Tagumpay ang Cebuano vlogger na si Boy Tapang, a.k.a. Ronnie Suan, sa hangarin niyang maging agaw-atensiyon ang ginawang content for views.
Yun nga lang, sangkatutak na batikos ang kanyang tinanggap.
April 2, 2024 nang i-upload niya ang video ng paglikha ng saranggola gamit ang tig-iisang libong pisong papel na umabot diumano sa PHP 1 million.
Pinalipad niya ito sa kanilang bayan sa Alcoy, Cebu.
Naka-seven million views ang vlog sa loob lang ng ilang araw. Pero binura ito ng vlogger.
WHAT THE LAW SAYS ABOUT MISUSE OF PHILIPPINE MONEY
Bukod kasi sa batikos, inimbestigahan din tuloy siya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Nakasaad kasi sa Presidential Decree No. 247 ang pagbabawal sa “defacement, mutilation, tearing, burning, or destruction of Philippine Central Bank notes and coins.”
Ang sinumang lumabag nito ay maaaring pagmultahin ng hindi hihigit sa PHP20,000 o kaya ay pagkakakulong ng hindi lalampas ng limang taon.
Pinabura rin ng BSP ang video content at sumunod naman si Boy Tapang.

Boy Tapang being confronted by the Bangko Sentral ng Pilipinas staff
Read: Female scammer busted by QCPD despite undergoing cosmetic surgery and assuming a different identity
Nanghihinayang man, sinabi ni Boy Tapang na mas maigi na wala siyang iniisip na problema.
Aniya sa SunStar Cebu, “Medyo dismayado ako dahil pinagpaguran mo ang isang bagay pagkatapos ay buburahin mo.
“Pero mas okay na ito dahil, at least, wala nang problema. Sayang ang pera kapag nawala.”
Matapos burahin ang video, tinanggap naman ng BSP ang kanyang paliwanag at sinabing hindi ito gagawa ng legal action laban sa vlogger.
Bukod pa rito ay naglabas din ng public apology si Boy Tapang sa kanyang Facebook account.
WHAT THE NETIZENS SAY ABOUT BOY TAPANG'S CONTENT
Samantala, pinuna naman ng netizens ang mayabang na paraan ng paggamit niya ng pera para lang sa views.
May mga nagsabing insensitive ito sa paghihirap ng mga Pilipinong kahit puspusang magtrabaho ay salat pa rin sa pera.
Read: Mom recalls the moment her newborn got swapped in hospital: "I nearly got a heart attack."
Sa ginawang apology video ni Boy Tapang, sinabi niyang ang video ay “for entertainment purposes only.”
Kumonsulta rin daw siya sa kanyang abogado, na nagsabing hindi illegal ang kanyang gagawin hangga’t hindi nasisira ang mga pera, ulat ng SunStar Cebu.
Gumamit daw siya ng scotch tape para pagdikit-dikitin ang mga pera at pinalipad ito sa bakanteng lote malapit sa kanila.

Sa kanyang apology video, nanawagan si Boy Tapang na dapat pahalagahan ang pera kaya hindi ito dapat paglaruan.
Nakiusap din siya sa mga nag-repost ng kanyang video na burahin ito kung ayaw nilang maimbestigahan.
Sabi niya, “Ang pera ay huwag po nating paglalaruan at gawing biro.
“Ang pera kasi napaka-importante po ng pera.
“So, humihingi po ako ng sorry sa mga supporters ko, sa viewers ko, at lalo na sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Pasensiya na po sa nangyari.”
