Ipinagdiwang ni KC Concepcion ang kanyang 39th birthday kasama ang amang si Gabby Concepcion.
Batay ito sa Instagram Story na ipinost ni KC sa kanyang IG account ngayong umaga ng Lunes, April 8, 2024.
Bukod kay KC at Gabby ay may kasama pang dalawa si KC na non-showbiz pero fellow April celebrants ni KC.
Tila mga kamag-anak ito ni KC sa side ng amang si Gabby.
Ipinagdiwang ni KC ang kanyang kaarawan nitong April 7, 2024, Linggo.

KC POSTS OLD VIDEO AS A BABY WITH BOTH OF HER PARENTS
Sa mismong araw ng kanyang kaarawan noong Sunday ay ipinost ni KC via IG Stories ang kanyang birthday celebration na kinabibilangan ang mga kaanak ng kanyang stepfather na si Kiko Pangilinan.
Dumating sa selebrasyon niya sina Paolo Valenciano, anak ni Gary Valenciano at Angeli Pangilinan, pati na rin si Ella Pangilinan, anak nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa.
Ang kapansin-pansin pang ipinost ni KC ay video clip noong siya ay baby pa at kasama ang mga magulang na sina Gabby at Sharon Cuneta.
Ang background music ng video ay “Baby Sometimes Love Just Ain’t Enough” ni Patty Smyth at Don Henley.
Batay sa picture, marahil ay one year old pa lamang si KC sa videos kasama ang ina at ama.

Sina Sharon at Gabby ay nagpakasal noong 1984. Isinilang si KC noong April 7, 1985.
Naghiwalay sina Sharon at Gabby noong 1987 o tinatayang two years old pa lamang si KC.
Nag-post din si KC ng kanyang birthday pictorial sa kanyang IG account.
Kamakailan din ay nag-post si KC ng photos kasama ang ama at mga kapatid sa ama na sina Garie Concepcion at Samantha Concepcion.
Lumalabas na nangyari ang bonding moment ng mag-aama sa Batangas, kung saan may private resort si Gabby.
Batay sa caption ni KC, nangyari ang bonding na iyon noong Easter Sunday.
Read: KC Concepcion flexes bonding time with two sisters, dad Gabby
