Mariing pinabulaanan ng Kapuso TV host-actress na si Cassy Legaspi na siya ang nag-upload ng video clips na nagpapakita ng sweet moments nila ng Kapamilya TV host-singer na si Darren Espanto sa Facebook.
Noong Sabado, April 13, 2024, nagsimulang bumaha ng mga sweet video nila ni Darren ang Facebook account ni Cassy.
Kasunod ito ng magkasunod nilang pag-amin sa publiko na walang espesyal na namamagitan sa kanila at sila'y matalik na magkaibigan lamang.
Read:
- Cassy Legaspi echoes Darren Espanto’s statement about being "best friends"
- Darren Espanto clarifies real score with Cassy Legaspi: “Best friends lang kami ni Cassy.”
Laman ng video clips na naka-upload sa verified Facebook account ni Cassy—na may halos 21 million followers—ang sweet moments, encounters, at interviews nila ni Darren.
Read: Vice Ganda teases Darren Espanto and Kyline Alcantara in It's Showtime
Kumalap ang mga ito ng samu't saring reaksiyon mula sa netizens na kinukuwestiyon kung bakit in-upload pa ito ni Cassy sa gitna ng intriga sa relasyon nila ni Darren.
Read: Who is Carmina Villarroel, Cassy Legaspi's cryptic posts about?
CASSY'S FACEBOOK HACKED
Sa Instagram Stories nitong Lunes, April 15, nilinaw ni Cassy na hindi siya ang nasa likod ng pag-a-upload ng mga video sa kanyang Facebook account.
Noong 2021 pa raw nang ma-hack ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nabubuksan at nagagamit.
Read: Cassy Legaspi's Facebook account with 7.3M followers hacked
Ibig sabihin, ang hacker ang nag-a-upload ng videos nina Cassy ay Darren, at ginagamit lamang ang pangalan at account ni Cassy para sa views.
Mensahe ni Cassy sa kanyang mga tagahanga, kalakip ang screenshot ng dating Facebook account (published as is), "This Facebook account USED TO be mine, until I was hacked in 2021.
"So to clear things up, this account is currently IS HACKED and NOT HANDLED BY ME."
Read: Mavy Legaspi clarifies cryptic posts of mom Carmina Villarroel
Nakiusap din ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na kung maaari ay i-report ang account na ito para hindi na magamit sa panloloko ng iba.
Saad ni Cassy, "would like to ask for help to report this account, thank you all so much [pray sign emoji]."

Ipinakita rin ni Cassy ang bago niyang gawang Facebook account na sa kasalukuyan ay mayroon nang 52K followers.

Read: Cassy Legaspi posts intriguing message about “hurt people”
Sina Darren at Cassy ay ilang beses iginiit na matalik na magkaibigan lamang ang turingan nila, sa kabila ng patuloy na pagli-link sa kanila.
Read: Cassy Legaspi and Darren Espanto recall how they became close friends
Base sa pinakahuling ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay nauugnay ngayon si Cassy sa dati niyang co-host sa Tahanang Pinakamasaya na si Michael Sager.
