Ikinasal muli sina Angelica Panganiban at Gregg Homan ngayong April 20, 2024 sa Siargao.
Una nang nagpakasal sina Angelica at Gregg noong December 31, 2023 sa Los Angeles, California, USA.
Ang couple ay may isa nang anak, ang one-year old na si Amila Sabine, na ipinanganak noong September 2022.
Inanunsiyo nila ang kanilang engagement noong October 2022.
Read: FIRST LOOK: Angelica Panganiban glows in Rosa Clara beach wedding gown
Star-studded ang beach wedding nina Angelica at Gregg na dinaluhan ng ilang celebrities na malalapit sa aktres, iba pang taga-showbiz industry at mga kamag-anak ng couple.

ANGELICA PANGANIBAN-GREGG HOMAN WEDDING DETAILS
Ginanap ang seremonya sa Inara Siargao, isang bagong-tayong boutique resort na pag-aari ni Natalia Zobel, anak nina Iñigo at Maricris Zobel.
Matatagpuan ito sa Sitio Lisub Purok 2, Barangay Malinao, General Luna, Surigao del Norte.
Read: Angelica Panganiban and Gregg Homan host all-white welcome dinner

Read: How much it costs to achieve Angelica Panganiban's bridal glow
Sa Inara Siargao rin ginanap ang all-white dinner party para i-welcome ng couple ang kanilang wedding guests kahapon, April 19.
Nag-post pa ang mga ito sa kani-kanilang Instagram accounts tungkol sa magaganap na kasalan para updated ang fans ng aktres.
Read: How much it costs to stay at Inara Siargao, Angelica Panganiban and Gregg Homan's wedding venue
ANGELICA PANGANIBAN'S FRIENDS POST UPDATES ABOUT WEDDING
Sa Instagram Story ni Kim Chiu ay ipinakita niya sina Bela Padilla at Angelica, at nilagyan ng caption na: "AngBeKi reunite!!!"
Maririnig sa video na nagbiro ng, "Sorry, Darren, you're out!"
Singit naman ni Angelica, "I'm back!"
Nabuo ang pagkakaibigan nina Darren Espanto, Kim at Bela sa It's Showtime.
Nag-post din ng isang photo si Kim kasama sina Angelica, Gregg, Bella at ang boyfriend ng huli na si Norman Bay.
Read: Celebrities in Siargao for Angelica Panganiban-Gregg Homan's wedding
Present din ang mga close friends ni Angelica na sina Glaiza De Castro at Telay Robles.
Nag-share si Telay ng group photo sa kanyang Instagram Story habang papunta sa surprise bridal party ni Angelica na ginanap sa Barbosa, isang contemporary Asian restaurant sa General Luna, Siargao.
Caption ni Telay sa photo: "araw ng kalayaan! let's give it a camown!!!"
Read: Angelica Panganiban given surprise bridal shower ahead of her beach wedding

Naroon din si Maxene Magalona, na nag-post sa kanyang Instagram Story ng photo kasama sina Angelica, Gregg at ang kanyang rumored boyfriend na Geoff Gonzalez.
Ani Maxene sa kanyang caption, "Category is: beach-elorette party."
Nagbahagi rin ng photos si Anne Curtis kasama ang kanyang anak na si Dahlia.
Ang kanyang caption: “With my forever date to celebrate kambal's special day with the loves of her lives!
“So excited for later @iamangelicap @gregg_homan and little bean! Baka maiyak me! This is it KAMBAL!!!!”
Spotted din sina ABS-CBN President and Chief Executive Officer Carlo Katigbak, at ang mga direktor na sina Andoy Ranay at Ruel Bayani.
Read: Here's exact venue of Angelica Panganiban and Gregg Homan's wedding
