Hindi napigilan ni Teddy Corpuz maglabas ng saloobin laban sa mga taong walang magandang masabi sa kinabibilangan niyang noontime show na It's Showtime.
Kasunod ito ng matagumpay na debut ng It's Showtime sa main channel ng GMA Network.
Read: Battle Of Noontime Shows: It's Showtime, from TV5 to GMA-7; Eat Bulaga!, from GMA-7 to TV5
Nagsimulang umere sa GMA-7 ang ABS-CBN noontime show noong Sabado, April 6, 2024.
Humataw pa nga ito sa trending list sa X (dating Twitter) noong araw na iyon.
Read: It's Showtime first airing on GMA-7 trends on X; here are the highlights!
Sa X, inilabas ni Teddy ang kanyang saloobin sa mga taong ikinukumpara at patuloy pinagsasabong ang It's Showtime at ang katapat nilang noontime show, ang Eat Bulaga! ng TV5.
Eat Bulaga! ang dating umookupa sa timeslot ngayon ng It's Showtime sa GMA-7.
Ayon kay Teddy, pareho lang silang nagnanais magbigay ng kasiyahan at kaligayahan sa mga tao.
Minsan daw ay natatalo sila, minsan naman ay nananalo.
Teddy Corpuz on It's Showtime and Eat Bulaga! comparison
Saad niya, "Yung pinag aaway nyo kami, pero bakit di nalang tangkilikin parehas?
"Yes may competition… minsan talo, minsan panalo. Parehong gumagawa at nag nanais mapasaya kayo."
Panawagan niya, bakit hindi na lamang suportahan ng mga tao ang kanilang gustong palabas imbes na manira ng iba.
Dagdag niya, "Kung di ka masaya sa isa, eh di dun ka sa kabila at wag ka na lang manira. Focus ka sa tv mo at wag sa tv ng kalaban mo."
Komento ng isang netizen sa post ni Teddy (published as is), "Ang sarap naman pakinggan gaking mismo sayo. Tama lahat ng sinabi mo Kuya Ted. Maaaring nasa isang kumpetisyon kayo pero lagi dapat binabalikan yung end goal... MAPASAYA ANG PILIPINO. As a solid Dabarkad, I am happy with ShowTime. Mas marami, mas masaya. Congratulations po."
Sabi naman ng isa, "agreed, I'm a showtime fan but I also love to watch eat bulaga parin naman kasi aminin naging part din ng childhood natin ang eat bulaga eh. It's up to you nalang talaga kung anong want mong panoorin."
Read: Kapamilya and Kapuso with similarities pair up in It’s Showtime segment
Katulad ng inaasahan, nakakuha ng mas mataas na ratings ang pagsisimula ng It’s Showtime sa GMA-7.
Read: Eat Bulaga! at It's Showtime, kaabang-abang ang salpukan sa April 6
Ayon sa ulat ng PEP Troika, base sa nakuha nilang AGB Nielsen NUTAM, naka-9.7% ang It’s Showtime. Agrregated ratings na ito na kuha sa GMA-7, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel.
Ang Eat Bulaga! naman ng TVJ na palabas sa TV5 at sa RPTV ay naka-4.4%.
Ibig sabihin, mahigit kalahati ang lamang ng It’s Showtime sa Eat Bulaga!.
Mas marami ring nanonood sa It's Showtime sa online kumpara sa Eat Bulaga!.
Read: It's Showtime, kinabog sa ratings ang Eat Bulaga! sa salpukan nila noong April 6
