Boluntaryong sumuko ang negosyanteng si Cedric Lee ilang oras matapos mahatulang guilty "beyond reasonable doubt" sa kasong serious illegal detention for ransom ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.
Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo found guilty in Vhong Navarro serious illegal detention case
Ayon sa ulat ng GMA News, kasalukuyang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Cedric.
Lahad ni NBI director Atty. Medardo Dilemos, inaresto ng agents ng ahensiya si Cedric sa isang lugar sa Mandaluyong matapos nitong ipaabot ang mensaheng susuko siya.
Pagkapatos ng kanyang pagkaaresto ay kinunan ng mugshot at fingerprints si Cedric, na kapansin-pansing nakangiti pa.
Cedric Lee
Wala si Cedric nang basahin ni Judge Mariam Bien ng Taguig Regional Trial Court (RTC) ngayong Huwebes, May 2, 2024, ang hatol niya sa negosyante at sa mga kapwa nito akusadong sina Deniece Cornejo, Simeon Raz, at Ferdinand Guerrero.
Reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang sentensiya sa kanila ng korte matapos mapatunayang guilty sa kasong serious illegal detention with ransom na isinampa ni Vhong.
Dahil wala si Cedric pati na si Guerrero sa pagdinig kanina, nag-isyu ng warrant of arrest si Judge Bien laban sa kanila.
Kinansela na rin ang kanilang bail bond dahil ididiretso na sila sa kulungan.
Read: Vhong Navarro reacts to conviction of Cedric Lee, Deniece Cornejo in serious illegal detention case
THE JANUARY 22, 2014 INCIDENT
Sampung taon na ang nakararaan mula nang maganap ang insidenteng pambubugbog, paggapos, pananakot, panganguwarta, at pagditena kay Vhong sa condo unit ni Deniece sa Taguig City.
Nangyari ito noong gabi ng January 22, 2014, kung kelan kinunan ng grupo ni Cedric ng video si Vhong na nagsasabing siya ay "nang-rape."
Kita sa video ang private parts ni Vhong pati ang kanyang mukha.
Nakasaad sa 94-page decision ni Judge Bien na ginamit nina Cedric ang video pang-blackmail kay Vhong.
Sinubukang hingan ni Cedric si Vhong ng PHP200,000 hanggang PHP2M para hindi ilabas ang naturang video.
Noong panahong iyon ay pumayag magbigay si Vhong ng PHP1M sa takot sa banta ng mga akusado na papatayin siya at ang kanyang pamilya kung hindi siya sumunod sa gusto ng mga ito.
Pinakawalan lamang si Vhong matapos siyang ipa-blotter at sapilitang papirmahin ng salaysay niyang sekswal na inabuso niya si Deniece.
Sinabi ni Cedric kay Vhong na kinabukasan ibibigay sa kanya ang bank details kung saan niya idedeposito ang pera.
Hindi natuloy ang pagbigay ni Vhong ng pera dahil kinabukasan matapos ng insidente ang nagsuplong siya sa National Bureau of Investigation.
Read: A timeline: Vhong Navarro vs Cedric Lee, Deniece Cornejo legal battle
