PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Maxene Magalona confirm relationship with Geoff Gonzalez?

Are Maxene Magalona and DJ Geoff Gonzalez officially a couple?
by Arniel C. Serato
Published Apr 24, 2024
Maxene Magalona, Geoff Gonzalez post twinning Reel on Instagram
Instagram official? Maxene Magalona and DJ Geoff Gonzalez share sweet and cozy videos from their Siargao trip.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Instagram official na ba ang aktres na si Maxene Magalona at disc jockey na si Geoff Gonzalez?

Napansin kasi ng ilang netizens na halos magkapareho ang kanilang posts sa Instagram.

Unang nag-post si Geoff ng Instagram Reel ng videos nila ni Maxene na kuha nang pumunta sila ng Siargao para sa kasal nina Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Read: Angelica Panganiban, Gregg Homan wed anew in Siargao

Sa post ni Geoff noong April 22, 2024, makikitang nagyo-yoga sila ni Maxine.

Caption niya, "Starting the week with a grateful mind, body and spirit."

Naka-tag sa post niya si Maxene.

Geoff Gonzalez post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram post naman ni Maxene kahapon, April 23, makikitang sila ay nagmomotorsiklo, nagyo-yoga, at nag-e-enjoy sa beach.

Caption niya, "Thank you @experiencesunlight for letting us experience Siargao for the first time"

Hindi naka-tag sa post ni Maxene si Geoff.

Sa comments section, maraming netizens ang nagpahayag ng kasiyahan dahil may bago raw nagpapatibok ng puso ni Maxene.

Maxene Magalona netizens

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEVERAL SIGHTINGS

May ilang sightings na sina Maxene at si Geoff noong nakaraang taon.

Isa na rito ang isang TikTok video noong May 7, 2023.

Sa video, makikita si Maxene at ang diumano'y bago niyang karelasyon na magka-holding-hands-while-walking (HHWW) sa isang mall sa Greenhills, San Juan.

Nakasuot ng black shirt at brown pants ang lalaki, at kitang-kita ang mukha nito habang mahigpit niyang hawak ang kamay ni Maxene.

Ayon sa uploader, hindi niya sinasadyang makuha ang eksenang HHWW ni Maxene at ng kasama nito, dahil nagpo-promote lamang daw siya ng tindang cell phone nang mapadaan ang dalawa sa kanyang estante.

Read: Maxene Magalona reacts to "third party" tag in rumored breakup of Angel Locsin, Neil Arce

Isa pang TikTok video ang lumutang na kuha naman noong March 11, 2023, kung saan spotted din si Maxene kasama ang parehong lalaki na naglalakad sa Greenhills matapos nila umanong bumili ng cell phone.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakasuot ng black and white stripe crop top shirt ang aktres, habang naka-brown long sleeve at black short naman ang kaakbayan niyang lalaki.

Ayon sa comments section ng nasabing TikTok post, isang DJ sa hindi tinukoy na bar ang lalaking nagngangalan umanong "Geoff Gonzalez."

Bukod pa sa mga ito, kasama rin ni Maxene ang bago niya umanong nobyo nang magbakasyon siya sa El Nido, Palawan, bago pa ang March 11.

Nagpa-picture ang isang fan habang ang aktres ay nasa big lagoon sakay ng kayak, nasa likod niya ang lalaking may hawak na sagwan. Hinihinalang si Geoff iyon.

Read: Maxene Magalona spotted HHWW with rumored new boyfriend in Greenhills

Mahigit dalawang taon nang single si Maxene matapos nilang maghiwalay ng dati niyang asawa na si Rob Mananquil.

Read: Maxene Magalona confirms she’s now single months after rumored split from husband Rob Mananquil

Matatandaang January 2022 pumutok ang balitang hiwalay na sila matapos i-unfollow ni Maxene si Rob sa Instagram — bagay na kinumpirma ng aktres nang inanunsiyo niyang "single" siya noong October 14, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maxene Magalona unfollows husband Rob Mananquil on Instagram; goes solo in Boracay

Humigit-kumulang apat na taon silang nagsama ni Rob bilang mag-asawa.

Read: Maxene Magalona reflects on healing journey; cheers on fellow "self-healers"

Dalawang beses ikinasal sina Maxene at Rob.

Una, sa isang intimate church wedding sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City, noong January 8, 2018.

Pangalawa, sa isang beach wedding sa Boracay noong January 11, 2018.

Wala pang tuwirang pag-amin asina Maxene at Geoff kung sila nga ba ay magkarelasyon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Instagram official? Maxene Magalona and DJ Geoff Gonzalez share sweet and cozy videos from their Siargao trip.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results