PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Story of Jerieh, bride who became widow after wedding day

Doctors tried to revive the groom three times.
by Bernie V. Franco
Published May 4, 2024
Jerieh the bride on EXpecially For You with It's Showtime hosts
Jerieh (insert in circle) was the searcher in It's Showtime's dating segment EXpecially For You this May 3, 2024. She recounted her painful love story: she lost her husband the day after her wedding.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Ano ang mararamdaman mo kapag ikinasal ka ngayon, pero kinabukasan ay tuluyan kang iniwan ng iyong asawa dahil pumanaw siya?

Ito ang makadurog pusong kuwento ng searcher na si Jeremiah, a.k.a. Jerieh, sa “EXpecially For You” dating game ng noontime show na It’s Showtime ngayong Biyernes, May 3, 2024.

The day after ng kasal, namatay ang groom niyang si Patrick.

Kuwento nga ni Jerieh, ang kanyang kasal ang happiest at loneliest moment sa kanyang buhay.

Read: Policeman reunites with abandoned baby he rescued 23 years ago

HOW Jerieh aND Patrick's LOVE STORY BEGAN

Sina Jerieh at Patrick ay churchmates sa isang Christian church sa San Mateo, Rizal.

Fifteen years old pa lang daw si Jerieh noong nagkakilala sila ni Patrick.

Tinutukso pa raw ni Jerieh ang kanyang kaibigan kay Patrick.

Minsan, niyaya siya ni Patrick na samahan siya dahil may bibilhin daw ito.

“Yung time na iyon, ia-ask na niya ako na ligawan. Inamin niya yung feeling niya… na may gusto nga siya sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanggihan daw ni Jerieh ang alok ni Patrick na ligawan siya. Nag-iwasan sila pagkatapos noon.

Makalipas ang ilang buwan, nagkausap silang muli.

“Nung time na iyon, nung in-ask niya ako ulit na ligawan ako, doon pumayag na po ako,” lahad ni Jerieh.

Twenty years old na raw si Jerieh nang maging sila ni Patrick.

Si Patrick ang second boyfriend ni Jerieh, habang si Jerish ang first girlfriend ni Patrick.

Nagkaroon daw ng mga hamon ang relasyon nila.

Sabi ni Jerieh, hindi sanay si Patrick na nagpapaalam, habang ito naman ang gusto ni Jerieh.

Pero nagtagal ang kanilang relasyon.

Kuwento ni Jerieh, “Si Patrick kasi yung unang lalaki talaga na nagparamdam sa akin na hindi lang ako maganda.

"Parang meron siyang uniqueness na nakita sa akin. Siya lang yung nagparamdam sa akin.”

Jhong Hilario, Vice Ganda, and Jerieh

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jhong Hilario and Vice Ganda listen to Jerieh's painful love story

Read: VIRAL: Baby dangling from roof of second-floor unit

JERIEH AND PATRICK'S WEDDING

Matapos ang limang taong pagsasama, nagdesisyong magpakasal ang dalawa noong October 6, 2018. Ito rin ang fifth anniversary nila bilang couple.

Nagkaroon sila ng isang Christian wedding sa San Mateo, Rizal.

Jerieh EXpecially For You

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang kanilang theme ay cherry blossom dahil ang dream country nila ay Japan.

Sabi ni Jerieh, “Super hands-on po kaming dalawa. Wala po kaming event coordinator. Kami po yung nag-design like yung mga flower, invitation…”

Si Patrick ang mismong nag-design ng wedding gown ni Jerieh at ng kanyang coat.

Siyam na buwan ang ginugol nila sa wedding preparations.

Dumating ang October 6, 2018, nag-isang dibdib sina Jerieh at Patrick.

Sabi ni Jerieh, “Hindi mo ma-explain yung magic.

"For the first time in my life, doon lang ako nag-celebrate. Never po akong nag-celebrate.

"Hindi ako nag-debut. Pero yung celebration na may kasamang family and all, yun lang po ang first time.

"So, magical for me. Lalo na andoon yung mahal ko. Sobrang ang saya nung time na yon.”

Si Patrick din ang kumanta sa kanilang wedding.

“Nung nakikita ko na siya, parang gusto ko na lang tumakbo tapos sasama na.

"Talagang nakita ko na eto ang makakasama ko, habang buhay na kami na talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging emosyunal ang hosts na sina Anne Curtis at Ogie Alcasid sa kuwento ni Jerieh.

Ogie Alcasid and Anne Curtis teary eyed

THE INCIDENT AT THE WEDDING

Habang pinapanood nila ang same-day edit ng kanilang mga photos and videos, napansin daw ni Jerieh na nahihilo si Patrick.

“Parang mahihimatay. Siguro dahil mainit. Ang dami nang nangyari, ganyan-ganyan…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinamahan si Patrick na lumabas at magtungo sa kanilang kuwarto. Naiwan sa reception si Jerieh para mag-estima ng mga bisita.

Maya-maya, may lumapit kay Jerieh at sinabihang hinimatay si Patrick sa labas.

“Nakakakaba po. Nung time po na iyon tumakbo po ako sa kanya.

"Bigla siyang tumayo, ‘Okay lang ako,’ parang ganyan.”

Pero dinala na sa ospital si Patrick.

“Sa hospital, sabi ng doktor na nalunod ang mga organs niya sa tubig. Parang napuno ang organs niya ng tubig,” kuwento ng bride.

“Nababahala na ako kung anong nangyayari.

“Kinabukasan lumapit yung doktor, sabi, okay na.”

Pero October 7, 2018, isang araw matapos ang kasal, binawian ng buhay si Patrick.

“Mga 3:00 o’clock po namatay po siya. Ni-revive po siya. Ilang beses po siyang ni-revive. Tatlong beses.”

Pero hindi na nabuhay si Patrick.

“Tapos lahat sila nagtatanong, anong gagawin kasi nga asawa ako. ‘Ikaw na, ikaw na ang magdedesisyon sa kanya,’” madamdaming lahad ni Jerieh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bakit ako ang magdedesisyon, parang halos 22 hours pa lang kaming kasal, ako yung magdedesisyon.

“Nakahiga lang ako sa kanya, pinapakinggan ko lang yung heartbeat niya. Tapos wala na talaga.”

Ani Jerieh, “Sobrang saya ng nangyari and then biglang patay na, so parang unreal.

“Parang hindi ko maintindihan kung bakit. Full of questions ako, why? Bakit sa akin? Bakit ako? Bakit sa araw na iyon?”

JERIEH GOES THROUGH PAIN AND MOVES ON

Dahil sa pinagdaanan, aminado si Jerieh na “sobrang hirap makabangon.”

Nagalit daw siya sa kanyang sarili dahil hindi niya nalamang may sakit pala si Patrick.

"Tinago po niya yung sakit niya. Nalaman na lang po namin nung inaayos na po yung mga gamit niya doon sa bahay.”

Nadiskubre raw nila na may sakit pala sa puso si Patrick noong 2015 pa.

“So, tinago niya po sa akin, sa pamilya niya. Hindi rin po alam ng pamilya niya din,” ani Jerieh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging mahirap ang sitwasyon ni Jerieh sa mga sumunod na buwan.

“Hindi na rin po ako makakain at saka makatulog. Every time na pipikit ako ,siya yung nakikita ko.

“Ilang months akong hindi nakakatulog to the point na kailangan din akong makausap ng psychologist for that to process, the mental trauma, the emotional trauma…

"Ang hirap. Sobrang hirap talaga po.”

Natauhan daw si Jerieh nang kausapin siya ng kapatid ni Patrick.

Sabi nung kuya niya sa akin, “Alam mo, Jerieh, everything happens for a purpose.

"There’s beauty in it. In the future you and him will meet again, and while waiting for that future, be better.”

Sa paglipas ng mga taon, unti-unting nakakabangon si Jerieh.

Bilang closure, nagpunta siya sa Japan kung saan sila dapat magha-honeymoon noon.

“Ako lang pong mag-isa,” sabi ni Jerieh.

“Nung pumunta po ako ng Japan, parang nakahinga ako. Ako lang ito na walang nakakakilala sa akin. I can cry as much as I want.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalala niya na sumakay raw siya noon ng tren at eroplano na umiiyak.

“Pinuntahan ko po yung mga lugar na pinromise namin na pupuntahan…”

Minsan daw ay napanaginipan niya si Patrick.

“Niyakap po niya ako nang mahigpit. Sobrang higpit. No words. Just hug lang po.”

Noon lamang daw Marso ay napanaginipan niya muli si Patrick. Pinapalaya na raw siya nito.

“Sabi ko sa kanya, I think I’m ready. Napaniginipan ko po siya before noon po.”

Ito raw ang sabi ni Patrick, “’This time I’ll let you go.’ Nung March lang po noon. Yung first time na yung words sa dream na natandaan ko po.”

Sabi ni Jerieh sa pagtatapos ng kanyang kuwento, “Ngayon po, masasabi ko na okay na talaga.

“Yung process po ng healing ko po, talagang two years akong hindi nag-work.

“Ang ginawa ko lang po talaga, mag-solo travel, umakyang ng bundok, beaches.”

Sa pagtatapos ng pagsalang ni Jerieh sa "EXpecially For You," ang napili niya ay si Carlo, taga-Isabela at isang professor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jerieh and her mom and Carlo

Jerieh and Carlo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang magkaharap at magkilala sila ni Carlo, kitang-kita ang malaking ngiti ni Jerieh.

Sa pagsisimula ng bagong kabanata ni Jerieh, nawa’y isang maganda at masayang kuwento ang kanyang malilikha.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerieh (insert in circle) was the searcher in It's Showtime's dating segment EXpecially For You this May 3, 2024. She recounted her painful love story: she lost her husband the day after her wedding.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results