PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Busted: Female Scammer's New Face, Identity Fail

Suspect admits to her wrongdoing after being cornered by the police.
by Bernie V. Franco
Published Apr 18, 2024
fake id of female scammer
The female suspect gave a different name when members of the Quezon City Police District Station 9 showed her the warrant of arrest.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)

Isang babaeng scammer ang umaming nagtago mula sa batas sa pamamagitan ng pagpaparetoke.

Sa isang entrapment operation ng Quezon City Police District (QCPD) Station 9, mapapanood ang pagtanggi ng babae na siya ang taong inaabutan ng warrant of arrest.

Ang suspek ay may kinalaman sa milyun-milyong halaga ng kasong estafa.

IDENTITY OF FEMALE SCAMMER

Ulat ng ABS-CBN News, limang araw ang isinagawang surveillance ng QCPD sa isang bahay sa Pasig na kinaroroonan ng female scammer.

Pinangalanan ang babae bilang si Beverly Santos, batay sa warrant of arrest ng korte.

Sa video, makikitang kaharap ng isang opisyal ng QCPD Station 9 ang isang babaeng may maiksing buhok.

Nagpakilala ang opisyal at tinanong ang babae kung ano ang pangalan nito.

“Alexis” ang ibinigay na pangalan ng babae.

Sagot ng pulis na may kasamang babala, “Sigurado ka? Alam mo ba yung nagtatago ng pangalan ay makakasuhan po?”

Yun pala, ang nagpakilalang “Alexis” ay ang mismong suspek na si Beverly Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Akala nito ay makakaligtas siya dahil nagparetoke at nagpalit ng kanyang identity.

Read: Convict argues he already served life sentence after dying briefly in hospital

Female scammers photo of undergoing cosmetic surgery

The suspek on the day she underwent cosmetic surgery

Read: VIRAL: Boy who lines up for face painting and shyly asks "may bayad po?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SCAMMER ADMITS UNDERGOING COSMETIC SURGERY

Emosyunal ang suspek matapos niyang mabisto. Umamin siya sa kanyang pagpaparetoke at sa paratang laban sa kanya.

Sabi niya, “December 2023 pinaayos niya [sic] yung ilong ko lang, which hindi ko naman gusto kasi gusto ko lang munang makapag-isip doon sa mga pagkakataon na naipit ako…

“At may mga natatanggap akong pressure at death threats na, so wala akong naging choice kundi… Kung saan-saan po ako napunta.

“Pero hindi ko po tinatanaggi na nagkaroon ako ng fault…”

Ipinaliwanag ng QCPD officer ang naging krimen ng suspek.

Dati raw itong lehitimong supplier sa ilang government agencies na kumukuha ng investors para sa negosyo nito.

“Yung mga agency po natin may mga kailangan pong mga item po iyan, meron pong listahan ng mga supplier ang mga agency natin,” paliwanag ni PLTCOL Ferdinand Casiano, QCPD Station 9 chief.

“Halimbawa po sa isang agency, kailangan ng office supplies, so siya po ngayon ang naatasan na mag-provide ng supply.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Binibigyan iyan ng pera, pero after mag-invest nang mas malaki pa, doon na po siya nawawala.”

May mag-asawang investors ang nag-invest sa suspek ng PHP30 million.

Noong una ay nakakabayad naman daw ang suspek bagamat delayed. Pero kalaunan ay tumatalbog na ang inisyu niyang tseke.

Di nagtagal ay hindi na ito mahagilap at nagtago na. Nagparetoke na pala.

Sabi naman ng female victim, “My gosh, imposibleng hindi namin siya makikilala. Walang nagbago, at kahit pa marami pa siyang ireretoke, kilalang-kilala namin itsura niya. Tsaka kilala namin siya for more than 20 years.”

Nananawagan din ang mga biktima sa iba pang na-scam ng suspek na magtungo sa QCPD Station 9 para sa pagsasampa ng large-scale estafa sa suspek.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The female suspect gave a different name when members of the Quezon City Police District Station 9 showed her the warrant of arrest.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results