayag naman ni GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon, “Si Mel or Tita Mel, as she is fondly called, ay hindi lamang icon kundi isang institusyon na. Kaya’t kami ay nagagalak, we are very happy sa kanyang pagpirma muli ng kontrata sa ating network.”
Pinuri rin niya si Mel sa pagpapatibay ng GMA Kapuso Foundation na nakakatulong sa maraming Filipino sa buong bansa.
Dagdag ni Gozon, “Gusto ko ring banggitin ang kanyang role sa pagpapalakas sa ating GMA Kapuso Foundation, na sa ngayon ang mga natutulungan na mga Kapuso natin na nangangailangan ay umaabot na sa milyon.
"Sapagkat ang puso ni Mel ay nasa tamang lugar at alam ng mga tao na hindi plastik ang kanyang desire to help kung hindi tunay at totoo.”
Read: Throwback: Mel Tiangco's 16-year legal battle with ABS-CBN
Sa kanyang panig, sinabi ni Mel na ang pagtatag ng Kapuso Foundation ay isang napaka-challenging na bahagi ng kanyang trabaho para sa istasyon.
Saad niya, “Ibang klaseng trabaho yun. Napakasarap yung nagtatrabaho ka na, nabibiyayaan ka pa sa langit.
"It’s the opportunity alone to be given to you or to have to be able to help people is really a blessing from the Lord.”
Present sa contract signing ni Mel sina Atty. Gozon, GMA Network President and Chief Executive Officer Gilberto R. Duavit Jr., GMA Network Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, at GMA Network Senior Vice President and Head of GMA Integrated News, Regional TV, and Synergy Oliver Victor B. Amoroso.

Dumalo rin sa event sina GMA Integrated News Consultant Grace Dela Peña-Reyes, VP and Deputy Head for GMA Integrated News Program and Specials Ms. Michelle Seva, AVP for News Cluster Antonio Magsumbol; AVP and Deputy Head for News Operations Reina Dimapawi, AVP for Admin, Integrated News, Regional TV, and Synergy Maria Teresa Bernabe; AVP and Deputy Head for Integrated News Social Media Team Aileen Rae Perez, 24 Oras News Program Manager Marielle Ventura, at Corporate Affairs and Communications Vice President Angel Javier Cruz.
Naging Kapuso si Mel taong 1996 matapos nitong lisanin ang ABS-CBN.
Sa kabuuan, 28 taon na siyang bahagi ng GMA.
Read: 7 TV Patrol anchors, reporters who pulled controversial exits
Una siyang naging bahagi ng Saksi.
Taong 2004, ipinagkatiwala ng GMA-7 sa kanya ang pagiging anchor ng 24 Oras katuwang ang namayapang si Mike Enriquez.
Read: Mike Enriquez's memorable TV moments
Bukod sa 24 Oras, patuloy pa ring pinamumunuan ni Mel ang paghu-host ng weekly drama anthology na Magpakailanman.
