Handa ang fitness instructor-turned-Vivamax sexy actor na si Anthony Davao na maging direktor niya sa isang proyekto ang tiyuhin niyang si Ricky Davao.
Read: Ricky Davao, suportado ang sexy image ng pamangking si Anthony Davao
“Oo naman,” bulalas ni Anthony. “I’m looking forward to that, sana makatrabaho ko siya.
“Ewan ko pero sobrang saya nun, madami akong matututunan sa kanya, for sure, for sure!”
Bukod sa pagiging artista ay kilala ring direktor si Ricky, marami-rami na rin siyang hinawakang teleserye sa GMA bilang isang direktor tulad ng Second Chances, Little Nanay, Sinungaling Mong Puso, Legally Blind, Nagbabagang Luha, The Seed Of Love, at maraming episodes ng Magpakailanman.
Going back to Anthony, bilang isang Vivamax actor, nais ni Anthony na hindi lamang ang pagpapakita ng maganda niyang katawan ang focus niya.
Lahad niya, “Siyempre naka-focus din tayo ngayon sa acting skills, not only the sexy scenes and all. Gusto ko rin siyempre ma-showcase yung acting talaga kasi the sexy scene is there, you can do it, alam mo yun?
“Pero yung acting talaga is doon mo maipapakita kung talagang actor ka o hindi, it’s just not being a sexy actor but the acting itself, ayun.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anthony sa mediacon ng Lady Guard nitong Huwebes, May 2, 2024, sa Viva Café sa Cubao, Quezon City.
NOT WORK IF IT'S NOT HARD
First lead role ni Anthony ang Lady Guard na available na for streaming sa VMX ng Vivamax nitong May 3, 2024.
May pressure ba kay Anthony, na matapos ang supporting roles niya sa mga nakaraan niyang proyekto para sa Vivamax ay male lead na siya ngayon sa Lady Guard?
Tugon niya, “Oh, yes! Actually, it’s my first lead role and andun na nga yung pressure and the pressure really actually motivates me.
“I mean, I do want to work under pressure, mas ginagalingan ko siya kapag ganoon. Kapag walang pressure it’s like I’m not working at all.
“It’s like I work when it’s hard and I don’t work if it’s not hard, something like that.”

Lead female stars sa Lady Guard sina Angela Morena at Irish Tan at ito ay sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr.
Sa Lady Guard ay gaganap si Anthony bilang si Janus na supervisor ng isang warehouse at sina Angela (bilang si Estelle) at Irish (bilang Meryl) ay gaganap naman bilang mga lady guards.
